Kabanata 26

74 0 0
                                    

"Hindi ka iinom?" gulat na tanong ni Edmar pagkatapos kong tumanggi.





"Check mo nga 'yan baka may lagnat" utos pa ni Mikee kay Fiel.






Umilag ako dahil talagang inilapit ni Fiel ang kamay para i-check kung may lagnat nga ako.






"Hindi ko lang talaga trip uminom ngayon" sabi ko at kinuha ang paper bag na binigay ni Fiel.





Gold bracelet 'yun na may second name ko at may sun sa dulo na halatang pinagawa pa. Ang ganda.





"Nagustuhan mo?" tanong ni Fiel, nakangiti akong tumango.





"Isuot mo sa'kin" utos ko, nilapag niya ang baso at ngumiwi muna bago isuot sa'kin ang regalo niya.





"Mas mahal pa pala regalo ni Fiel kay Razen 'no" pabirong sabi ni Edmar habang nakatingin sa bracelet.





"Anong niregalo ni Razen?" Mikee asked at ininom ang Rum.






"House and lot" sagot ko na parang nagregalo lang siya ng mumurahin. Nabuga ni Edmar at Mikee ang ininom "Tangina, kadiri naman!"






"Hala, gago. Totoo ba?" Edmad asked unbelievably.




"House and lot talaga?" si Mikee.





"Oo nga" sagot ko.





"Ang yaman naman" si Fiel.





"Pupuntahan nga namin this weekend. Gusto niyo ba sumama?" pang iimbita ko, nagkatinginan silang tatlo "O 'di kaya bukas nalang. Pipilitin ko si Razen"





"Bukas nalang. Isama na natin si Geo at Britz" sang ayon ni Mikee, tumango naman si Edmar at Fiel.





Hinayaan kong mag inuman silang tatlo. Sinusunod ko ng linis ang mga kalat nila dahil ako lang naman 'tong 'di uminom.






"Hoy, pulutan 'yan 'di pantawid gutom" sita sa'kin ni Edmar dahil pinapapak ko ang pulutan nila. Inirapan ko siya.





"Ang damot mo! Sipain kita palabas ng condo, eh" inambahan ko siya, tatawa tawa naman siyang umilag.





Nang may kumatok tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad si Tita Thalia at  Cian na malaki ang ngiti.





"Pasok kayo Tita" I gestured them to come in pero nakangiting umiling si Tita.





"Si Cian pwede bang dito na muna? Tatlong araw lang. May lakad kami ng daddy mo. Ayaw niya sa bahay"





"Paano po ang pag aaral niya?"




"Isang araw lang naman siyang absent"




"Okay" sabi ko at pinapasok na si Cian.




"Thank you, Tel" nginitian ako ni Tita at hinalikan sa pisngi bago umalis.





Pagsarado ko ng pinto narinig kong nag uusap na si Cian at Fiel pero nakita ng kapatid ko ang aso kaya nabaling dito ang atensyon niya.






"Cute!" komento ng kapatid ko.





"Give me your bag" nilahad ko ang kamay ko. Inabot niya sa'kin ang bag niya. Dinala ko don sa kwarto ang bag ni Ci.





Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon