Kabanata 15

92 0 0
                                    

"Mariana!" pasigaw na bungad ni Tita Raciela pagpasok niya ng office ni mommy.





"Napasugod kayong tatlo dito, anong meron?" tanong ni mommy at sinara ang laptop niya.





"Si Razen at Chantel ikakasal" tuwang tuwang sabi ni Tita Raciela na animo'y siguradong sigurado na.






"What?!" hindi makapaniwalang usal ni mommy at tumingin sa'kin "Is it true, Tel?"





"Yes mom" sabi ko, tumayo siya at nagtatalon silang tatlo "Dad will announce it on my birthday"




"Kkkkkyyyyaaahhh" tili nilang tatlo at sabay pang tumalon talon habang magkakahawak ang kamay.





Jusko







Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sakanila. Parang kaedaran lang nila ang mga anak nilang bunso.





"Maghahanda ako sa bahay" ani Tita Raciela.





"Wait" ani mom at tinawag ang sekretarya niya "May pupuntahan ako. You cancel all my meetings and appointment's today" she commanded.





Lumabas kaming apat ng office ni mommy at pumunta sa bahay ni tita Raciela.





"Yaya, mamili kayo ng mga lulutuin. We were going to celebrate" ani Tita Raciela at nakipag usap kina mommy at tita Thalia about sa lulutuin nila.





"So, kailan naging kayo? You didn't bring Razen when we talked about your birthday" ani mommy habang naghahanda na.





"Uuuhh, he's busy that time. He said na may aasikasuhin raw siya sa Bulacan" sabi ko.




"Share some stories about you two" ani Tita Thalia.




I don't know what to say. Ano ba dapat? We just fuck and just like that we're getting engaged.





"Tita, I guess sa'min nalang 'yun ni Razen. I consider it as private" pilit ang ngiting sabi ko.





"Ang mahalaga ay ikakasal sila" nakangiting sabi ni Tita Raciela.




Hindi na ako nagsalita.





"Ate Chantel" tawag ni Ritz, lumapit ito sa'kin "What are you doing here po?"





"Ritz, ikakasal na silang dalawa ng kuya mo" ang mommy niya ang sumagot.





"Wow" tumawa si Ritz "I really like you for kuya Razen. I don't want him to be with that bitch" aniya at niyakap ako.





"Call your brother. Sabihin mo may bisita tayo" utos ng mommy niya, kumalas ito at umalis.





"Tuwang tuwa talaga ako. Nag away pa kami ng daddy mo dahil ang sabi ko si Razen ang gusto ko para sa'yo" nakangusong sabi ni mommy.




"Nahihiya lang si Cleo kay Razen dahil baka masaktan lang siya ni Chantel" sabi ni Tita Thalia.




"Normal ang masaktan. But I want Chantel for my son" nakangiting sabi ni Tita.





"Ate Chantel!" sigaw ni Meitha at patakbong lumapit sa'kin saka niyakap ako "Is it true huh? Ikakasal kayo ni Kuya Razen?" atat na tanong niya, I simply nodded.





Sabay silang nagtatalon ni Ritz.





Ito ang mga taong iiyak kapag nagkataong 'di ko minahal si Razen. Masaya dati ang buhay ko eh, wala akong iniisip na ganito at kung anong gusto ko nagagawa ko. Ngayon, may Razen at pamilya na akong iisipin.





Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon