Kabanata 40

67 0 0
                                    

Dumiretso muna kami sa condo ko para kumuha ng mga damit ng mga bata. May mga damit pa naman siguro ako doon.






"Madami na ata 'to, Tel?" ani Razen at iniangat ang bag.





"Konti nalang idagdag ko" sabi ko at tumingin kay Raizer "Please get my bag in my cabinet, baby. The grey one, please"





"Okay, mom" aniya at umalis.





Sa kakahalungkat ko ng damitan ng kambal ay nahalungkat ko 'yung family t-shirt na binili ni Razen nung nagmall kami.





"Let's wear it, mom!" sabi ni Raisel nang makita akong ibabalik na sana ang t-shirt "I'm gonna wear it" lumapit siya at kinuha ang damit.





Wala akong ibang choice kundi ang ilapag nalang sa kama ang mga damit na natira. Napasulyap ako kay Razen na nagpipigil ng ngiti. Pumasok si Raizer dala ang bag pero ipinagtaka ko ang dalawang damit na dala niya.




Paano niya nakita 'yan?




Nilapag niya ang bag at tumingin sa'kin.





"Mom, I found this under your cabinet. Why are you keeping some trash? It looked like it was ripped. Is it, mom?"




Napakainosente niya pagkatapos niyang magtanong. Napaiwas ako ng tingin. Paano ko ba sasabihin na napunit 'yan dahil ginawa sila?





"Tinanong ka ni RaizerSabi ni Razen, inirapan ko siya. Halatang nang-aasar lang siya, e.





Pinilit kong ngumiti kay Raizer.





"No. Please throw it, baby" bahagya siyang sumaludo at lumabas ng kwarto "Tama na siguro 'to" sabi ko at iniabot kay Razen ang bag.




"Raizer! Let's go!" pagtawag ni Razen kaya patakbong lumabas si Raizer galing kusina na may hawak pang kung anong candy.





"Uy! Happy family" bungad ni Geo,binatukan ko siya.





"Let's go! Gagabihin tayo" ani Mikee at tumingin sakin "Sasabay na kami sa inyo. Nasiraan kami ng kotse, eh. Hindi kami kasya sa kotse ni Edmar at ayaw ko kay Geo"




"Hoy! Ayaw ko rin naman sa'yo! Feelingero! Kala mo lahat gusto ka? Hindi! Lalo na ako!" ganti ng maingay na si Geo, tumawa nalang si Mikee.




"Tara na. Mag van nalang tayo" Sabi ni Razen at tumingin sa lahat "Sumunod nalang kayo sa'min"




"Alam mo papunta doon?" gulat na tanong ko kay Razen.




"Palagi 'yang nasa Batangas doon sa bahay niyo" si Geo ang sumagot, umiwas ako ng tingin.




"Ano? Teka, wala ka pang damit. Dumaan muna tayo sa condo mo" Sabi ko kay Razen.




"May gamit na ako do'n. Hindi na kailangan" umiwas ng tingin si Razen.





"Umalis na tayo! Kung mag iwasan ng tingin kala mo sixteen years old na nagliligawan" asik ni Mikee at pinasakay sa van ang mag-ina niya.





Malakas na tumawa si Geo, I raised my middle finger at him. Tinakpan niya agad ang mga mata ng anak niya, tumawa naman si Anita at mahinang hinampas ang braso ng asawa. Kung ako 'yan bibigwasan ko 'yan. Napailing ako at sumakay na din sa van.

Still It's You (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara