Kabanata 49

59 0 0
                                    

Punong puno ng saya at pagmamahal ang puso ko. Walang papantay sa ganitong pakiramdam. Kung ganito ang kabayaran sa lahat ng sakit ay 'di ko pagsisisihang nasaktan ako.





Nagpicture kaming lahat. Meron pa 'yung pamilya ko muna. Sunod ay pamilya ni Razen. Kaming apat ni Razen at ng dalawang anak namin. Sunod ay mga kaibigan naming dalawa. Sa picture taking nga lang siguro kami ng tagal.





"Sa wakas ikakasal na si ate" ani Cian habang kumakain kami.





"Mapapalitan ko na ang apelyido ni daddy" biro ko pa, tumawa ang ilan pero si daddy ay masama ang naging tingin sa'kin.




"Kailan ang kasal?" tanong ni mommy.





"Pag uusapan pa namin mommy" sabi ko at muling tumingin sa singsing.




"Look, meron din ako" ani Razen at pinakita sa'kin ang singsing na suot niya.




"Looks good" puri ko "Saan na pala ang singsing ko noon?"




"Nasa akin, tinago ko lang" sagot niya.




Iginala ko ang tingin sa buong lugar. Saka ko palang napansin na may maliliit pala na kandila sa paligid. May mga nakasabit na litrato namin at may malaking litrato kami ni Razen kung nasaan nasa Baguio kami habang nanonood ng sunset. Isa 'yan sa mga hindi ko makakalimutan.





Pagkatapos naming kumain ay nag inuman pa kami sa tabi ng pool. May glass 'yung kalahati ng pool kaya nagmumukhang naglalakad ka sa tubig. Sa kabilang side ay pwedeng lumangoy. Lumapit sa'kin si Razen at hinalikan ang sentido ko saka hinawakan ang kamay ko.





"Sorry for the low cost proposal. Minadali ko lang baka kasi makahanap ka pa ng iba" kamot batok na sabi niya.




"Nothing can beat what I feel right now because of your  proposal. Wala sa cost 'yun nasa pagiging sincere"




"Babawi nalang ako sa kasal" nakangusong sabi niya.




Magsasalita pa sana ako biglang sumulpot si Geo.




"Ipapaalam ko sana ang fiancee mo, Tel. Mag iinuman lang kami" paalam niya at nag ngising aso.




"Kapag 'yan 'di nakapagmaneho pauwi sinasabi ko sa'yo lulumpuhin kita" banta ko.





"No...no... no" umiling iling siya at agad hinila si Razen.




Lumapit sa'kin ang dalawang kapatid ko at sabay nila akong niyakap.




"We love you ate" they said in chorus.




"I love you both" hinaplos ko ang pisngi nilang dalawa.




"Congratulations, ate. Ikakasal ka na" ani Meitha.




"Matagal tagal pa. Pero kahit anong mangyari, kahit ikasal na ako ay ate niyo parin naman ako. Matatakbuhan niyo parin ako"




"Walang magbabago, ate?" nakangusong tanong ni Cian, nanlalambing.




"Wala, Ci. Kailan ba ako nagbago sa inyo?"




"Kahit kailan ay hindi ka nga nagbago sa'min. I love you, ate" ginawaran niya ako ng halik sa pisngi.





"Chantel" tawag sa'kin ni mommy using a  mic "Please give a short message to everyone"




Umakyat ako sa mini stage. I took a deep sighed.




"Thank you for helping Razen to make this proposal successful" panimula ko.




"Hindi successful kung hindi ka um-oo!" sigaw ni Geo, napailing ako.




"Like what you did guys. Nagpapasalamat ako sa inyo. To my mom" tumingin ako kay mommy "Thank you dahil kahit nagkaroon ka ng isang anak you never make me feel na may favouritism. I love you and no one can replace  you in my heart. You are the best mom for me" tumingin ako kay daddy "Dad, inisip ko lang 'yung nararamdaman ko pero 'yung dahilan kung bakit mo ginawa ang lahat ng 'yon ay 'di ko inisip. All you want is the best for me, huli ko na narealize. Mas pinili kong magalit, magkimkim ng sama ng loob at magrebelde. I love you, daddy. I'm a princess because you are a king. And now I'm  going to have my own castle but nothing will change. Ako pa rin 'yung prinsesang palagi mong pinapagalitan" pinunasan ko ang luha ko at tinignan isa isa ang mga kaibigan ko "Thru my ups and down nandiyan kayo para sa'kin. Tinuring niyo 'kong kapatid. Hindi niyo 'ko iniwan at never nagbago ang trato niyo sa'kin kahit may mga sarili  na kayong pamilya. I'm  so lucky to have you guys. Kahit nung mga panahong muntikang mawala sa'kin ang lahat pinaramdam niyo sa'kin na 'di dapat ako matakot kasi andiyan kayo para tulungan ako. Nandiyan kayo para iangat ako. Kung protektahan niyo 'ko ay parang batang babae na kapatid niyo talaga. Kung makasermon naman ay parang mga magulang. Mahal ko kayong lahat" tumingin naman ako sa mga magulang ni Razen "Tito, tita, thank you po kasi tinanggap niyo parin ako kahit iniwan ko ang anak niyo. Inintindi niyo 'yung dahilan ko. Never niyo po akong tinrato na iba sa inyo. Kahit kailan ay 'di niyo rin po pinaramdam na ayaw niyo sa'kin. Tinanggap niyo po ako ng paulit ulit kaya thank you po. Mahal ko po kayo"





May mga umiyak na nga. Nangunguna si mommy.




Tumingin ako kay tita Thalia.




"Tita, kahit kailan ay hindi iba ang trato mo sa'kin. Tinuring mo ako na parang anak. You are my protector when it comes to daddy. Inaaway mo siya just to protect me. Ikaw din 'yung natakbuhan ko nung mga panahong ayaw kong lumapit sa kahit kanino. Ikaw 'yung unang nakaalam noon na buntis ako. Inintindi mo ko sa lahat. Never mo akong pinabayaan. Ikaw ang takbuhan ko oras na 'di ko na alam ang gagawin" tumingin ako kay Tito Jules "Tito, thank you for saving Raizer's life. Thank you din dahil hindi mo ako pinakitaan ng masama. Tinanggap mo ako sa bahay niyo na parang tunay na anak. Kung may pasalubong si Meitha ay meron din ako. Naririnig ko pa dati tuwing sinasabi mo kay mommy na ako 'yung alagaan niya kasi sa susunod na taon wala na ulit ako sa bahay niyo. Kahit hindi mo 'ko tunay na anak ay iniisip mo din ang mararamdaman ko. Thank you" tumingin ako sa mga kapatid ko "You both are my first babies. Si Meitha sa babae at ikaw Cian ay sa lalaki. Sa lahat ng desisyon ko ay inisip ko ang mararamdaman niyo. Thank you sa inyong dalawa dahil tinuring niyo ko na biological sister at hindi bilang halfsister. Palagi niyong pinaparamdam na mahal mahal niyo ko. Kayo ang naging kakampi ko. Thank you"






Lumakas ang iyak ko dahil dumapo na ang tingin ko sa kambal.





"Kayo ang yaman na hinding hindi ko ipagpapalit. Nung dumating kayo ay nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Kayo ang dahilan kung bakit mas pinapabuti ko ang desisyon ko. Para sa inyo ay handa kong isakripisyo ang lahat. Kinumpleto niyo 'ko. I love you my angels" tumakbo sila at niyakap ako.

Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now