CHAPTER 38

48 3 4
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 38

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang natutulog na si Matt ang bumungad sa akin. Biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Natabunan ko na lang kumot ang mukha ko sa sobrang hiya sa sarili.

"Talaga bang ginawa namin iyon?" wala sa sariling tanong ko sa sarili ko.

"Yes Sweetheart. Ginawa natin iyon." Nagulat ako ng biglang sumagot si Matt. Paglingon ko sa kaniya ay ang nakangising mukha niya ang nakita ko. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Hindi makapaniwala sa mga nangyari.

"Why?" medyo natatawang tanong pa niya. "Para kang nakakita ng multo."

Diyos ko, Lord. Talaga bang ang matipunong lalaking ito ang pinagbigyan ko ng sarili ko kagabi. Hindi ko ata deserve.

"Totoo ba talaga ito?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

"Yes Mitch, totoo ito. Can't you feel it? Down there?" nakangising sabi niya.

Agad nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tinabunan ko na lang ulit ng kumot ang mukha ko sa hiya. Kailangan ba talaga niyang sabihin iyon? Narinig ko naman ang malakas niyang tawa.

"You're so cute Sweetheart. That's why I love you." Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na tumatakip sa mukha ko. Inabutan ko ang nakangiti niyang mukha na nakatingin sa akin. Nakapaibabaw na pala siya sa akin. Nakatukod ang dalawang kamay sa gilid ng ulo ko.

"I love you." Ulit niya at naging seryoso na ang mukha niya.

"I—"

"Babe!"

Sasagot na sana ako pero natigil dahil mukhang andiyan si Annalyn. Agad nanlaki ang mga mata ko. Umusbong ang kakaibang kaba sa dibdib ko.

"Matt." Kinakabahang sabi ko.

"Babe! Andito ka ba?" mas lumalakas na ang boses ni Annalyn. Mukhang malapit na siya.

"Matt, kailangan kong magtago. Paniguradong magagalit si Annalyn kapag nakita niya ako." Itutulak ko na sana siya pero bigla niya akong niyakap.

"Let her. Ayoko ng magkunwari. Gusto ko ng magpakatotoo. I'm tired. So, let her. Ako ang bahala. I won't leave you hanging. Don't worry." Hindi ko alam kung ayos nga lang ba ito pero naniniwala ako sa kaniya. Hindi niya ako iiwan.

"Bab—oh mukhang nasa kwarto ka naman pala." Rinig na rinig ko na ang boses niya. "I told you, don't forget to close...your...door." napapikit na lang ako. Natatakot makita kung ano ba ang mangyayari. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya dahil paniguradong hindi ko kakayanin kapag nakita ako ni Annalyn.

"What's the meaning of this?" rinig ang galit sa boses niya. Iyong boses na hindi pasigaw pero rinig mo iyong pinipigilan niyang galit.

Nagulat ako ng biglang bumangon si Matt. Sa ginawa niya ay kitang-kita na ni Annalyn ang mukha ko. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya dahil kahit saang anggulo man tingnan ay nagtaksil kami sa kaniya dahil sila pa rin ni Matt.

Tumayo si Matt sa harapan niya na naka boxer na pala. Samantalang ako ay nanatiling nakahiga at hindi sila mabigyan ng pagkakataon na tignan.

"You slut!" sigaw ni Annalyn sa akin.

"Kahit kalian talaga ay malandi ka hano? Hindi mo ba talaga titigilan si Matt ha?" nagulat ako ng bigla siya lumapit sa akin at hinablot niya ang buhok ko. Hindi iyon inaasahan ni Matt kaya hindi niya agad napigilan si Annalyn.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon