Kabanata 27

66 0 0
                                    

"Good morning, ate!" bibong bati ni Cian habang nakikipagkulitan kay Razen.





"Good morning" bati ko at umupo sa tabi niya.






Paalis na kami ngayon para bisitahin ang bahay. Maghihintayan nalang kami sa baba. Van ulit nina Britz ang gamit namin.





"Naks, happy family!" bungad ni Geo.





Halatang kami nalang ang hinihintay. Inirapan ko siya at pinapasok na ang kapatid ko.





"Tel, si Razen na sana ang magdrive kasi siya ang may alam kung sa'n 'yun" sabi ni Britz at nilahad ang susi.






"Sure" tugon ni Razen at kinuha ang susi.





Nasa harap ako syempre. Katabi ni Cian si Mikee at Fiel. Sa likod si Geo, Edmar at Britz.




"Ate, you bring foods?" tanong ni Cian na dinungaw pa talaga ako.





"Yeah, gutom ka na agad?" natatawang tanong ko.





"I'm not! I'm just checking" aniya at bumalik sa pagkakaupo.




"Cian, you know how to curse?" rinig ko ang pag ngisi ni Geo.





Nilingon ko sila.





"Stop your shits, Geo!" suway ko pero 'di niya ako pinansin.





"You know what is gago?" tanong ni Geo.




"Yeah" tumango ang kapatid ko "Asshole" tumawa si Geo "The best example is you po" natawa ako. Halatang nagulat si Geo sa sinabi ng kapatid ko dahil nanlaki ang mata at butas ng ilong niya.





"That's what you get" nakangising sabat ni Britz.





"Who you like the most for your ate?" tanong ni Mikee "Rye or Razen?"





"Uh, it's Kuya Fiel. He's a nice guy but ate rejected him and now I like kuya Razen because he always gives me food" sagot ni Ci.






Sinulyapan ko si Razen na nasa daan ang tingin pero halatang nakikinig.





"Cian" pagtawag ko sakanya sa nanunuway na tono, ngumuso lang siya.






"Paano niligawan ni Fiel si Chantel?" nakangising tanong ni Geo, halatang pinapaselos niya si Razen.





"He always bring foods. My ate's living reminder. A knight in shining armor and he's always there for my ate" sagot ni Ci.





"Bakit binasted ng ate mo si Fiel?" tanong ni Mikee.





Really? Alam niya lahat! Si Geo at Britz lang ang walang alam. It's really awkward.





"She met Rye" nakangiwing sagot ni Cian "He choosed that guy over Kuya Fiel. But the way kuya Fiel treats my ate didn't change"





"Cian, stop it" seryosong suway ko.





Nahagip ng paningin ko ang malungkot na mukha ni Fiel habang nakatingin sa labas ng bintana. I really feel sorry for Fiel.





"Kuya Fiel loves ate Chantel. I feel pity for him. Ate didn't choose him but he stayed in love" tatango tangong sabi ng kapatid ko.





Natahimik kaming lahat. Tumalikod na ako at tumingin nalang sa daan.





Pagdating sa bahay hindi ko naiwasang hindi mamangha dahil sa lawak at laki. Nag ikot pa kami maliban kay Razen na busy sa pakikipag usap sa architect at engineer ng bahay.





"Ang ganda mo naman" pang aasar ni Mikee habang hinahaplos ang buhok ko.





"Tangina mo" inirapan ko siya, tumawa pa talaga ang pugok.




Habang nag iikot kami sa gagawing garden lumapit si Razen sa'min ni Cian.




"Kuya" kinalabit ni Ci si Razen, tinignan naman siya nito "I'm sorry" ngumuso ang kapatid ko.




"It's okay" hinaplos ni Razen ang ulo niya "Gutom ka na ba?" umiling si Cian at bumaling sa'kin.





"Ate, may I borrow your iPod po?"





"Kunin mo do'n sa bag" nakangiting sabi ko, tumalon talon siya habang paalis.





"Ang lawak ng mag---" natigilan ako sa pagsasalita dahil sa biglang pagyakap ni Razen "Uy" bahagya kong tinampal ang kamay niya.





"I wanna be with you forever"





"I wanna be with you for the rest of my life or better yet 'til in my second life" sinserong sabi ko.






Someone made a vomiting sound. Sabay naming nilingon si Geo na umaaktong nasusuka.





"Tangina mo" I cursed and I raised my middle finger at him.





"Gutom na ako. Hindi ako mabubusog diyan sa kasweetan niyo, nandidiri ako"





"E di kumain ka!" asik ko.





Lumapit siya at pumulupot sa braso ni Razen. Nagmukha siyang malandi.





"Kainin raw kita" he seductively said at Razen while slightly biting his index finger.





"Gross" tinulak siya ni Razen at hinila ako palayo kay Geo.





"Kumain na kasi tayo!" habol ni Geo sabay tawa.





"Bumili na tayo ng matinong  makakain" sabi ko habang hinahalungkat na ang bag ko "Chichirya lang 'tong dala ko"





"Tara" yaya ni Britz.




"Bilhan na rin natin 'yung mga trabahador" sabi ni Mikee sabay sakay sa van.





Bumili kaming lahat ng pagkain pati 'yung mga nagtatrabaho binilhan na rin namin. Hindi ko nga lang trip ang amoy ng sinigang at nasuka ako sa chicken barbeque kaya ang inulam ko ay sisig.




"Are you okay, babe?" nag aalalang tanong ni Fiel at inabutan ako ng tubig.





"Yeah. Can you come with me tomorrow?"





"Where?"





"OB" simpleng sagot ko, natigilan siya "Aalamin ko na 'tong nararamdaman ko" ngumiti siya at saglit akong niyakap.




"Sasabihin mo na ba 'to sa mga magulang mo?" he asked.




"No, matataranta lang si mommy at si daddy paniguradong ipagkakalat niya lang. I'll call tita Thalia, paniguradong mapapayuhan niya ako" ngumiti siya sa'kin sabay tango.





Saglit pa kaming nag ikot sa bahay. May pangalawang palapag na pero wala pang mga kwarto. Hindi rin kami nagtagal dahil maalikabok at puro semento palang naman.




Pagbalik namin sa condo nagkayayaan pang uminom. Pinagbawalan ako ni Razen pero ayaw ko rin naman dahil kung buntis nga ako makakasama sa bata ang alak. Binantayan ko nalang si Cian habang nakikipaglaro siya kay Cookie.





"Sunod sunuran ka lang kay Razen?" mapanuyang tanong ni Geo nang lumabas ako "Nako! Hindi 'yan ang Chantel na nakilala ko"





"Tigilan mo 'ko" banta ko sakanya.

Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now