Kabanata 11

101 0 0
                                    

"Gusto niyo pa?" tanong ni manang pagkatapos maglagay ng pulutan.





"Manang, chicharon po" ani Mikee.




"Sige, magdadala ako rito. Bilin ng mommy ni Chantel ay asikasuhin ko kayo kaya huwag kayong mahiya" sabi ni manang at umalis para kumuha ng chicharon.





"Ate, bakit nag aaway po si mommy at Tito Cleo?" tanong ni Meitha na halatang sinadya talaga akong hanapin.




"I don't know" pilit ang ngiting sagot ko.





"I heard them that they arguing about engagement? Are you getting married?" magkasalubong ang kilay na tanong niya.





May idea siya.




"Ano bang narinig mo?" pabalik na tanong ko.





"I heard that Tito Cleo wants Ford for you, am I correct with the name?" I nodded "Then mom says na may gusto na raw siya para sa'yo"




"Sino 'yung tinutukoy ni mom?" I asked.



Gosh, Chantel. Iyon pa talaga ang inuna mong itanong.




"I don't know but if you're going to be engaged I'd be happy if it's kuya Razen. He's a nice guy"




"Meitha" naiusal ko nalang. I don't know if I'll be disappointed or what.




"I'm not forcing you or pressuring you, ate. It's just that bata palang kasi kayo ni kuya Razen crush ka na niya, sabi ni Ritz" aniya at ngumiti ng malapad. Hindi na ako nagsalita "Huwag mong kalimutan ang sabi ko ate" bilin pa niya at umalis.





"Mukhang bibig ang wala rito" bulong ko.



"Pusta ko 'pag nalaman 'to ni Razen pupunta agad 'yun dito" wala sa sariling usal ni Geo habang nakatitig sa bot ng beer.




"Bakit niya naman gagawin 'yun?" tanong ko.




"Ha? Ano bang sinabi ko?" gulat na tanong niya.




"Sabaw ampota" ani Edmar at inirapan siya.





"Nandito na ang chicharon, Mikee. May gusto pa ba kayo?" nakangiting tanong ni manang at nilapag ang chicharon at sawsawan.





"Boyfriend, manang. Gusto ko ng boyfriend" natatawang sabi ko "Wala ba tayo nun?" tanong ko, natawa siya.





"Kami meron, hija. Ikaw wala" pang aasar niya sa'kin.




Pwede ba manakit ng matanda? Charot.





"Aray ko naman, manang" humawak ako sa dibdib malaki naman at umakto akong nasasaktan.





"Masakit talaga ang katotohanan hija" ngumiti siya "Maiwan ko na kayo. Mag-enjoy kayo rito" paalam niya saka umalis.





"Tel" tawag ni Edmar, tumingin ako sakanya "Anong balak mo sa engagement?"




"Hindi ko itutuloy" seryosong sagot ko "Kunin man ni daddy lahat ng meron ako 'di ko pa rin itutuloy"





"Tama" ani Geo at inubos ang beer niya "Kumuha ka ng bagong condo tapos kami magbabayad. Mag aambagan rin kam---"





"Gago" putol ko sakanya "Magtatrabaho ako"






"Pa'no 'pag kukunin ni Tito ang coffee shop mo sa Wild Free?" tanong ni Mikee at kumuha ng chicharon.




"Kunin niya. Ibabalik niya pa rin 'yun" sabi ko at inubos rin ang beer.





"Chantel" tawag ni Tita Thalia, nilingon ko siya "Gusto niyo ba ng meryenda? Magpapadala ako dito"




"Ano pong meryenda?" nakangising asong tanong ni Geo.





"May cake at brownies sa loob. Gumawa rin kami ng mango shake" nakangiting sagot ni Tita.





"Wow" parang batang nasabik si Geo at tumingin sa'min "Tara na sa loob. Mamayang gabi na 'yan" aniya at umahon.





Wala kaming nagawa kundi ang umahon at sumunod sakanya. Kinuha ko ang bathrobe ko sa upuan at sinuot 'yun saka pumasok na sa loob.





"Oh, Ritz. Wala pa ba ang kuya mo?" tanong ni Geo kay Ritz na kumakain ng cake.





"Nandito na po but ate Janiella said na he need to rest" sagot niya at sumulyap sa'kin.





Nagtuloy ako sa kusina. Nakita kong kumakain na rin si daddy pero 'di ko siya pinansin. Tumikim lang ako at saka umakyat sa kwarto ko para makapagbihis. Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ako para kumain.




Ang daming meryenda. Nagpadagdag pa si Tito Jules ng meryenda. Nag agawan na naman si Edmar at Geo. Pagkatapos naming magmeryenda nag usap kami tungkol sa birthday ko.





"May after party?" tanong ni Tita Thalia "No'ng birthday ni Chantel sa Batangas nagpareserve si Cleo ng bar for Chantel's friend's"





"What do you think, 'nak?" tanong sa'kin ni mommy.





"Maraming resort dito. Resort nalang" sabi ko, I don't really care.




"I'll call my friend. Arkilahin natin ang resort niya" nakangiting sabi ni mommy.





"Why not bar?" biglang tanong ni daddy "Total ay alak nalang ata ang dumadaloy diyan sa katawan mo. Bakit nga ba coffee shop ang naisipan mong gawing negosyo, Chantel?"





"May bar na ang kaibigan ko, dad. Coffee shop naman para pampatanggal hilo" nakangising sagot ko, umismid siya.





"Kahit kailan ay bastos ka. 'Yan ba ang apekto sa'yo ng hindi mo pagtira sa bahay ko?"




"Sa loob ng seventeen years nagpalipat lipat ako ng bahay at school. Tumira rin ako sa bahay mo ang kaso walang magulang na gumabay sa'kin dahil puro kayo negosyo at abala sa kanya kanya niyong pamilya kaya heto ang naging apekto" pigil ang luhang sabi ko habang inalala ang lahat. Tumayo ako "May pag uusapan pa ba? Magpapahinga na ako" walang may nagsalita kaya umakyat na ako sa kwarto.





Nakatulog ako sa kwarto at paggising ko nag iihaw na sila sa tabi ng pool. Doon na rin kami kumain ng dinner. Pinagpatuloy na rin namin ang pag inom, si daddy ay 'di na sumali at si Tito Jules naman dalawang bote lang ng beer ang ininom.





Madaling araw na ng matapos kami kaya kami kami nalang ang nagligpit ng mga bote at ng mga kinalat namin. Pagkatapos namin ay dumiretso ako sa kwarto ko. Hindi ko na nagawa ang mga dapat kong gawin at ilagay sa mukha bago matulog dahil pagpasok ko palang sa kwarto ay nahiga na agad ako sa kama sa sobrang antok at kalasingan.





Kinabukasan tinanghali na ako ng gising. Wala na rin sina dadsy dahil maaga raw silang umalis. Mag isa akong nananghalian dahil tapos na sila. Pagkatapos ay inayos ko na rin ang mga gamit ko dahil aalis na rin kami.

Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now