CHAPTER 4

142 55 36
                                    


Thanks Ate @fennylalanine_ for the cover above. Also, thank you for supporting my story. Hope you won't stop and to my readers, thanks for supporting also.

A/N: Sorry for the typos and dont forget to vote and comment : )

CHAPTER 4

"You know what? I don't really like you."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nanahimik na lang ako dahil obvious naman na hindi nga niya ako gusto. Sa simula pa lang naramdaman ko na iyon, hindi ko na lang pinansin iyon nung una hanggang sa makasagutan ko nga siya.

"But now. I don't know anymore. I can't say that I like you but I can't also say that I don't like you. I'm just civil to you, I guess." Nilampasan na niya ako pagkasabi niya noon at sumabay maglakad kay Matthew at Shi. Hindi niya masabi na gusto niya ako pero hindi niya rin masabi na hindi niya ako gusto? Ang gulo. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Malapit na kami sa maintenance office kaya nagpatiuna na akong maglakad para ako na ang magsabi na kami ang maglilinis ng CR ng Grade 10 ngayon. Binigyan nila kami ng tig-iisang mop at timba. May sabon at brush din.

Naglakad na kami papuntang CR. Kung sinuswerte ka nga naman. Tuwing hapon kasi mas madumi ang CR dahil maghapon ng nagamit ng mga estudyante. Mukhang mapapasabak kami sa linisan nito ah.Sa akin wala namang problema na maglinis ng CR sanay na ako sa ganito.

Nilingon ko sila Shi na nasa likod ko kanina pa habang papunta dito sa CR. Mga mukhang nalugi ang itsura nila. Ibinaba ko na ang bag ko sa malapit na bench at ganoon din naman sila.

"Ano? Tara na." aya ko sa kanila.

"Hindi ko ata kaya ito. Masusuka na ako." Agad na pumunta si Shi sa tabi ng CR at doon ay sumuka nga siya. Nilapitan ko naman siya at hinimas ang likod habang sumusuka.

"Sigurado ka bang kaya mong linisin yan? Dinaanan ata iyan ng tatlong bagyo eh. Hindi lang simpleng bagyo. Kundi bagyong may kasamang ihi. Ang baho." At sumuka na naman siya.

"Ganon talaga magparusa si Sir. Kasalanan naman natin kaya no choice tayo."

"Well, it's not a problem to me kung lilinisin natin ito. Mas maaga tayong magsimula mas mabilis tayong matatapos." Lahat kami napatingin kay Shirayuki ng sabihin niya iyon. Napangiti naman ako. Ang akala ko ay isa pa siya sa magrereklamo bukod sa kuya niya pero mukhang nagkamali ako.

"Paano ba iyan Shi? Okay lang daw kay Shirayuki. Daig ka pa ng babae. Hahaha."

"Cut with the full name, just call me Yuki." Napatingin ako ulit sa kaniya pero papasok na siya ng CR kaya hindi ko na siya nakita. Nakatingin naman na ngayon sa akin si Shi at may nanlalaking mata. Nagkatinginan naman ang tatlo sa harapan namin at sabay-sabay na tumingin sa akin. Nagkibit na lang ako ng balikat at sinundan na si Yuki sa loob ng CR.

Labag man sa loob nung apat pero wala silang nagawa ng makita kami ni Yuki na naglilinis ng CR. Pumasok na rin sila at tumulong sa amin na maglinis. Isa pa sa problema namin ay ang mga estudyanteng labas-pasok sa CR. Kaya iyong mga nalinis na namin ay nadudumihan ulit.

Nang matapos kami ay uwian na. Sumakit ang likod ko. Ikaw ba naman maglinis ng dalawang CR, isa sa babae at isa sa lalaki. Ayaw kasi nila Shi, Andrie at Matthew na maiwang maglinis doon sa CR ng lalaki kaya ang nangyari tulong kaming anim sa paglilinis. Lumalabas nalang ang mga lalaki kapag may mga magsi-CR sa girl's restroom at ganoon din naman sa aming mga babae kapag nasa boy's restroom.

"Ang sakit ng likod ko." si Andrie na hinihimas pa ang likod niya. Palabas na kami ngayon ng gate.

"Halos kami nga nila Yuki at Jen ang gumawa tapos ikaw pa masakit ang likod?" inikot-ikot naman ni Annalyn ang braso niya. Kami kasi ang nagisis ng sahig eh kaya pati braso naming mga babae masakit hindi lang likod. Napatingin naman ako kay Yuki na nasa harapan namin ni Matthew. Hindi manlang siya nagreklamo kanina tapos ngayon parang hindi manlang niya iniinda ang sakit ng katawan niya. Impossible naman na hindi siya napagod.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon