Kabanata 17

76 0 0
                                    

"Good morning po" bati ng isang babae na bigla nalang pumasok at may dalang cake and coffee. Nilapag niya 'yun sa table. "Sabihin niyo lang po kung may kailangan kayo" aniya at bahagyang yumuko saka umalis.





Imbis na kumain nakipag skype ako kay Fiel.





"Babe" bungad niya at humikab.






"Hey, naistorbo ba kita?"





"No, anong meron?"





"Fiel, I'm getting engaged"





Nanlaki ang mga mata niya.





"Are you serious? Kanino? Wala naman akong nababalitaan na boyfriend mo?" nagtatakang aniya, kinwento ko sakanya lahat ng nangyari at ang mga dahilan ko "What the fuck? Wala ka ngang takas. Eh paano 'yan? Itutuloy mo?"





"Depende. Iisip ako ng paraan na walang masasaktan"





"But he loves you. Walang taong nagmamahal na 'di nasasaktan"





Saglit akong natahimik.





"Masasaktan nga siya pero sisiguraduhin kong 'di malala"





"Hindi ikaw 'to" biglang usal niya, nagulat ako "Trust me, hindi ikaw 'to. Dati wala kang pakialam kung makasakit ka, eh. Do you like him already?"






"No" magkasalubong ang kilay na sagot ko.





"You can't lie to me. Walang mawawala sa'yo kung aaminin mo"





"I'm afraid, babe" pag amin ko "Paano kung iwan niya rin ako bigla? Paano kung magsawa siya sa'kin at iwan niya rin ako ng walang paalam?"





"Si Rye ang tinutukoy mo at hindi si Razen" aniya, hindi ako nakasagot "Magkaiba sila, Chantel" magsasalita pa sana ako kaso narinig kong may tumawag sakanya.






"I'll call you next time" sabi ko.





"Sorry. I love you babe"





"I love you too"





Pagbaba ko ng phone napatingin ako sa pinto nang makitang bukas na 'yun. Seryosong naglakad si Razen papasok at umupo sa swivel chair niya. Chismoso. Nakikinig sa usapan ng iba.





"Boyfriend mo?" he asked, hindi man lang ako tinignan.





"Si Fiel" I casually answered.




"Boyfriend mo nga"






"He's not my boyfriend"





Mapait siyang natawa.






"You can't fool me"





"He's like my older brother. Kapatid ang turingan namin" he arched a brow "I will not fuck you if I'm committed to someone" 






"Really?" natatawang tanong niya, I rolled my eyes.




"Nagugutom ako" sabi ko at hinimas ang tiyan ko.






"Hindi mo kasi kinain ang pinadala kong cake at coffee"






"Hindi ako mabubusog diyan"






Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon