Kabanata 9

111 0 0
                                    

Para akong timang na naghihintay kay Razen. Isang linggo na siyang wala at isang linggo na rin akong laging nasa Wild Free para uminom ng alak. Naghahalo na nga ata ang alak at kape sa tiyan ko.





"Tangina, may kinakain ka pa ba?" tanong ni Mikee na kakarating lang.





Gulat akong napatingin sakanya at kay Edmar. Nilingon ko si Britz na sinenyas lang ang phone niya.




"Kung may tubig pa ba kamo ang katawan niyan" ani Edmar.




"Palagi na ngang nandito 'yan. Sabi ng manager kahit wala raw tayo dito ay nandito siya na umiinom mag isa" sabi ni Britz sakanila.




"Umalis lang si Razen nagkaganyan ka na? Tinamaan ka do'n 'no?" pang aakusa agad ni Mikee.




"Wassup, brothers inuma---anong nangyari sa'yo?" biglang tanong ng kakarating lang na si Geo. He seated beside me.




"Wala" sagot ko.




Umupo siya sa tabi ko.




"Babalikan ka nun, okay?" aniya sa seryosong tono.




"Sino ba?" maang maangan ko.





"Sino ba ang wala dito?" pabalik na tanong ni Edmar, halata sa tono niya ang pagkainis sa'kim dahil sa ginagawa ko.




Umirap ako at tumayo.




"Sayaw lang ako" sabi ko at pumunta na sa dancefloor bago pa sila makaangal.




Walang pakealam na sumayaw ako sa gitna hanggang sa pinalibutan na ako ng mga lalaki.





"Jiro" pakilala pa ng isa sakanila.




"Chantel, let's go!" sigaw ni Mikee na 'di ko namalayang nakalapit na pala. Hinatak niya ako "Iuuwi ka na namin"




"Aray ko naman!" reklamo ko at malakas na hinila ang braso ko.




"Tara na" yaya ni Edmar na may dala na ng bag ko.





"Ano? Hindi pa nga kayo nakakainom" sabi ko at napahawak sa noo dahil sa biglang pagkahilo. Umalalay agad si Mikee at Britz.





"Pumunta kami dito para sunduin ka. Mabuti nga tinawagan kami ni Britz" ani Edmar at sumenyas na aalis na.





"Ang taray. Apat pala ang tagasundo ko" natatawang sabi ko.





"Chantel" biglang tawag ng kung sino, nilingon namin 'yun. Si Jiro.




"Oh, paano mo nalaman pangalan ko?"




"Nung tinawag ka ng kaibigan mo. Pwede ba kitang maisayaw?" tanong niya at tinignan ang mga kasama ko.




Hawak ni Britz ang kaliwang braso ko at hawak naman ni Mikee ang kanan. Si Geo ay nasa likod at si Edmar ay nasa bandang gilid katabi ni Mikee.




"Iuuwi na namin siya" ani Edmar.




"Kahit isang sayaw lang" pamimilit ni Jiro.




"Can't you see that she's drunk?" masungit na singit ni Mikee.




"Kaya niya pa naman" si Jiro.




"Pre, just go. Lasing na ang kaibigan namin" mahinahong sabi ni Geo at sumenyas na hayaan na namin.




Astang aalis na kami pero hinawakan ni Jiro ang kamay ko. Sinuntok siya ni Britz! Napaupo siya sa sahig.




Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now