CHAPTER 25

60 5 5
                                    

EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT ^_^
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 25

May naka-abang na isang van sa amin pagka-baba ng eroplano. Katulad iyon noong van na sinasakyan namin dati. Pati itong van naalala ko iyong nakaraan. Mukhang sinadya ata ni Andrie ito. Nakapasok na kasi kaming lahat at siya na lang ang nasa labas. Todo-todo ang pagkakangiti niya habang pinagmamasdan kami sa loob. Mukhang tama nga ako.

Pumasok na siya na may napakalaking ngiti sa mukha niya. Napangiti na din ako ng wala sa oras. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Siya pa rin iyong happy pill ng grupo kagaya noon. Gagawin niya ang lahat mapasaya lang kami.

Nagbyahe lang kami ng kalahating oras at nakarating kaagad sa isang hotel. Nakakaramdam pa rin ako ng hilo pero hindi naman na nasusuka. Ito siguro iyong sinasabi nilang jetlag. May mga hotel boy na nag-assist sa amin at sila na ang nagdala ng mga gamit namin.

Si Andrie na ang nakipag-usap sa receptionist nung hotel. Nang makuha na niya ang susi ng kwarto namin ay sumakay na kami sa elevator para puntahan iyon. Pinilit kong maglakad ng diretso kahit na nahihilo ako.

Pagdating doon ay isang kwarto lang pala ang pina-reseve ni Andrie. Gaya noong dati ay may tatlo itong kama. Nagbabalik na naman ang mga ala-ala. Pagpasok naming lahat sa kwarto ay agad na nag-ayos ng gamit si Annalyn.

"Babe akin na iyang bag mo. Ako na ang mag-aayos." Sabi ni Annalyn kay Sir Alvarez.
Iniabot naman niya ang bag sa nobya pero tinulungan din niya itong mag-ayos ng mga gamit nilang dalawa.

"Staring is bad." Noon ko lang napansin na nakatitig na pala ako kay Sir Alvarez at Annalyn. Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Yuki na nakatayo sa tabi ko. "Especially when you're staring at the wrong person." Dugtong niya at walang mababasa na kahit anong ekspresyon sa mukha niya.

Pagkasabi noon ay umalis na siya sa tabi ko at naglakad palapit sa kama na malapit sa pintuan papuntang balkonahe ng room namin at ibinigay sa kuya niya ang bag na dala niya.

"Onii-chan, arrange this for me." Sabi ni Yuki kay Shi at humiga na sa kama. Napasimangot na lang siya sa tinuran ng kapatid.

"Yuki naman." Nagrereklamong sabi ni Shi. "Let me rest. Please!" pero hindi siya pinansin ng kapatid at ipinikit pa ang mata.

"I'm going to sleep. Wake me up kung may gagawin na tayo." At mukhang tuluyan na ngang natulog si Yuki. Walang nagawa si Shi kundi ang ayusin na rin ang gamit ng kapatid.

Lumapit ako kay Yuki at kinalabit ito.

"Yuki, pwede bang tabi na lang tayo?" tanong ko. Nakakahiya naman kasing tumabi sa lalaki. Kay Shi man o kay Andrie. Ang babae at lalaki na wala namang relasyon ay hindi dapat nagtatabi. Sa amin ay si Annalyn at Sir Alvarez lang ang may relasyon kaya ayos lang kung magtatabi man sila.

"Do what you want." Sabi ni Yuki.

"Thank you." Nakangiting sabi ko kahit na alam kong hindi niya iyon makikita.

Umupo ako sa tabi ni Yuki at sinimulan ng ayusin muna ang mga gamit ko bago ko ilagay sa isang cabinet na nandoon. Papatapusin ko muna silang mag-ayos bago ako mag-lagay ng sarili kong gamit .

Ang gitnang kama ang pinili ni Annalyn at Sir Alvarez. Si Andrie naman ay doon sa isa pa. Nang makita ako ni Shi sa tabi ni Yuki ay doon na rin siya sa tabi ni Andrie nagpunta. May tatlong cabinet ang nandito sa loob ng kwarto at natapos na silang mag-ayos ng gamit nila.

Nagpaalam si Andrie na pupunta siya sa baba para kausapin iyong tour guide na binayaran niya para i-tour kami dito sa Ilocos. Sumama naman sa kaniya si Shi dahil gusto rin daw niyang makita ang lugar.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon