Kabanata 23

74 0 0
                                    

"Saan kayo pupunta, beb?" tanong ni Mariella.





"Maggogrocery" sagot ko.






"Ako nalang. Mag aambag ako at para mabudget ko saka pagod pa kayo" aniya at umastang babalik sa kwarto kaso pinigilan ko siya.






"Kami na. Keep your money kasi kailangan mo 'yan kapag nanganak ka na. Buntis ka so you should take care of yourself" nakangiting sabi ko.





"Nahihiya kasi ako"





"Huwag kang mahiya. Ikaw naman minsan nagluluto eh"





"Ako na talaga kasi may bibilhin ako"




"Ano ba bibilhin mo?"





"Prutas"





"Ako na bibili" sabat ni Razen, sabay namin siyang nilingon "Basta ninong ako"





"Oo naman. Ninong at ninang kayo" ani Mariella.





"Kami na talaga bibili" sabi ko at kumaway nalang sakanya.





"Bakit nga pala do'n si Janiella sa office mo?" tanong ko kay Razen pagsakay ko sa kotse niya, saglit siyang natigilan.





"Nagkuwento. May pinagdadaanan kasi siya"





"Pinagdadaanan?"





"May problema siya. Just don't mind her" aniya.





Hindi na ako nagsalita dahil halatang ayaw niyang pag usapan namin ang babaeng 'yun.






Pagdating sa grocery store kumuha si Razen ng cart at tinulak 'yun. Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Medyo malayo ako sakanya.





"Love, tissue" aniya.





Kumuha ako at nilagay sa cart. Kumuha na rin ako ng essentials.





"Chantel?" napalingon ako, si Jiro? Nakangiti siyang lumapit sa'kin "Hi"





"Hey. Sorry nga pala do'n sa ginawa ng mga kaibigan ko ah?"





"It's okay. Kasalanan ko naman" sabi niya, ngumiti nalang ako "Are you alone? Can I join you?"





"Uuhhh" alanganin akong ngumiti "I'm with my fiancée"





"Really? Sorry"





"It's okay. It's nice to see you"





"Nice to see you, too" ngumiti siya at tinaas lang ang kamay bilang paalam.





"Sino 'yun?" masungit na tanong ni Razen na tumabi pa talaga sa'kin.





"Si Jiro"





"A friend?"





"Someone I just met"




Kumuha siya ng prutas at 'di na nagsalita. Hindi rin niya ako tinitignan at hindi rin siya nagtatanong kung ano pang bibilhin. Bahala siya sa buhay niya.





Hindi kami nagpapansinan hanggang sa matapos maggrocery. Nakabalik na sa condo ay hindi pa rin kami nagpapansinan. Magpataasan tayo ng pride, bwiset ka.






Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now