Kabanata 20

75 0 0
                                    

"Ready?" tanong ni mommy, I simply nodded.






Umakyat ang parents ko at parents ni Razen sa mini stage. Kumuha sila ng mic at pinasadahan ng tingin ang lahat.






"Thank you for coming. Today we're celebrating the 24th birthday of my daughter, Chantel Shine Fuentabella" ani daddy at minuwestra ako.






I slightly waived my hands and smiled.





"But tonight we are not just celebrating the birthday of my eldest daughter" dagdag ni mommy.







"Kinakabahan ka na ba, Tel?" nakangising tanong ni Geo.







I rolled my eyes.







"I would like to call my son Razen Von Guevara" sabi ni Tita Raciela.






"Our son Razen Von Guevara and Chantel Shine Fuentabella will soon bid their vow's" anunsyo ni Tito Riccio.








Biglang tumugtog ang kantang marry your daughter ni Bruno Mars. Ginala ko ang tingin kung saan 'yon galing pero nabigo akong makita 'yun.








Nagtilian ang mga tao kaya napatingin ako kung saan sila nakatingin at nakita ko si Razen na may dalang isang bouquet ng bulaklak. Hindi ko napigilan ang humanga dahil ang gwapo niya sa dark blue na tuxedo. He looks so manly. Kahit basahan ata ang ipasuot sakanya ay babagay pa rin.








Tumigil siya sa mismong harap ko at dahan dahang lumuhod.








"Ano bang ginagawa mo?" I asked full of curiosity "Razen, tatawagin tayo para i-announce ang engagement. Stand up" akmang papatayuin ko siya pero umiling siya at bahagya kong ikinagulat ang pagtulo ng luha niya.







Nilapit niya ang mic sa bibig at nagsipag unahan na sa pagtulo ang luha niya.







"I'm Razen Von Guevara. I promise to love you until my last breath. I'm giving you my life and myself. In front of everyone I promise not to hurt you. Will you marry me, Chantel Shine?" tanong niya habang umiiyak, hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Hey, don't cry"









"Yes. I'll marry you" sabi ko at inabot sakanya ang kamay ko.







Kinuha niya sa bulsa ang maliit na box at binuksan 'yun. He slid the ring in my finger and it perfectly suits like it's really made for me.






When he stood up he kissed me not minding the people around us. I also kissed him still crying.








Nagpalakpakan ang mga taong nakatingin sa'min. Hindi ko namalayan ang paglapit ni mommy at niyakap ako. Niyakap rin ako ni Tita Thalia at Tita Raciela. Tinapik ni Tito Jules ang balikat ko at ngumiti. Niyakap ko ni daddy, aaminin kong masama ang loob ko sakanya pero tatay ko pa rin siya. Niyakap rin ako ni Tito Riccio.









Hindi na umalis si Razen sa tabi ko. I noticed that he's also wearing a ring. I stared at it and I realized that my ring and his look like a couple ring with a diamond.







"Are you happy?" I asked Razen.








"I'm so happy" he answered with a smile "Natupad ang pangarap ko. Thank you, tinupad mo ang pangarap ko"






I was about to speak when Janiella walk towards us. She sadly smiled.






"Congratulations" bati niya.







"Thanks" I said.







She handed her gift.






"Happy birthday" she greeted






"Thank you again"






Inangat niya lang ang kamay niya at umalis. Nakita kong sinundan siya ng tingin ni Razen.






"She's so strong" ani Razen habang nakatingin parin sa dinaanan ni Janiella.





"Huh?"






He looked at me.






"Nothing" he stood up "We should greet your visitors" he said and handed his hands. Nakangiti ko 'yung tinanggap at tumayo.








"Chantel" Mikee called me "You have a very big problem" kumunot ang noo ko "Si Rye nasa labas. Gusto pumasok" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya "Nasa labas siya ng gate niyo"






Lumabas ako sa gate at nakita ko nga si Rye na hinaharangan ni Edmar at Britz samantalang hinihila siya ni Geo.






"Happy birthday" he greeted me dramatically.






Sinenyasan ko ang tatlo na hayaan siya.







"What do you need?" I asked.





"I just came here to give you my gift and greet you" he hugged me but I didn't hug him back.






"Is that all?"






Halatang nagulat siya sa tanong ko. I still accepted his gift.






"You're acting strange"





"Umaakto lang ako ayon sa papel mo sa buhay ko"






Napapahiya siyang napailing.





"I guess I need to go" paalam niya.






"Take care" tinalikuran ko na siya agad.






"Ex mo 'yun?" tanong ni Razen nang makasalubong ko siya.





Kumuha muna ako ng wine sa napadaan na waiter.





"Yeah"







"Ni hindi man lang ako nabahala. Hindi man lang ako kinabahan" buong yabang na sabi niya at hinawakan ako sa bewang.





"Hindi mo naman kailangang mabahala"





"Bakit? Mas mahal mo 'ko kesa sakanya?" nakangiting tanong niya na bahagyang dinungaw ang mukha ko.






"Minahal ko siya. Mahal kita at mas minamahal pa"






"You're making me blush" halatang kinikilig na sabi niya, natawa ako. "Kakalimutan ko nalang ang pagyakap niya sa'yo. Kunyari ay walang nangyari na gano'n" napailing nalang ako sakanya.







Hinatid niya lang ako sa table namin dahil kukuha pa raw siya ng pagkain naming dalawa. Nilingon ko siya at nakita kong nag uusap sila ni Janiella habang kumukuha ng pagkain. Napairap ako.






"Anong regalo mo kay Chantel?" tanong ni Mikee kay Geo.






"Panibagong contract ng friendship" sagot ni Geo.






"Ang kapal mo naman" ani Edmar na pabirong binatukan si Geo.





"Hey" ani Razen na kakabalik lang.





"Kayong dalawa ah. Hindi niyo man lang sinabi" kunyaring nagtatampong sabi ni Geo "Nung nakaraang araw nakausap ko pa kayo!"





"Nawala sa isip ko" sagot ko at ngumiti nang malapad.





"Matic na 'yun, bro. Kapag magkasama ang dalawang 'yan nakakalimot" sabi ni Britz kay Geo.





Hindi na ako nakapagsalita dahil sinubuan na ako ng pagkain ni Razen.

Still It's You (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin