CHAPTER 34

39 4 1
                                    


A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING^_^ !!!

CHAPTER 34

Naglibot-libot ako sa mga booth. Tinikman ang mga paninda ng mga estudyante at pilit kinalimutan ang mga nangyari sa office kanina. Mabuti na lang at hindi na ko sinundan pa ni Annalyn para piliting sumagot sa mga sinabi niya.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong nagsalita sa intercom.

"Good morning to all the students of Yume University. From this moment we will start to announce the confessions/messages of ramdom students that send their letter to us."

Mukhang magsisimula na ang program na sinabi ni Eman noon. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko pero doon lang sa malilim dahil medyo kumikirot ang ulo ko kapag nababad sa sinag ng araw. Pinakinggan ko na lang ang mga messages na binabanggit na sa intercom na rinig na rinig sa buong university.

"This message is from an anonymous message sender. 'Hello! Sana naririnig mo 'to kung nasaan ka mang parte ng university. Matagal ko na talagang gusting sabihin ito sa'yo eh. Ang kaso ang dami-dami namang lalaking nagkakagusto sayo kaya hindi ako makahanap ng tyempo para sabihin sa'yo 'to. Kung alam mo lang Maine. Napakatagal na kitang gusto, mula high school pa. Kaya nga dito rin ako nag-aral eh, kasi dito ka nag-aral. Hindi na ako umaasa na masusuklian mo ang nararamdaman ko para sa'yo. Ang gusto ko lang talaga kaya ako nag-send ng letter dito ay masabi ko sa'yo kung ano talaga ang nararamdaman ko. Siguradong ngayon pa lang alam mo na kung sino ako. Salamat sa pakikinig mo.'" Pagtatapos ng nagsasalita sa intercom.

Napalingon ako sa kanan ko ng marinig ko ang isang grupo ng babae na pinapalibutan ang isang babae. Ang babaeng nasa gitna ay umiiyak at inaalo ng mga babaeng nakapalibot sa kaniya na mukhang mga kaibigan niya.

"Sabi ko sa'yo Maine eh. Mas worth it si Dilan kaysa sa ibang mga lalaking nagkakagusto sa iyo eh. Hindi ka pa masasaktan kasi siya kilala mo na hindi tulad ng iba na puro mukha lang naman ang maipagmamalaki sa iyo." Panunumbat ng isa sa mga babae doon sa babaeng umiiyak na tinawag niyang Maine. So, siya pala ang tinutukoy sa letter.

"Tama ka. Bakit ba kasi ang tanga-tanga at ang manhid-manhid ko? Bakit hindi ko napansin ang nararamdaman niya para sa akin? Ngayong alam ko na. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong makita si Dilan." At nagsimulang mag-lakad papaalis si Maine at chineer naman siya ng mga kaibigan niya sa paghahanap kay Dilan.

Nag-patuloy na ako sa paglalakad ko at minsan may mga estudyanteng bumabati sa akin at nag-aalok ng paninda nila. Tinatanggihan ko muna dahil baka hindi na ako maka-kain ng tanghalian kapag nabusog ako sa mga paninda nila na madalas ay junkfoods. Kailangan ko ng masustansyang pagkain dahil hindi pa ako ganoong kagaling. Kailangan ko pang uminom ng gamot.

Sa paglalakad ko ay patuloy ang pagbabasa ng mga letter sa intercom. Minsan natutuwa ako kasi karamihan sa mga iyon ay bumabati lang at wala ng ibang sinasabi. Sino kayang tumanggap ng mga letters at mukhang hindi nasalang mabuti ang mga iyon?

"Ang susunod na letter ay mula kay Yuan ng Engineering Department, 1st year. Woah ang tapang ah, sinabi talaga ang pangalan at department." Rinig kong kantyawan ng kung sino mang nasa intercom ngayon. May nakita akong isang bench na nalili-liman ng isang malaking puno at walang naka-upo doon kaya nag-lakad ako palapit doon at naupo.

"Ito ang laman ng letter. 'Siguro naiisip niyo na ang tapang-tapang ko kasi sinabi ko ang pangalan at department ko. Pero sa totoo lang isa akong napakalaking duwag. Sa mundo kasi, lalo na ngayong panahon natin ay ang itsura at katayuan sa buhay ang laging basihan sa isang tao. Kapag maganda o pogi bukod sa maraming admirer ay marami ding kaibigan. Kung mayaman ka mas marami ka pang kaibigan. Ang mga taong sinasabi nilang nasa ibaba at maraming kapintasan ay nawawalan na ng pagkakataon na maranasan kung paano ba mabuhay ng may mga kaibigan kang nakakasama at maasahan.' " Mas lalo akong naingganya na pakinggan ang letter ng estudyanteng nagngangalang Yuan. Naalala ko kasi ang sarili ko noong high school pa ako.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon