Kabanata 7

121 0 0
                                    

"Binigay ko pala number mo kay Ford" sabi ni Britz paglabas namin ng restaurant.




"Sabi niya nga. Hiningi niya?" tanong ko.



"Oo eh" tinanguan ko lang siya saka humarap sa mga kaibigan namin.




"Mauna na ako. Ingat kayo" paalam ko at sumakay na ng kotse.



Pagbalik ko sa office tinapos ko na lahat ng dapat kong gawin. Ang daya ni dad sabi niya itutour ko lang si Razen dahil 'yun ang magiging trabaho ko. I also check my emails from different departments. Pagkatapos ay nag inat muna ako saka kinuha ang gamit ko at umalis.





Pagdating ko ng condo naligo ako at inayos muna ang gamit ko. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil may bakas parin ng hickey ang dibdib ko pero nilagyan ko ng cream para 'di halata. Didiretso na sana ako sa kusina para magluto ng hapunan kaso ay may kumatok kaya sinilip ko muna sa peephole at pinagbuksan si Mikee.




"Tara, inom" bungad niya




"Bakit 'di mo nalang sabihing 'tara, mamatay'? Kagabi lang tayo uminom ah? Tumba ka nga eh"



"It's payback time! Halika na"



"Kunin ko lang wallet at phone ko" sabi ko at bumalik na naman sa kwarto.




Kinuha ko nga ang phone at wallet ko at paglabas ko tumayo na si Mikee mula sa pagkakaupo sa sofa.




"May kasamang babae si Razen, chicks na chicks" nakangising sabi niya pagkasarado ko ng pinto.




"Ah, talaga?" naiusal ko lang, tumango tango siya.




Ang  bilis. Parang kanina lang ako pa ang niyayaya niyang kumain. Taken na pala siya.




"Si Ford nando'n rin niyaya ni Britz nang makita naming may kasama si Razen. Dapat hindi ka talo" bahagya pa siyang nag inat "Gusto ko bumili ng popcorn para mamaya sa palabas"




"Movie marathon?" kunot noong tanong ko, hindi kasi sila mahilig manood ng movie.



"Oo, kaso live" natawa siya. I knew it.



Siya ang nagbukas ng pinto ng unit niya. Unang hinanap ng mata ko ang babaeng kasama ni Razen. Nado'n sila sa sulok at nagtatawanan at nang tumingin sa gawi namin si Razen umiwas na agad ako ng tingin.




"Ano 'yang suot mo?" magkasalubong na kilay na tanong ni Edmar at tinuro ang suot ko.




Tinignan ko ang suot ko at do'n ko lang napagtanto na ang suot ko pala ay manipis na short at pantulog na spaghetti strap which is sobrang nipis rin. Tumingin siya kay Mikee, magkasalubong parin ang kilay.




"Hindi mo man lang napansin ang suot niyan?" tanong ni Edmar sakanya at tinuro ako.




"Oh, bakit? Ang sexy nga ni Chantel eh" dipensa agad ni Mikee.




Hinubad ni Edmar ang jacket na suot at inabot sa'kin pero 'di lang isa ang nasa harap ko ngayon kundi tatlo. Binawi na agad ni Edmar ang jacket niya na balak ko na sanang kunin.




"Nah, sakanila nalang" nakangising sabi niya at tumalikod.



Tinignan ko si Razen na seryoso lang habang inaabot ang jacket at si Ford na nakangiti. Kinuha ko ang jacket ni Ford at sinuot.



"Ang sakit namang 'di mapili" mapang asar na banat ni Geo.



Hindi ko siya pinansin at kumuha nalang ng baso saka nilagyan ng alak. Hinayaan kong tumabi si Ford sa'kin.



Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now