Kabanata 10

104 0 0
                                    

"Ate Chantel!" sigaw ni Meitha at niyakap ako.



"Dalagang dalaga ka na ah?" sabi ko, ngumiti siya at tumingin sa likuran ko kaya tumingin rin ako do'n "Sila ang mga kaibigan ko. Si Kuya Britz at Kuya Geo. Kilala mo naman ata 'yang dalawa?" patukoy ko kay Edmar at Mikee nakangiti siyang tumango.



"Hi po" bati niya sa lahat at bahagyang kumaway.




"Meitha" tawag sa kanya ng batang babaeng kaedad niya "Kuya Geo!" tumakbo siya at niyakap si Geo "Ano pong ginagawa niyo dito?"



"Sumama lang sa kaibigan ko" sabi ni Geo at tinuro ako kaya nilingon ako ng batang babae na bigla nalang nanlaki ang mata.



"Ikaw po si ate Chantel 'di ba?"



"Yes"



Magsasalita pa sana siya kaso may ginawa si Geo kaya tinikom niya ang bibig.



"Nasaan ang kapatid mo?" tanong ni Geo sakanya.



"Rake!" tawag niya, pawisang tumakbo ang batang lalaki papunta sa'min.




"Rake at Ritz sila ang mga kaibigan ko. Si kuya Britz, kuya Edmar, kuya Mikee at ate Chantel" pakilala sa'min ni Geo pero sa'ming lahat ako lang ang nilingon ng batang lalaki.



"Ikaw po si ate Chantel?" hindi makapaniwalang tanong nung batang lalaki, tumango ako.



"Laro na tayo" yaya nung Ritz.



"Nasa loob si mommy, ate. Naghahanda na ng pagkain" sabi ng kapatid ko saka sila umalis.



Pagpasok namin sa loob niyakap agad ako ni mommy saka niyakap niya rin si Mikee at Edmar.



"I missed you boys" aniya.



"I missed you rin po, tita" sabay na sabi ng dalawa.



Tumingin si mommy kay Britz at Geo saka sa'kin.


"Mom, mga kaibigan ko rin si Britz at Geo" pakilala ko.


"Ah, yeah. Nakikita ko siya diyan sa kabilang bahay" ani mommy na tumingin kay Geo.



Taga dito kasi Geo sa Bulacan.



"Are we late?" biglang tanong ni tita Thalia, kakadating lang nila.


Tumili si mommy at nakipagbeso sakanya. They are in good terms.



"Manang, pakiligpit nga ng mga bag nila" utos ni mommy at tumingin sa'ming lahat "Kumain na tayo" aniya.



Pumasok si Tito Jules at Meitha. Nagtapikan ng balikat si tito at daddy.



"Where are your friends?" tanong ko kay Meitha nang maupo kami.



"Umuwi na po" sagot niya.

"Where's Razen?" tanong ni daddy.



"He's busy, tito. Palagi nga pong busy 'yun simula po nung umuwi. Sabi po ni Ritz umalis raw po si kuya Razen para sunduin 'yung magiging asawa ni kuya" kuwento ni Meitha


Nabulunan ako kaya inabutan agad ako ni mommy ng tubig. Ininom ko agad 'yun.



Kapatid siguro ni Razen ang dalawang bata kanina.


"Since we're talking about that. I would like to announce the engagement of Chantel Shine and Ford Miguel" anunsyo ni daddy.



Nabitawan ko ang spoon and fork saka dahan dahang tumingin kay daddy.




"Mom, what is engagement?" tanpng ni Cian sa gitna ng katahimikan naming lahat pero 'di siya sinagot ng ina.




"Manang, ilabas niyo na muna si Cian at Meitha" utos ni mommy saka tumingin kay daddy nang makalabas na ang dalawa "Nagdodroga ka ba, Cleo?" halos pasigaw na tanong ni mommy na nakatayo na ngayon "Hindi porke 'yan ang ginawa sa'tin ay gagawin mo na sa anak mo!" sigaw ni mommy.




"Look, Mariana. Ang mga magulang ni Ford ay isa sa mga may pinaka malaking kumpanya sa Manila at 'di lang sa Manila. They have a lot of businesses. I'm also doing this for Chantel"




Tumayo ako kaya napatingin sila sa'kin.



"Hindi ako ikakasal, dad. Kung gusto mong maging successful 'yang engagement you'll wear the fucking wedding gown" sabi ko at umalis.



"Chantel!" rinig kong sigaw ni daddy pero 'di ko siya pinansin.



Dumiretso ako sa kwarto ko. Ilang sandali lang ay pumasok ang mga kaibigan ko. Umupo si Geo at Edmar sa kama. Si Mikee at Britz sa couch umupo.


"What's your plan?" Britz asked, 'di ako sumagot "Tungkol nga sa engagement ang pinunta ng daddy mo kina Ford. Ford doesn't know about this"



"Si Mikee, nagdilang demonyo" sabi ko at umirap. Tumawa sila "Fiancée kuno. Ayan tuloy"



"Kung gusto mo sabihin natin sa daddy mo na buntis ka at ako ang ama para wala ng engagement" suhestiyon ni Britz, nandidiri ko siyang tinignan.




"Itakas ka nalang namin sa mismong kasal. Angas nun" si Edmar, I looked at him with a what the fuck look "Runaway bride!" bigla siyang tumawa.




"Marami namang nagkakagusto sa'yo, Tel. Pumili ka nalang tapos gawin mong fiancée" suhestiyon ni Mikee.


"Kung gusto mo si Razen nalang total mukha naman kayong couple at paniguradong itatakas ka nun" suhestiyon ni Geo.



"Ang pangit naman ng suggestions niyo" sabi ko at tumingin sa veranda "Uminom tayo at magbabad sa pool" yaya ko.


"Tara, ayos 'yan" pagpayag agad ni Geo. Basta alak, nako.



"Saan ang mga bag namin, Tel?" tanong ni Mikee.



"Sa guestroom. Tanongin mo nalang si mommy para sure" sabi ko, tumango lang siya.


Paglabas nila naghanap na agad ako ng pang swimming. High waist maong short at tube bra. Hinayaan ko nalang ang buhok ko dahil nakapusod naman at maganda tignan. Naglagay rin ako ng sunblock saka ako bumaba.



"Hi, ate" bati ni Rake.




He is so cute.




"Hey" pinisil ko ang pisngi niya.




"You know my kuya?" nakangiting tanong niya.



"Razen?" buong bigay siyang tumango "Of course"




"Kapag niligawan ka niya sagutin mo po ah? I don't like ate Janiella for him" ngumuso siya at kumaway "Bye po"



Kumaway nalang rin ako at dumiretso na sa pool.




"Sa birthday mo ang announcement ng engagement" desisyon agad ni daddy.




"Ikaw ang magpakasal"




"Chantel Shine!"




"Sinunod kita nung sinabi mong dapat related sa business ang kukunin kong course no'ng college na dapat ay architecture. Sa tanang buhay ko 'di mo tinanong kung ano bang gusto ko. You always make decisions for me"



"Dahil mali ang mga disesyon mo! When you broke up with Rye pinatunayan mong mali ka magdisesyon. Hindi pa kasali ang mga pinanggagawa mo ngayon"




"Damn it! Kung may buhay lang ang negosyo mo 'yon na siguro ang inasawa mo. Tama na ang isang beses na pinakialaman mo ang buhay ko"




Magsasalita pa sana siya kaso pinigilan siya ni Tita Thalia.



"Hayaan mo na ang anak mo kung ayaw mong mag away tayo" banta ni Tita at hinila siya.

Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now