Kabanata 21

77 0 0
                                    

"Van nalang gamitin natin" sabi ko habang tumitingin sa sasakyan na pwede naming gamitin papunta sa resort.







"Oo, van nalang" segunda ni Edmar at nilingon si Geo, Mikee at Britz "Bilisan niyo naman!" asik niya at natawa dahil halatang hirap ang tatlo sa pagbuhat ng bag namin.







"Tangina mo!" sigaw ni Mikee at pinakyuhan siya.






"Magbuhat ka kasi!" sigaw sakanya ni Britz.





"Nagpapalaki ng titi amp" inis na sabi ni Geo at inirapan si Edmar.






Hindi ko maiwasang hindi matawa sakanilang tatlo. Hirap na hirap.






"Tulungan mo do'n" utos ko kay Edmar.






Nagkamot siya ng batok at lumapit. Hinampas siya ng bag ng tatlo.






"Enjoy!" sigaw ng parents namin ni Razen.






Kumaway kami at sumakay na. Katabi ko si Razen at katabi niya si Geo. Si Mikee ang driver at si Britz naman ang sa tabi niya. Si Edmar sa likod kasama ng mga bag namin.





"Tangina, aping api ako ah" ungot ni Edmar sa likod, natawa kami.






"Mga tropa mo 'yan. Pareho kayong pabuhat" ani Geo.






"Tama na 'yan" suway ko "Baka umiyak si Edmar" pang aasar ko bigla.






Nagtawanan kami maliban kay Edmar na mahina akong binatukan. Nilingon siya ni Razen.






"Wanna die young?" galit na tanong sakanya ni Razen.






"Aray, next month na birthday niyan. Kabaong nalang iregalo mo" pambubuyo ni Geo.





"Tangina" tumawa si Britz "Libre ko na funeral mo"






"Ano, bro? Mahal mo pa buhay mo?" natatawang tanong ni Mikee kay Edmar.






"Huwag niyo na ganyanin. Wala na ngang may nagmamahal diyan" biro ko.





Edmar just made faces at pabagsak na sumandal.





Pagdating namin sa resort parang batang naexcite si Geo sa pool. Pagbaba niya ng bag lumusong agad siya.





"Wala bang pool sa bahay niyo?" nakangiwing tanong ko, sinabuyan niya ako ng tubig "Tangina mo!" sigaw ko at pinahid ang tubig na nasa mukha ko saka siya tinalikuran.






Inayos ko nalang ang mga gamit ko. Inarkila ni mommy ang buong resort kaya kami lang ang tao. Nilabas ko ang pamalit ko kapag maliligo ako mamaya and some of my essentials. Nagulat ako nang pumasok si Razen na may dalang bag.






"Dito ka?" gulat na tanong ko.





"Yeah, bakit?" kunot noong tanong niya.





"Wala" sagot ko at lumabas na.





"Tel" tawag ni Mikee na may inaabot na beer.






Lumapit ako at kinuha ang beer.






"Anong oras tayo aalis bukas?" tanong ni Britz.





"Eight in the morning" sagot ko at uminom.





"Diretso na tayo ng Manila?" tanong ni Edmar.





Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now