CHAPTER 15

58 11 5
                                    

 A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FELL FREE TO COMMENT YOUR THOUGHTS. I'LL REALLY APPRECIATE IT.
HAPPY READING ZSCARLETS ^_^

CHAPTER 15

"Good Morning Miss!"

"Good Morning Miss Cruz!"

"Good Morning Miss Jen!"

Iyan ang sumalubong sa akin pagpasok ko. Tinanguan ko sila at kung minsan ay bumabati rin ako pabalik. Habang dala-dala ko ang isang folder at libro sa mga braso ko ay nakasukbit naman sa balikat ko ang aking shoulder bag na naglalaman ng lahat ng kailangan ko sa pagtuturo.

Dumating ako sa sarili kong opisina. Bumungad sa akin ang isang tambak na papel sa lamesa ko at mga folders naman sa gilid noon. Huminga ako ng malalim at agad na sinimulan ang dapat kong gawin. Mamayang hapon pa naman ang simula ng klase ko kaya matatapos ko ang mga ito bago iyon.

Nangangalahati pa lang ako sa mga chine-check kong folders nang bumukas ang pintuan ng office ko. Pumasok si Emmanuel na may dala-dalang isang folder.

"Excuse me po Miss Cruz." Nakangiting bati niya at pumasok nan g tuluyan sa office ko. Nginitian ko rin siya pabalik. "Magpapapirma lang po sana para sa program ng Student Council sa Foundation Day." Iniabot niya sa akin ang folder na taban niya. Binitawan ko muna ang taban ko at tinignan ang folder na iniabot niya.

"You're planning to have a new event on Foundation Day?" tumingin ako sa kaniya pagkasabi noon. Nakalagay kasi sa paparimahan niya na plano nila na magkaroon ng bagong program. Tungkol sa mga taong may gustong sabihin sa iba pero hindi masabi in person. Magkakaroon ng letter booth. At lahat iyon ay babasahin din sa intercom na rinig sa buong university para marinig ng lahat. Pwedeng hindi magpakilala ang magbibigay ng sulat.

"Well, Miss. We just want to help those student na takot I voice out ung mga gusto nilang sabihin. Don't worry Miss kapag hindi naman maganda iyong sasabihin hindi na namin babasahin ung letter. The vision of this is to help the introverts in our university. Napansin ko po kasi Miss na maraming introverts sa university natin."

"May point ka naman. Pero iyon nga rin ang prinoproblema ko, na baka may mga student na hindi seryosohin ang program niyo na 'to. But don't worry I'll talk to the other heads of our school na disiplinahin ang ibang student na pasaway kung ma-approve itong project niyo." Gusto kong suportahan ang project nila na ito para matulungan ang mga introverts na estudyante. Alam ko ang pakiramdam na takot kang makisalamuha sa iba dahil takot ka sa mga maari nilang sabihin sa iyo. Gusto kong mabigyan sila ng pagkakataon na sabihin kung ano man ang gusto nilang sabihin sa iba kahit na sa letter lang.

Pinirmahan ko ang project at agad na ibinigay na sa kaniya.

"Thank you Miss." Nakangiting sabi niya. "Panigurado na madaming magco-confess sa inyo Miss. Lalo na sa 4th year."

"Naku. Ikaw talaga Emman. Puro ka kalokohan." Natatawang sabi ko na lang. Hindi rin kasi lingid sa kaalaman ko na may mga estudyante nga akong nagkakagusto sa akin. Dalawang taon lang din kasi ang tanda ko sa kanila kaya malalakas ang loob na magkagusto sa akin. Sa dalawang taon na pagtuturo ko ay Head na ako ngayon ng Bachelor of Secondary Education Major in English Department ng university.

Pinagbutihan ko talaga ang pagtuturo ko at pagkatapos ng isang taon ay nag-exam ako para sa posisyona at swerte na ako ang napili.

"Totoong sinasabi ko Miss. Sa isang linggo foundation day na. Hintayin niyo na lang po na mabanggit ang pangalan niyo sa intercom." Itong si Emman ay estudyante ko sa rin at 4th year na siya. Siya talaga ang pinaka-kaclose ko sa batch nila dahil siya rin ang Student Council President. Magaan lang talaga siguro ang loob ko sa kaniya kasi naaalala ko si JM sa kaniya.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon