CHAPTER 19

52 10 1
                                    

A/N: EXPECT TYPOS,WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT YOUR THOUGHTS. I'LL REALLY APPRECIATE IT.^_^
HAPPY READING ZSCARLETS!!! ^_^

CHAPTER 19

"Akalain mo nga naman. Hindi ko inaasahan na magkikita-kita tayo dito." Maski ako hindi ko rin inaasahan Andrie.

Naka-upo kami ngayon sa isang 4 seater na lamesa dito sa restaurant. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ko talaga inaasahan na magkikita pa kami eh. Ganoon ba talaga? Kapag nasan ang isa nandun din silang lahat. Hindi ko napaghandaan ang pangyayaring ito.

"Ang akala ko ay magbabakasyon kayo ni Yuki? Bakit nandito pa kayo sa Maynila?" tanong ni Andrie sa kanila.

"Iyon naman talaga ang balak namin kaso itong si Yuki gusto daw makita iyong University ni Matt at Annalyn." Sabi ni Shi. Nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya ay nakatingin pala siya sa akin. Agad ko rin tuloy ibinaba iyon at sa pasta na lang na nasa harapan ko ako tumingin.

"Kamusta ka na?" narinig kong sabi niya. Wala siyang binanggit na pangalan pero may pakiramdam akong ako ang tinatanong niya. Tumingin ako ulit kay Shi at nakita kong sa akin nga siya nakatingin. Napilitan akong sumagot.

"Okay naman ako. Kayo?"

"Well, we're also fine. Itong si Yuki may sarili ng dance studio. Ako naman medyo busy kasi kumukuha pa ng masters ko sa engineering. Ikaw anong trabaho mo?"

"Professor ako sa Yume University." Nakangiting sagot ko na lang.

"Oh. So, nagkita na kayo ni Matt kung ganoon. He told me that he's going to visit Yume University."

"Uhmm.. Oo." Iyon na lang sinabi ko.

"Pwede na ba tayong kumain?" tanong ni Yuki. Gaya ng dati ay tahimik pa rin siya at bigla-bigla na lang magsasalita.

"Oo nga. Nagugutom na rin ako eh. Next week na lang natin ipagpatuloy ang kwentuhan dahil ang sabi sa akin ni Jen Foundation Day ng Yume University kaya 1 week silang free. Ano game kayo?" nagulat naman ako sa suhestyon ni Andrie.

May plano na kasi akong gawin next week. Balak ko sanang ipagpatuloy ang paghahanap kay Ate at kay JM. Kakausapin ko rin sana ang private investigator na binayaran ko para hanapin si Mama. Paano na iyan?

"Magandang ideya iyan. Sige after ng bakasyon namin ni Yuki sa Cebu ay babalik kami kaagad dito next week para matuloy ang kwentuhan na ito." Wala naman sana sa aking problema kung gusto nilang makipagkwentuhan. Kapag sila kasi parang wala naman akong nararamdamang lungkot o kahit na anong negatibong dadamdamin. Lahat kasi ng ala-ala ko kasama sila ay maganda.

Hindi naman kasama doon ang nangyari sa amin ni Shi noong pinuntahan namin si JM. Ibang istorya na kasi iyon. Sa ngayon ay magaan ang loob ko sa kanilang tatlo. Medyo na hihiya lang siguro ako dahil ang tagal din naming hindi nagkita at hindi ko rin nakakalimutan na nagka-gusto sa akin si Shi dati. Kaya medyo may awkwardness sa pagitan naming dalawa, pero sa dalawa ay panatag naman ang loob ko.

Nagsimula na kaming kumain. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto ni Andrie. Matapos kumain ay sabay-sabay na kaming apat na nagpunta sa Yume University. Pagdating namin ay magpa-paalam na sana ako dahil may klase pa ako pero nagpumilit silang ihatid na daw ako.

Pumunta muna ako sa office para kunin ang mga kakailanganin ko sa pagtuturo. Oo nga pala at nasa office ko din si Sir Alvarez. Baka kung ano ang isipin nila. Pero hindi. Alam naman siguro nilang si Sir Alvarez at Annalyn na diba? Malamang sa alam na nga nila.

Kinakabahan kong binuksan ang pintuan. Nang makita ko na ang loob ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Siguradong nakita din nila Andrie, Shi at Yuki iyon dahil nasa likudan ko lang sila. Inabutan namin si Sir Alvarez at Annalyn na naghahalikan sa swivel chair niya. Mukhang hindi nila kami napansin dahil tuloy lang sila sa ginagawa nila.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon