Kabanata 32

75 0 0
                                    

Binalot kami ng katahimikan ni Razen hanggang sa bumukas ang pinto at niluwa nun si Tito Jules. Tumikhim muna siya bago tumingin sa'min ni Razen pero napako ang tingin niya sa'kin.






"Ililipat ko na sana si Raizer sa private room?" patanong na sabi niya.





Tumango ako at tumayo. Pumasok ang dalawang nurse na maglilipat kay Raizer. Lalabas na sana ako para sumunod kaso hinawakan ni Razen ang braso ko kaya nilingon ko siya.




"Bakit ka umalis noon?" seryosong tanong niya.





"Let's not talk about it now. Kailangan ako ng anak ko" hinila ko ang braso ko at sumunod.




Pagkatapos ilipat si Raizer ay umalis na ang dalawang nurse pero naiwan si Tito Jules. Akma siyang lalabas na rin pero hinarap niya ako.




"Tawagan mo nalang ang mommy mo. Kailangan niyong mag usap ni Razen" aniya at umalis na rin.





Uupo na sana ako kaso nakita ko ang pagdilat ni Raizer. Agad siyang ngumiti nang makita ako.




"Mommy" aniya nang makita ako.




"Are you okay? Do you feel anything?" nag aalalang tanong ko.




"Si Raisel? Is she okay mommy?" tanong niya at hinanap ang kapatid.




"Nasa canteen" nakangiting sagot ko.





Napatingin siya kay Razen dahil naglakad ito papalapit sakanya. Lumiwanag ang mukha ni Raizer at tumingin sa'kin.




"He helped me, mom!" masayang sabi ni Raizer.




Bumukas ang pinto at pumasok si Cian at Raisel na agad lumapit kay Raizer.




"Are you okay, kuya? I was so worried" ani Raisel.




"Of course. I'm strong" tugon naman ni Raizer at pinakita ang muscles niya kuno.




"Ate, lalabas na muna ako" paalam ni Cian, tinanguan ko lang siya.




"Do you know me?" tanong ni Razen.




"Ako na ang mabsasabi" sabi ko sakanya at tumingin kay Raisel "You want a daddy, right?" I asked Raisel.




"Yes, mom. But kuya will get mad" nakangusong sabi niya.




"This man" I gestured Razen "He is Razen Von"




"Your friend mom?" tanong ni Raizer, umiling ako.




"He is your dad" sabi ko.





Tumalon talon si Raisel.





"Amazing! He saved kuya's life!" tuwang tuwa na sabi ni Raisel at tumingin kay Razen with her beautiful eyes "Can I call you dad?" bibang bata talaga si Raisel.





"Of course" nakangiting sabi ni Razen pero hindi.nakatakas ang luha sa mata niya.





Napatingin ako kay Raizer na magkasalubong ang kilay na nakatingin kay Razen. Ang kaninang liwanag sa mukha niya ay inis na ngayon. Napatingin rin si Razen sakanya at akmang hahawakan ang kamay niya kaso iniwas niya 'yun at nag iwas rin siya ng tingin.




"Raizer, you're being rude" mahinahong suway ko sakanya "Face him" napipilitan siyang tumingin kay Razen.




"You can call me dad" nakangiting sabi sakanya ni Razen, ngumiwi lang siya.





Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now