CHAPTER 10

90 17 2
                                    


A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
DON'T FORGET TO VOTE AND AND FELL FREE TO COMMENT.
HAPPY READING MY ZSCARLETS:)

CHAPTER 10

Halinhinan ko na lang isinuot ang ibinigay ni Shi at Matt na heels sa akin para wala hindi nila isipin na may pinapaburan ako sa kanilang dalawa. Nagsimula na rin kaming mag-practice na suot ang mga costume namin gaya ng sabi ni Shi.

Kung noong kinausap ako ni Annalyn ay medyo naiilang ako sa kanila ngayon naman ay mas nailang ako, lalo na kay Shi at Matt. Hindi pa rin ako naniniwala na may gusto talaga sila sa akin. Hindi man nila sinasabi ng deretso sa akin pero base sa mga sinabi nila ay mukhang mayroon nga na umabot pa sa punto na nag-away silang dalawa.

"Next week, babiyahe tayo papunta sa Manila. We need to see where we're going to perform. Don't worry dahil alam na ng school ito ay may approval na din nila. May ibibigay ako na waver mamaya para ipakita at papirmahan sa mga parents natin. May budget tayo para dito kaya wala kayong babayadan. Last week na natin para magpractice bago ang contest kaya let's give our all guys." Pagkatapos ng announcement ni Shi ay nagsimula na ulit kaming magpractice.

"Jen." Napalingon ako sa likod ko at nakita si Annalyn. Nasa CR kami ngayon. Wala si Yuki, Shi, Andrie at Matt. Bumili sila ng snacks sa mga café dito school kaya kami lang ni Annalyn ang nandito. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Annalyn, bakit?" pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga damit ko at iniwas ang tingin ko sa kaniya.

"Mukhang nangyari na nga ang kinatatakutan ko." lumingon ako sa kaniya at inabutan ko ang nakangisi niyang mukha. "I already told you. Tell the both of them that you don't have any feelings for them. Mas lalo pang lumala ngayon at nagsuntukan pa sila. Sa tingin mo ba aabot pa dito kung sinabi mo na sa kanila na hindi mo sila gusto?" naiiyak ako sa mga naririnig ko sa kaniya. "Wait. Let me rephrase that. Sa tingin mo ba aabot pa dito kung hindi ikaw ang napili ni Haruka?" nanlaki ang mga mata kong may nagbabadyang tumulong luha ng marinig ang sinabi niya. Si Haruka? Ano namang kinalaman ni Haruka sa pagkapili nila sa akin bilang bagong miyembro ng grupo nila?

"Nabigla ka?" natatawang tanong ni Annalyn. "Tama ka ng narinig. Ikaw ang pinili ni Haruka para maging bagong member ng grupo. Hindi ko talaga alam kung bakit eh. Pero kung ako ang papipiliin ay ayoko sayo." Mataray na sabi niya. "Masyado kang pabibo. Mahiyain kunwari pero may itinatago naman pa lang kulo sa loob. You intentionally seduce Shi and Matt. Para ano? Para hindi mo na kailangan gumastos at sila na ang bahala sa lahat ng gusto mo? What a pathetic bitch." Nakahalukipkip na sabi niya sa akin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ko inakit si Shi at Matt. Kung tutuusin nga ayoko talagang tanggapin lahat ng ibinibigay nila, lahat ng ibinibigay niyo pero sa tuwing tumatanggi ako ipinipilit naman nila kaya wala akong magawa kundi ang tanggapin." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko kahit na nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya. Umirap lang siya sa ere na parang walang gana sa pakikinig ng mga paliwanag ko.

"Really. Hindi mo alam?" kinuha niya ang cellphone niya at ipinakita iyon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang picture namin ni Shi habang nakahubad siya at ako naman na nakatitig sa katawan niya. Ito iyong mga panahon na nabasa ko ng luha ang damit niya kaya ko siya pinaghubad at pinahiram ng damit na baon ko. "I have an evidence. Itatanggi mo pa?"

"Mali ang iniisip mo. Nabasa ko ng luha ang damit niya ng mga panahon na iyan kaya pinahubad ko ang damit niya at pinahiram ko siya nung dala ko."

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon