Kabanata 31

67 1 0
                                    

Si mommy at tita Thalia ang sumundo sa'min. Syempre ang mga apo nila ang pinansin kesa ako. Tuwang tuwa sila habang nakikipag-usap sa apo. Ako naman ay nakangiti habang pinapanood sila na masayang nagkukuwentuhan.


Pagdating namin ay ilang araw lang akong nagpahinga. Si mommy ay inaway pa ako dahil gusto niya na doon muna kami manatili sa Bulacan kaso nga lang ay magkapitbahay sila ni tita Raciella. Sa condo ko ako nanatili.




Ngayon ay papunta na ako sa bahay namin sa Manila para sunduin si Cian. Sasamahan niya ako papunta sa kompanya namin para bantayan ang mga pamangkin niya. Wala do'n si Razen kaya panatag ang loob ko.






"Ma'am!" niyakap ako ni Anita "Namiss po kita!"





"Pasalubong" inabot ko sakanya ang paper bag na dala ko.




"Wow, thank you ma'am"




"Welcome"





Siya ang tutulong sa'kin ngayon para ayusin ang mga trabahong 'di pa natatapos o nagagawa ni Razen. Yes, si Razen daw ang nagpapatakbo ng kumpanya namin at katuwang niya si Anita. Si tita kasi ay busy sa pagbabantay kay daddy at isa pa Razen offered na siya na daw ang ang  mag-aasikaso. Siguro ay bayad niya 'to sa lahat ng kagaguhan niya. Kailangan kong magmadali dahil baka isang buwan lang kami dito.





"Mom, can we play outside?" nakangusong tanong ni Raizer.





"I'll tour them, ate" ani Cian.





"Okay. Mag ingat kayo" sabi ko na 'di inaalis sa laptop ang tingin.





"Ang gwapo't ang ganda ng anak mo, ma'am. May pinagmanahan talaga" puri ni Anita.





"Syempre naman. Ikaw, wala ka pa bang anak?"




"M---meron ma'am"





Hindi na ako nagsalita. Marami ngang hindi pa nagagawa si Razen at ang malaking katanungan sa'kin ay kung bakit niya pa ginagawa 'to. I mean, halatang hindi niya kaya bakit pa?





"Anita, pakiabot naman ng folder na red" pakiusap ko, inabot niya naman sa'kin 'yun.





"Ma'am" tawag ni Anita.





"Bakit?" tanong ko habang abala pa rin sa folder.




"Dito na po ba ulit kayo?"





"Hindi ko pa alam" sagot ko na saglit siyang tinignan.





Biglang pumasok si Cian na humahangos. Habol niya ang hininga at nakahawak sa dibdib kaya napatayo ako. Kinakabahan ako.




"Anong nangyari sa'yo?" kunot noong tanong ko at tumingin sa gilid niya para alamin kung may kasama ba siya pero wala "Nasaan ang mga pamangkin mo?"





"Si..." huminga siya nang malalim "Si Raizer naaksidente"





"What?!" kinuha ko agad ang bag ko at tumakbo palabas "Anong nangyari?!" aligagang tanong ko habang nasa elevator kami.





"Nagtaguan kami. Magkasama sila ni Raisel na nagtago tapos ayun nakita ko si Raisel na umiiyak at sinabi niyang may blood raw si Raizer"





"Tangina" nasapo ko ang noo "Nasaan banda ang sugat niya?"





"Ulo"




Still It's You (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora