Kabanata 46

55 1 0
                                    

"Bye!" kumaway ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay kakasakay lang sa kanya kanyang sasakyan.





"Thank you!" sigaw nilang lahat habang kumakaway.




Pagkatapos ay hawak kamay kaming pumasok ni Razen. Panay na ang hikab ko dahil pagod na ako at inaantok. Nung kumain kami ay nakapagpahinga ako pero ang utak ko ay hindi.





Pagpasok ko sa kwarto agad akong naghalfbath and as usual I did my skin care. Dito ako pinatulog ni Razen sa kwarto niya at pinalipat ang mga gamit ko dito. Napatingin ako sa salamin dahil nakita ko si Razen na papalapit sa'kin. He hugged me from behind and he rested his chin in my shoulder.





"Pagod ako. Huwag ngayon" paunang sabi ko, he playfully smiled.





"I know. Hindi na ba ako pwedeng maglambing?" nakangusong tanong niya, natawa ako.





We're  both looking at the mirror. I stared at him for awhile and he stared  at me too. I genuinely smile at him.





"Bakit sa kabila ng lahat pakiramdam ko hindi tayo naghiwalay?" biglang tanong ko, sumeryoso siya.





"Naghiwalay ba tayo?" inosente niyang tanong kaya mahina kong tinampal ang braso niyang nakayakap sa'kin "Sa pagkakaalam ko'y naghiwalay lang ng lugar pero 'yung relasyon? Hindi"






"Bakit nga ba ano?"





"Dahil marupok ka" biglang natatawang sabi niya at agad kumalas sa'kin. Natatawa siyang lumayo.





"Huwag kang tatabi sa'kin!" banta ko at umambang ibabato sakanya ang facial cleanser na hawak ko.





"Huwag ka na magtampo, love. Nilambing na kita 'di ba?" nanunuyong tanong niya.





"Boang ka! Inuna mong lambingin ako kesa sa asarin? Sana inasar mo muna ako tsaka nilambing!" naiinis kunyaring sabi ko pero deep inside hindi naman talaga ako naiinis. Ha? Basta gano'n.





"Atleast nilambing ka 'di ba? Ngayon nga lang kita inasar" nakangusong sabi niya habang umiiwas parin sa'kin.





"At dapat kong ipagpasalamat 'yon?"






"Oo. Ngayon lang kita inasar pero 'di ba araw araw naman kitang mahal?" nakangusong aniya, nanlalambing. Natigil ako sa paghabol sakanya, maya maya ay naging maloko ulit ang ngiti niya "See marupok ka"






"Lintik! Labas!" pinagbabato ko siya ng kung anong mahawakan ko hanggang sa makalabas siya ng pintuan. Nilock ko ang pinto. I'm sure he heard the sound when I locked the door kaya sunod sunod ang katok niya.





"Open the door, love!" rinig kong sigaw niya.





"Diyan ka matulog!"





Padabog akong humiga sa kama kahit naririnig ko pa ang katok niya. Hindi naman talaga ako naiinis sakanya. Naaasar ako dahil pakiramdam ko naaapakan niya ang pride ko at don ako naaasar sakanya. Bahala siyang matulog sa labas o sa kahit saan. Pasalamat siya't hindi pa namin bahay 'to dahil kung bahay namin 'to ay sa labas talaga siya ng bahay matutulog.






"Love!" sigaw niya ulit habang kumakatok.





Bahala ka diyan, boang!





Still It's You (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora