CHAPTER 11

66 9 2
                                    


A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
DON'T FORGET TO VOTE AND FEEL FREE TO COMMENT.
HAPPY READING ZSCARLETS.

CHAPTER 11

Ngayon ang araw ng alis namin papuntang Maynila. Malayo-layo din ang byahe namin mula dito sa probinsya kaya alas-tres palang ng umaga ay umalis na kami. Binaon ko pareho ang heels na ibinigay ni Shi at Matt sa akin. Napagdesisyunan kong pagkatapos ng contest ay isasauli ko sa kanila ito.

Matagal ko ding pinag-isipan ang mga sinabi ni Annalyn. Naging mahalaga na rin sila sa akin. Ayoko rin na masira ang grupo nila nang dahil lang sa dumating ako. Kaya pagkatapos ng graduation at kung aayain nga nila akong sumama sa Japan ay tatanggi ako. Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkasira nila.

Mag-aalas-nuwebe ng dumating kami sa venue na pagdadausan ng contest. Ang laki-laki ng mga building dito sa Maynila at kitang-kita ang mga iyon mula dito sa teresa ng kwarto namin. Nasa iisang kwarto lang kaming lahat dahil iyon daw and sabi ng committee na nag-aayos ng mga kwarto ng mga kasali sa kompetisyon. May tatlong kama ang kwarto na ito kaya kakasya lang kaming anim.

Manghang-mangha pa rin ako sa mga naglalakihang building na nakikita ko. Ito ang unang beses ko sa Maynila kaya talagang namamangha ako. Si JM kaya nasaan dito? Pwede ko kaya siyang puntahan? Kaso hindi ko naman alam kung nasaan siya o kung saan siya nag-aaral. Wala kaming cellphone para matawagan ang isa't isa.

Hindi ko napansin ang na may lumapit sa akin dahil sa sobrang busy ko kakapanood sa mga building.

"Is it your first time?" nagulat ako ng magsalita siya at nakitang si Matt pala iyon. Nailang ako bigla.

"Ahmm. Oo eh." Maikling sagot ko na lang.

"First time here in Manila or first time seeing a building?" nagbibirong tanong niya ulit. Napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin. Nalulungkot akong makita ang mga ngiti niya. Alam ko kasing oras na sabihin ko na hindi ko siya gusto ay malaki ang posibilidad na hindi ko na ulit makita ang mga iyon. Lalo na at nakapagdesisyon ako na umalis na sa grupo pagkatapos ng graduation na apat na buwan na lang mula ngayon.

"Pareho." Walang emosyong sagot ko at ibinalik na lang ang tingin ko sa mga building. Tahimik lang kaming nakatayo doon. Hindi ko siya tinitigan.

"Mitch." Tawag niya pero hindi ako lumingon. Ayokong lumingon kapag ganoon ang tawag niya sa akin.

"Mitch." Ulit niya pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Mitch, pansinin mo naman ako." Tawag niya ulit pero nakatingin lang ako sa mga building.

Sa inis siguro niya ay tinabanan niya na ako sa mga balikat ko saka ako pilit na iniharap sa kaniya. Sa baba lang ako tumingin dahil ayokong makita niya ang mga mata ko. Ang mga mata kong puno ng ka'ungkutan. Nagbabadya na naman ang mga luha ko. Kahit kailan talaga ang babaw ng luha mo Jen.

"Mitch look at me." Utos niya pero hindi ko sinunod.

"Mitch." Pero ayoko talaga siyang tignan. Natatakot ako na baka hindi ko masabi ang dapat kong sabihin kapag nakita ko ang mukha niya.

Tinabanan ng dalawa niyang kamay ang mukha ko at pilit na iniharap sa kaniya. Kasabay ng pagtingin ko sa mukha niya ay ang pagtulo ng mga luha ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Mitch bakit?" pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga hinalalaki niya. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya ulit.

"Wala, wala. Napuwing lang ako. Ang usok pala dito sa Maynila. Nasobrahan ako sa titig sa mga building kaya naluha ako. Hehe." Tinanggal ko ang mga kamay niya sa mukha ko at ako na ang nagpunas sa mga luha ko. Tumawa ako kunyari para mas maniwala siya sa alibi ko.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon