Kabanata 41

54 0 0
                                    

Pagdating sa Batangas agad na nag ayang matulog ang mga bata dahil madaling araw na nga. Pinatulog ko lang ang mga anak ko saka ako bumaba. Si Astrid lang ang babaeng kasama nila pero wine ang iniinom niya.





"Iinom ka?" gulat na tanong ni Geo nang makitang nagsalin ako ng alak sa baso. Pinagtaasan ko lang siya ng isang kilay saka ininom ang alak.





Bahagya kong ipinagtaka ang pananahimik ng lahat kaya tinignan ko sila at lahat sila'y naglilipat ng tingin kay Razen at sa'kin.





"What is the problem ba?" nagtatakang tanong ko.





"Wala" sagot ni Mikee.




Tumingin ako kay Razen at nahuli ko ang masamang tingin niya sa'kin na agad niyang binaling sa tumatawang si Geo.





What the fvck??





"May mga babae talaga na kahit tignan na ng masama hindi parin nakakaintindi" napapailing na usal ni Geo at nagsalin ng alak.





"Pero may mga babae ding walang pakialam" nakangiti ngunit seryosong sabi ni Astrid.





Umirap nalang ako at uminom.




"Let's play a game. Spin the bottle" sabi ng pala desisyon na si Edmar at agad pinaikot ang boteng walang laman.





Tumapat 'yon kay Geo na game na game naman. Kiniskis pa niya ang magkabilaang palad.





"I'll be the one to ask" nakangising sabi ni Edmar "Sixty nine o dogstyle?"




Nabuga ko ang iniinom at napatingin sa mukhang ewan na Geo. Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa reaksyon niya.





"Nako, minus points 'yan sa langit" ani Geo pero ang pagkabalisa ay kitang kita sa mukha niya.





"Fvck you. Nagtatanong lang ako dito pero ikaw ginagawa mo. Damn, sumagot ka na"




"Dogstyle" namumutlang sabi ni Geo "Huwag niyo' tong sasabihin kay Anita" mas lalong lumakas ang tawa ko.




Takot sa asawa ang pinakoloko sa'min.




Pero ang kaninang malakas kong tawa ay biglang huminto dahil ang bote ay tumapat sa'kin. Lahat sila ay tumingin kay Razen.




"Si Geo" sabi ko at tumingin kay Geo na nagkibit balikat lang sa'kin "Its his turn" balisang dagdag ko.





"Who is your favorite food?" nakaangat ang gilid ng labi ni Razen habang nagtatanong, mapanukso na agad ang mga mata niya nang tumingin sa'kin.




Who??? Sino ba? Putangina naman.




"W---what...?" gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagiging utal at pagiging kabado. Nagkibit balikat siya sa'kin at buong yabang na ininom ang alak at tumingin sa'kin "It should be what is my favorite food, right? Your question is wrong"





"Who is your favorite food?" pang uulit niya.




"Dare! Putek, dapat may choices" reklamo ko "Magdidare ako"





Ngumiti ng pagkatamis si Razen at mapanuksong tumingin sa'kin.





"I dare you to marry me"





Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya.





"The question or the dare? You choose" mayabang na sabi niya.





"Wala, ayoko" pagtanggi ko at tatayo sana kaso ay hinila ako pabalik ni Razen.




"Ang KJ mo" nakangusong sabi ni Geo at pinaikot ang bote.




Tumapat 'yon kay Mikee na agad tumingin sa asawa na parang nanghihingi ng pag unawa.





"Oh, ako magtatanong. Suck or kiss?" nakangising tanong ni Geo.





"Change your question, jerk!" angil ni Mikee "My wife is here"





Napapikit ako nang mariin. Kotang kota na ako sa englishan. Mamaya neto mauubusan ako ng stock.




Tumawa lang si Geo habang sinasalubong ang masamang tingin ni Mikee at mahihinang mura.





"Suck" napapalunok na sagot ni Mikee "I'm gonna kill Geo when he's drunk" bulong ni Mikee.




Napatingin ako kay Astrid na mahinang tumatawa. Eksaktong tumingin din siya sa'kin. Nilapit niya ang mukha niya kaya nilapit ko din ang pagmumukha ko. Chismisan na.




"Bago ka bumaba sabi ni Razen hindi ka niya papayagang uminom" daglian akong napatingin kay Astrid "Pero huli na para pigilan ka pa and then tumawa si Geo dahil inaasar niya si Razen" napatango tango ako.





"Kapag gustuhin ko wala siyang magagawa" sabi ko at tumingin sa mga dalawang naghihiyawan. Kay Razen na nakatapat ang bote.




Tumingin sila sa'kin kaya agad akong nag iwas ng tingin.





"Ako magtatanong" rinig kong sabi ni Geo, sa tono niya alam kong hindi maganda ang nasa isip niya "Chantel's moan or Chantel's performance?"





"Hoy!" malakas kong binatukan si Geo "Babaguhin mo 'yang tanong mo o babaguhin ko paghinga mo?"





"Aish!" napakamot siya sa batok at muling tumingin kay Razen "Chantel o kami?" tumingin siya agad sa' kin "Oh, ayan! Maayos na. Lintik na, nabatukan pa nga"





Magsasalita pa sana ako kung hindi lang nahagip ng tingin ko ang seryosong mga mata ni Razen na nakatingin sa'kin.





"It's always her"




Ang mga salitang 'yon ay napakabagal na pumasok sa isip ko na parang ninanamnam pa nito kung gaano kasarap pakinggan ang mga salitang binitiwan ni Razen.





"Oh, walang may nagsabing kiligin ka" pangbabasag ni Edmar at pinaikot ulit ang bote at sa kamalas malasang tumapat ulit kay Razen.




"I have a choices especially made for you. Truth or dare?" tanong ni Mikee kay Razen.




"Dare" kibit balikat na sagot ni Razen.




"I dare you to kiss Chantel"




"Hinay hinay lang, guys. Wala pang comeback na naganap" hilaw ang naging ngisi ko, lahat sila ay natahimik at tumingin kay Razen.





"With or without label you are mine. Sa'kin parin naman ang bagsak mo" kibit balikat na sabi ni Razen pero sa tono ng pananalita niya ay nagyayabang lang siya.





"At sinong nagsabing papayag ako?" mataray na tanong ko sakanya.





"Isa lang naman sa tatlo ang makakatuluyan mo. Ang ama ng mga anak mo, ang muntikan mo ng pakasalan o si Razen Von Guevara." nanlaki ang mga matang tumingin ako kay Razen "You're free to choose"





"Ang...kapal...ng...mukha...mo" habang sinasabi ko ng paisa isa ang mga salita ay nilalapit ko ang mukha ko sa mukha niya para diinan ang mga sinasabi ko pero 'di ko inakalang hahalikan niya ako!

Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now