Kabanata 48

56 0 0
                                    

Akala ko ay tapos na pero nagkakamali ako. Sa sumunod na video ay si Edmar na. Mababakas sa mukha niya ang saya kahit umiiyak din siya.





"Since high school you didn't let me face my problems alone and I thank you for that. You have a special place in my heart, Tel. I won't  leave you dahil hindi mo ginawa sa'kin 'yon. You're not just a best friend to me but a sister by heart. Thank you dahil dumating ka sa buhay ko. You're a blessing kahit minsan ay pasaway ka at matigas ang ulo" mahina siyang tumawa at nagpunas ng luha "I love you, Chantel. I thank God dahil hindi ka niya pinabayaan at patuloy ka niyang pinapaunlakan ng blessings. Happy eighteen years of friendship, Chantel Shine"





Sumunod ay si Britz. Na umiiyak din. Why are they crying? Nagbibigay lang ng message ang mga lintik pero umiiyak na at bakit nga ba sila nagbibigay ng message?






"Hey, 'yung prinsesa namin may anak na" natawa ako sa sinabi ni Britz "Always remember, Tel, kahit anong mangyari ikaw parin ang unica hija at prinsesa ng barkada. Kahit pumuti na ang buhok nating lahat at kahit uugod ugod na tayo. I thank you cuz despite of my decisions you still accepted me whole heartedly. Kahit pinakasalan ko 'yung babaeng sumira ng relasyon niyo ay pinatawad at tinanggap mo 'ko. Kahit ako ang pinsan ni Ford ay binalewala mo 'yun" ngumiti siya habang nagpupunas ng luha "You deserve all the blessings in this  world. Well, 'di 'yon mapapantayan ang dalawang blessings na natanggap mo. I thank  my bar dahil  nakilala kita dahil do'n. I love you, our princess and our sister"






At syempre hindi nagpapahuli si Geo na gusto pa ata ng grand entrance at gustong nasa kanya ang spotlight. Siya ang naiiba sa lahat dahil hindi siya umiiyak. Nakangiti pa nga pero mahihimigan ang pagiging seryoso niya. Pero walang pagbabago kung nakangiti o seryoso siya dahil 'di nun mapapalitan ang katotohanang maloko siya. Para siyang kalokohan na tinubuan ng katawan.






"Yow, Chantel. Syempre nagpahuli talaga ako para special, alangan naman ikaw lang? Ako din" lintik talaga sa kaabnuyan "Well, I want to say na hindi ko pinagsisihan na naglasing ako at nagsuka kasi dahil do'n ay nakilala kita. You took care of me kahit hindi mo 'ko kilala and because of that I can say that you are so kind. Mukha ka mang mataray o stone hearted person kami na malalapit sa'yo ay alam na hindi 'yon totoo. Sorry din dahil nagalit ako without knowing your side. Naging bias ako and I'm sorry. Sabi nga ng tatlo prinsesa ka at baby namin. Para sa'kin? Special child ka" ano pa ba bang aasahan ko? Abnoy na tunay "Ako man ang nahuli mong nakilala pero para sa'kin ikaw ang unang babaeng nagpahalaga sa'kin bukod kay mommy. Tandaan mong mahal na mahal kita bilang kapatid. Aalagaan kita na parang kapatid at itinuturing kita na kapatid, Tel. You're  so special for me. I pray for your wedding and I pray for your none ending happiness" sa huling mga sinabi niya ay 'di ko maiwasang 'di maiyak.






Mahal na mahal ko silang lahat. Pantay pantay sila sa'kin at alam kong mahal din nila ako, kahit palagi nila akong inaasar. Tama ang mga pinili kong kaibigan. Simula noon hanggang ngayon ay naging totoo sila sa'kin. Noon pa man ay ang mararamdaman ko muna ang iisipin nila bago ang mararamdaman nila. Tinuring nga nila akong prinsesa. They we're my five prince including Razen.






Habang umiiyak ako ay bigla silang lumabas galing sa likod ng stage. Nag iiyakan at kanya kanyang punas ng luha. Akmang lalapit ako kaso umiling si daddy. Nang makalapit ay agad kong niyakap ang mga magulang ko. Nagpapalakasan kami ng iyak ni mommy. Solo akong niyakap ni mommy saka niyakap nang mahigpit.






"I love you, mommy. Noon ay pinagsisihan ko kung bakit mo 'ko pinanganak. Pero 'di ko akalaing iyon pa ang ipagpapasalamat ko sa'yo. You're  the best mom to me" umiiyak na sabi ko, ramdam ko ang pagtango niya.





"I know, 'nak. Kaya nga nakokonsensya ako" aniya at kumalas.






Sunod ay niyakap ako ni daddy. Ramdam ko ang pananabik niya at ang pagmamahal niya sa'kin. Mahigpit pero ang gaan sa pakiramdam. Napakasarap ng yakap ng magulang. Nag iyakan kami ni daddy habang niyayakap niya ako.





"Pinagpapasalamat kong pinilit mo 'kong ikasal, dad. Dahil sa ginawa mo ay natagpuan ko ang lalaking para sa'kin. You're not a villain, ikaw ay isang kupido at masasabi kong tama ang pinana mo"





"Thank you, anak. Mahal na mahal kita"




Sunod ay niyakap ako ng mga magulang ni Razen. Pagkatapos ay ng mga kapatid ko. Si Marielle at si Rye. Nginitian ko silang dalawa. Sunod ay niyakap ko isa isa ang mga kaibigan ko saka kami naggroup hug. Panghuli ay ang dalawang anak ko na umiiyak na din.





"Shhh...stop crying" sabi ko kahit ako mismo ay umiiyak "Si Razen?" tanong ko sa lahat at nagpunas ng luha.




"Miss me already?" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Razen is standing beside the mini stage wearing a blue tuxedo. May dala siyang bouquet.





"Anong ginagawa mo diyan?" natatawang tanong ko habang umiiyak parin.





"I Razen Von Guevara asking you Chantel Shine Fuentabella to be my wife, in front of our families and friends. I promise to love you everyday. Make you laugh. Not to broke your trust again. Make new memories with you. I promise to love you until our hair turns into grey" natatawa ako habang naglalakad siya papalapit sa'kin at habang sinasabi ang mga salitang binitiwan niya.





He is fucking proposing!





Nang makalapit ay tila nagslow mo sa paningin ko ang pagluhod niya. Humagulgol na ako sa iyak. Iniabot niya sa'kin ang bouquet na hawak niya "Handa ka bang makipaghampasan sa'kin ng wheelchair?" natawa ako pero tumango din "Willing ka bang makipagtaguan sa'kin ng gamot at pustiso?" tumango ulit ako kahit hinampas ko siya. "Will  you stay beside me until our last breath?" tumango ako "Do you want to be my wife? Will you marry me?"





"No second thoughts and no doubts. Handa akong makipaghampasan ng wheelchair sa'yo at willing akong makipagtaguan ng pustiso at gamot sa'yo. Pangarap kong maging asawa mo at mananatili ako sa tabi mo kahit sa huling hininga. So, yes. I'll  marry you"





Nagpalakpakan ang lahat habang sinusuot niya sa'kin ang singsing. Tumayo siya at hinalikan ako. His kiss is so passionate and full of love. Pagkatapos ng halik niya ay pinagdikit naming dalawa ang aming mga noo habang umiiyak.





"I love you" he emotionally said. I can feel that he is so sincere.





"I love you too" sabi ko at ginawaran siya ng isang mabilis na halik "Ang pangit ko na. Hindi ka man lang nag iwan ng tissue" biro ko, pareho kaming natawa.

Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now