Kabanata 25

73 0 0
                                    

"Pumunta lang tayong Baguio para magsex?" I've been asking this for the nth time.






Ginising niya ako ng madaling araw dahil pinapatawag raw siya ng daddy niya sa Bulacan.






"It's an emergency. We can go back there if you want" ani Razen pagpasok niya ng condo.





"Huwag na" nagtataray na sabi ko at pabagsak na sinarado ang pinto.





Hinarap niya ako pagkatapos niyang ilapag ang bag naming dalawa. Tila nauubusan na siya ng pasensya. Siraulo siya kung gano'n.





"Love, you ca---"





"Don't you dare call me love" banta ko na dinuro pa siya.





"Okay" he sighed "You can call my dad if you don't believe me. May emergency lang talagang nangyari"






"Makikipagkita ka kay Janiella" I crossed my arms and I rolled my eyes.






"What?! No, Chantel, please" hindi ako nagsalita at tinignan lang siya nang masama "I really need to go" mas tinignan ko pa siya ng masama "Hey, don't be mad. Ano bang gusto mo? Bibilhin ko"





Lumiwanag ang mukha ko.






"Really?" nakangiti ng tanong ko, tila nabunutan siya ng tinik "Gusto ko ng mangga at iced coffee"






"Mangga at iced coffee? Seriously?"





"Nagrereklamo ka?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.





"No. Sige, maghahanap ako ng mangga" aniya at hinalikan ako sa labi bago umalis.





"Bilisan mo" bilin ko bago ko isara ang pinto.





Dumapo ang tingin ko sa acrylic paint ko na matagal ko ng 'di nagagamit. Pinunasan ko 'yun at niligpit. Eksatong lumabas si Marielle na bihis na bihis at dala ang dalawang bag. Lumapit siya sa'kin.





"Beb, aalis na ako. Papanagutan na ako ng nakabuntis sa'kin. Salamat sa pagpapatira mo sa'kin ha?" ani Marielle at niyakap ako.





"You're welcome. Susunduin ka niya?" kumalas siya ng yakap.





"No. Nandoon na siya sa bahay with his parents para mamanhikan. Ninang ka sa baby ko ha. Pakisabi nalang rin kay Razen na salamat at ninong siya"




"Sure! Baka maghirap naman ako niyan" biro ko pa.






"Mayaman ka naman" tumawa siya at niyakap ulit ako "Maraming salamat talaga. Tatanawin ko na utang na loob ang pagpapatira mo sa'kin"





"Nako, walang anuman 'yun. Mag ingat ka" hinalikan ko siya sa pisngi at tinulungan magbuhat ng bag niya hanggang sa lobby.






Pagbalik ko ng condo naglinis pa ako. Bumukas ang pinto at niluwa nun si Razen na may dalang tatlong plastic ng mangga na nabalatan na at iced coffee. Kinuha ko 'yun at nilapag sa lamesa.





"Where's my thank you?" nakangusong tanong niya.




"I love you" niyakap ko siya at pinaulanan ng halik ang mukha niya.





"I love you too. Pwede na akong umalis?" nakangiting tanong niya, nakangiti rin akong tumango.





Kumalas ako at kinuha ulit ang dala niya saka sumunod sakanya. Binuksan niya ang pinto at humarap sa'kin.






"Uuwi ka ba dito?" tanong ko.





"Of course" hinalikan niya ako sa noo at kumaway siya habang naglalakad na palayo.






Sinarado ko ang pinto at umupo sa sofa. Kinain ko ang unang supot ng mangga at pagkaubos ko nun ay may kumatok kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin si Mikee na dirediretsong pumasok at umupo sa sofa na 'di man lang ako binati.






"Where is your manners fucker?" tinampal ko ang paa niyang pinatong niya pa talaga sa table.






"Manners? Binato mo nga ako ng tsinelas noon pagpasok mo palang sa condo ko" aniya at nilabas ang dala.






Kinuha ko ang iced coffee ko at tumabi kay Mikee.





"Bakit naligaw ka dito?" tanong ko kay Mikee pero imbis na sumagot tinignan niya ang hawak ko at ang manggang nasa lamesa.





"Mangga at iced coffee in the morning? Seriously, Chantel? Kumain ka na ba?"





"Hindi pa" I answered with a shrug.






"What the fuck? Kumain ka na do'n"





"Ipagluto mo 'ko. Tinatamad ako" nakangusong sabi ko.




Tumayo siya para buksan ang pinto dahil may kumatok. Pumasok si Edmar na may dalang beef tapa at sisig. May maliit na box rin na halatang dumaan siya sa drive thru para bumili ng pagkain.






"Ano 'yan?" tanong ni Mikee kay Edmar habang nakatingin do'n sa box.






"Breakfast ko. Putangina kasi si Fiel sabi niya dapat maaga raw dito sa condo ni Chantel kaya dum---" Mikee cut his words.




"Ipakain mo na 'yan kay Chantel. Mangga kinakain sa umaga" sabi ni Mikee, nilingon ako ni Edmar.





"Hindi ka ba pinapakain ng fiancée mo?" Edmar asked.





"Gago, lagi akong pinapakain nun. Nagkataon lang talagang may emergency sa Bulacan at tinatamad akong magluto"





"E di magpaorder ka"




"Ayoko" sabi ko, umiling siya at binigay na sa'kin ang pagkain niya "Niyaya niyo ba ba si Geo at Britz?" tanong ko habang pinapapak ang chicken fillet.





"Hindi. Sabi ni Fiel bukas nalang at tayo muna ngayon. Ang lakas nga magsabi na bawal raw ang late" iritang sabi ni Mikee "Alas singko nga gising na ako, eh"





"Ano ba sabi sa'yo?" tanong ni Edmar.





"On the way na raw siya" sagot ni Mikee at pumunta sa kusina.





"Tanga, 'pag sinabi niyang on the way it means on the way sa cr" ani Edmar at nilagay ang binili niya sa platong dala ni Mikee.






"Hala, mag iinuman kayo dito?" medyo gulat na tanong ko.





"Hindi ba halata girl?" sarcastic na sabi ni Mikee na parang ako na ang pinakabobong tao na nakausap niya.





Binato ko siya ng lagayan ng iced coffee. Buti nalang ubos  na ang laman nun. Gaganti pa sana siya kaso may kumatok dahil siya ang pinakamalapit sa pinto kaya siya ang nagbukas. Tumambad si Fiel na pawisan at maraming dala.





"Gago ka. Sabi mo mananagot ang late" asik ni Mikee at binatukan si Fiel.






"Bobo, hinintay ko pa kasing dumating ang regalo ko para kay Chantel" paliwanag ni Fiel at nilapag lahat ng dala niya.





Ikinagulat ko pa dahil may asong dala si Fiel, Pomeranian. Tumalon talon ako at binuksan ang kulungan niya.





"You're so cute" nanggigigil na sabi ko at binuhat ang aso.





"Baka 'yan na ang gawin mong anak" natatawang sabi ni Fiel, nilingon ko siya.





"Gusto mo bang gumawa talaga ako ng bata?" natatawang tanong ko "Kunin kitang ninong"





"Huwag na baka mamulubi ako" binatukan ko siya at binuhat ang aso.

Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon