Kabanata 47

58 1 0
                                    

A video played. Simula nung ipinanganak ako hanggang sa nagkaroon ng anak. I never knew na kinukuhaan pala nila ako ng video. Nagulat ako dahil may video kung saan nasa hospital ako at nasa bahay nila Ford habang buhat ko si Raizer while Raisen is on the crib. It was taken by Ford. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Biglang sumulpot sa screen si mommy  habang sumisinghot pa at nagpupunas ng luha.

"Hi, hija. I know that you are happy now. You have two kids and living the life you want" she smiled while wiping her tears "I may not be the best mother but you know what? I'm  so proud na ako ang mommy mo. Lumaki ka ng maayos even I wasn't there to guide you. I wasn't there for several years. At the age of eighteen you already live alone and start to have a business" umiyak siya, 'yong hagulgol talaga "Sorry, anak. Sorry dahil napabayaan kita at sorry dahil wala ako nung mga panahong kailangan mo ng ina. I'm sorry. I know my sorry is not enough but I want to show you that I am really guilty" ngumiti siya pero umiiyak parin "I know that  you have all the things you want and you need right  now. But as a mother gusto kong makita kang may suot na wedding gown. Walking in aisle while your groom is waiting for you. Kapag nangyari 'yon ako na ang napakasayang ina. I love you! I love you my first baby" the video of her ended.

Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang hindi matigil. Ito pala 'yung tinatawag nilang tears of joy. Sobrang gaan sa pakiramdam na proud pala siya sa'kin. Dati kasi ay hindi ko 'yon naramdaman sakanya. Akala ko dati wala siyang pakialam kaya nagrebelde ako dahil akala ko nga mag isa lang ako. Tumingin ako sa screen at si daddy na ang nandoon. Halatang kakaiyak lang din niya dahil namumula pa ang ilong. Halatang pinapatibay niya lang ang loob kahit pa deep inside gusto niya ng umiyak.

"Chantel Shine Fuentabella, ang panganay ko" sa salitang 'yon ay 'di ko inakalang lalakas pa ang pag-iyak ko. It's the first time I heard him say that. Napakasarap pakinggan "Alam kong hindi pera o mga bagay ang kailangan mo. You need is our love na alam kong 'di namin naibigay sa'yo. I'm  sorry for treating you as a business of mine. I'm sorry because  I was a villain in your life. I'm  sorry dahil palagi kong pinapakita na disappointed ako sa'yo but it wasn't true. Gusto ko lang na lumaki kang maayos, hindi maghirap, dumiskarte, matalino at matatag. Hindi ko namalayan na pinapakialaman ko na pala ang buhay mo. I'm sorry for ruining your life for how many years. I'm sorry because I didn't gave you the  love and family you deserve. Sorry dahil lumaki ka ng palipat lipat ang bahay at school ng dahil sa'kin. I'm  sorry cuz I didn't  gave you a complete and a happy family" umiyak si daddy "I'm  sorry dahil kailangan mo pang maguidance para lang mapansin ka namin. I'm  sorry dahil lagi kang nabubully noon dahil sa mga desisyon namin. I didn't gave you the love you deserve, baby. Sorry dahil hindi ako naging mabuting ama." daddy "Now you have your own family and you already have two cute angels. I am so proud of who you are now and what you have. Naibigay mo sa mga anak mo ang 'di namin naibigay sa'yo at sobrang proud ko sa'yo dahil doon. Gusto ko lang ngayon ay maihatid ka sa lalaking mahal mo. Gusto kong makitang maikasal ka. I love you...I love you, anak" nagpalakasan kami ng iyak ni daddy. Anak, that word shattered my heart. Ni minsan ay hindi niya ako tinawag na anak sa gaanong tono. Isang beses niya lang ata ako tinawag na anak at galit pa.

Sa sumunod na video ay si Tito Jules na. Umiiyak rin siya pero bahagyang nakangiti.

"Hi, Chantel. Thank you for accepting me  heartedly. Thank you for treating  me as your second father. Thank you dahil kahit kailan ay 'di mo pinaramdam na ayaw mo sa'kin. As your stepdad wala rin akong ibang nais kundi ang makitang masaya ka. Thank you din dahil binigyan mo ko ng apo" bahagya siyang tumawa "Alam kong magiging mabuting ina ka sa mga anak mo. Thank you din dahil tinrato mo si Meitha hindi bilang stepsister. Thank you for being kind. Para sa'kin? Ikaw din ang panganay ko"

And there  si Tita Thalia na. Mas malakas pa ata ang naging pag-iyak niya kumpara kay mommy. Ngingiti siya tapos biglang iiyak.

"Hi, sweetie" sabi niya pagkatapos ng ilang sandali "Thank you for treating me as your second mother. Thank you for trusting me and thank you for being always there for Cian. Hindi mo kami tinuring na iba you did the opposite. I salute your braveness in conquering all your problems. Thank you dahil naging pangalawang ina ka din kay Cian. Ikaw ang unica hija ko, Chantel. No one can replace you in my heart. Walang salitang makakadescribe kung gaano kita kamahal at kung gaano ako nagpapasalamat sa'yo. I love you, sweetie" umiyak siya na nakapag iyak ulit sa'kin. Thank you, tita.

Basang basa na ang kamay ko kakapunas ng luha at basa nadin ang mukha ko.

Pagtingin ko sa screen ay si Mikee na. Nagpupunas din siya ng luha habang natatawang nakatingin sa camera.

"Wassup, Chantel. If you're watching this already be prepare for all the surprises" umayos siya at diretsong tumingin sa camera pero ang luhang nagbabadya ay kitang kita sa mga mata niya "I can shout out to the whole world that I was your first bestfriend, gano'n ako kaproud. I'm  so lucky to have you as my best friend. Thank you dahil nandiyan ka para sa'kin. Sorry dahil wala ako nung sobrang nasaktan ka. I'm may not be the happiest man right now but I'm  still happy cuz I can see in your eyes that  you're contented and happy. I love you, Chantel. I can't talk too long, nagagalit na si Geo dahil nagtatagal lang daw ako. Well, before I end this video I want to say that I'm  staying in your life whether you like or not. Happy twenty three years of friendship!"

They don't know that I am the luckiest person because I have them. Hindi mapapantayan ng pera o kahit ano pa man ang pagmamahal nila. Sobrang nagpapasalamat ako dahil dumating sila sa buhay ko.

Still It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon