Kabanata 50

70 0 0
                                    

Sa mga nagdaang araw wala akong ibang inasikaso kundi ang kasal. Sa wakas ay makukumpleto na ako. Maikakasal na ako.





Pero hinintay ko pang maging pari si Fiel. Kahit sa ganoon nalang ay matupad ang pangarap niya. Dahil sinakripisyo niya para sa'kin.





"Congratulations, babe. I am happy  for you" aniya at niyakap ako.




We are here at my coffee shop. Umuwi siya para tumulong. Sinabi din ni Razen na bumawi ako sakanya. Bumawi daw ako kay Fiel.





"Magiging happy din ako kung bubuo ka ng sarili mong pamilya" seryosong sabi ko pero bahagyang nakangiti.





Natahimik siya saglit.





"I am already committed to God" tanging sabi niya.




"Gusto kong makitang ikasal ka sa babaeng mahal mo, Fiel"





"Pero 'yung babaeng mahal ko ay ikakasal na sa iba at ako pa ang magkakasal sakanya. Masaya na ako don"





Natahimik kami.





After all sumasagi din sa isip ko na what if we tried? What if I tried?





"We if we tried?" we asked in chorus, natawa ako pero sumeryoso din.




"Siguro ay wala pa akong anak pero ikakasal na ako sa'yo" sabi ko habang nakatingin sa malayo.




"Hmm...kahit hindi tayo ang nagkatuluyan ay masaya ako kasi nakikita ko sa mga mata mo na masayang masaya ka. You look so happy and contented"





"I'm so happy, Fiel" nakangiting sabi ko.





"I know. May I see the ring?" aniya, pinakita ko naman "Looks beautiful and expensive. Ang suwerte mo"





"I found my peace and home, babe" tumingin ako sakanya "Are you really happy for me?"





"Oo naman. I sacrificed my feelings dahil kung 'di ko ginawa ay hindi ka ganyan kasaya ngayon. Don't get me wrong, okay? Masaya ako kahit nasaktan dahil 'yung sakit na naramdaman ko ay saya ang idinulot sa'yo. If I have the chance? I'll  do it again and again. Hindi ako magdadalawang isip na masaktan ulit basta masaya ka"






"Thank you" sinserong sabi ko.





"Thank you din. Matutupad na ang pangarap ko. Ako ang magkakasal sa'yo"





"Now, we have that closure. Nakapag-usap na tayo ng personal. Mahal kita bilang kaibigan, babe"





"I love you as my sister. 'Yung trato ko sa'yo simula noon ay hindi parin naman nagbabago"





And after we talked nakaramdam ako ng kaginhawaan sa puso't isip ko.





Sa tuwing nahihirapan ako sa pag aasikaso ng kasal iniimagine ko nalang 'yung sarili ko na nakasuot ng wedding gown.





Wala na palang masasaya pa kapag ikakasal ka sa taong mahal mo. Pakiramdam ko nga ako ang pinakamasayang babae ngayon.





Hindi ko na iisipin kung nakauwi na ba si Razen dahil parehong bahay na ang uuwian naming dalawa. Makikita ko siya sa bawat araw. Makikita ko siya bago matulog at paggising. Bawat ginagawa niya ay alam ko. Sila na ng mga anak ko ang laging uuwian ko.






Siya 'yung taong makakasama ko hanggang sa pagtanda. Magiging sandalan ko. Kasama kong harapin ang buhay. Kasama ko siyang patatagin ang pamilya namin. Sa kahit anong pagsubok ay siya ang kasama ko.






Hindi ko pinagsisihang binigyan ko siya ng isang pagkakataon. Hindi ko rin pinagsisihan ang mga nangyari sa'min dahil doon ako natuto. Ang daming aral na binigay sa'kin. Lahat talaga ng sakit ay may kapalit na aral. At kung hindi ka nasaktan ay hindi ka nagmahal. Hindi ko ikakahiyang nasaktan ako kasi nagmahal ako.






"I'm happy for you anak" umiiyak na sabi ni mommy habang nakatingin sa'kin sa salamin.





"Mom, stop crying. Papangit ka niyan. Hindi mo ako maihahatid ng maayos mamaya"





"I can't stop it. Ikakasal na ang panganay ko"






Gusto ko mang punasan ang mga luha niya ay 'di ko magawa lalo na't inaayusan pa ako.





Pumasok si daddy at tita Thalia. Umiiyak din silang dalawa.





"Anak 'wag ka nalang kaya magpakasal?" ani daddy "Hindi ko pala kaya"





"Dad" natatawa ko siyang tinignan. Alam kong hindi niya naman 'yun tototohanin.





"Hindi ko talaga kayang ipaubaya ka sakanya"




Napailing nalang ako.




"The wedding starts in five minutes" sabi ng organizer "Parents, sa labas na po tayo para maghintay"





Tinignan muna nila ako saka sila lumabas.





Pagsuot ko ng wedding gown ay agad akong naluha. Wohh! I'm getting married!





Habang naglalakad ako pababa habang inaalalayan ni Cian ay nakatingin sa'kin ang mga magulang ko. Nagpapalakasan sila ng iyak. Si daddy nga ay mas malakas na ang iyak ngayon.





"Huwag na kayo umiyak. Hindi ako mag-iibang bansa. Mag-iibang bahay lang" natatawang sabi ko para 'di rin umiyak.





"Mommy, ang dapat umiyak dito ay ang parents ni kuya Razen kasi mas malaki ang ginastos nila" biro ni Meitha, mahina siyang hinampas ni mommy.




"Lalaki ang sakanila! Babae ang sa'tin kaya dapat lang na umiyak ako" asik ni mommy habang umiiyak parin.





"Naghihintay na ang sasakyan niyo. Mauna na kayo doon" sabi ko.





Ginawaran nila ako ng halik sa pisngi bago sila sumakay sa sasakyan. Tinanaw ko pa ang sasakyan nilang palayo na.





Pagkatapos ng ilang sandali ay ang sasakyan ko naman ang dumating. Sa sasakyan ay pigil na pigil ang iyak ko. Hindi ako papayag na pangit ako ngayon. Pangit na nga ako nung proposal.





Pagdating sa simbahan nakaabang na agad ang mga videographer at photographer.





Inalalayan ulit ako ni Cian paakyat. Humawak ako sa braso ng mga magulang ko dahil sumesenyas na ang organizer.





Pumasok na ang mga brides maid at flower girls. Kami nalang ng mga magulang ko ang natira. Muling sinarado ang pinto pagpasok ng iba




Binuksan ulit ang pinto ng simbahan. Tumambad ang mga taong mahahalaga sa'kin. Nagsisiiyakan at 'yung iba ay manghang mangha habang pinapanood ako.




Tumingin ako sa mga kaibigan kong umiiyak na din. Pero ang nakapagpaiyak talaga sa'kin ay ang lalaking umiiyak din habang hinihintay ako. Nakatingin siya sa'kin habang umiiyak.




Takot kaya siyang matali? O wala siyang choice bukod sa'kin?




Tinatapik na ni tito Riccio ang balikat niya para siguro patahanin. We are both crying while looking at each other. Let's  change it, hindi na pagmumura.



I love you, love.

Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon