Kabanata 44

73 0 0
                                    

"Sigurado ba kayo dito?" tanong ni Mikee habang pinapasok na ang sasakyan sa loob ng bahay nina Britz.






Wala ngayon ang kambal. Iniwan ko sila kay mommy. Tango ang tanging nasagot ko. Hinawakan ni Razen ang kamay ko, pilit ang ngiting naitugon ko.






"Tel" sinalubong ako ng yakap ni Britz "Pasok kayo" yaya niya.





Natigilan ako pagkatapos kong makita si Janiella na buhat buhat ang baby niya. Binigay niya 'yon sa kasambahay nila. Nagsisimula na siyang umiyak. Titingin siya kay Razen at sunod naman ay sa' kin.






"I'm sorry" umiiyak na sabi niya "All those things I did is just because I fell in love. Sorry kung nasaktan ko kayo" nakayukong sabi niya.






"Your sorry won't change anything" masungit na sabi ni Razen, hawak niya parin ang kamay ko kaya ramdam ko ang diin at galit niya "Tinago mo sa'kin ang alam mo for four years, Janiella! You're selfish"





"Ginawa ko iyon dahil umasa ako na baka 'pag wala na talaga siya ay ako naman ang piliin mo! Ako naman ang mahalin mo! Nagawa ko lahat ng' yun dahil minahal kita"






"Haa!! Kahit wala na siya ay hindi parin naman ikaw ang pipiliin ko! It's her or no one. Siya lang, Janiella. Kung hindi mo sana pinilit ang sarili mo sa'kin hindi mangyayari ang lahat ng 'to!" sigaw ni Razen.






"I know and I'm sorry" ang mataray na Janiella na nakilala ko noon ay parang batang inapi at walang laban ngayon.






"May ulo ka nga pero wala kang utak! Putangina, Janiella! Ipinagpilitan mo na nga ang sarili mo! Nanira ka pa ng relasyon! Ngayon, pagmamahal ang tawag mo? Haa! Hindi ka nagtatrabaho sa circus pero patawa ka" mapaklang sinabi ni Razen.






"Enough" mariing sabi ko.






"I'd do anything. Please, forgive me" sa tono palang alam kong seryoso si Janiella.





"Wala ka ng dapat gawin dahil simula nung araw na hinalikan mo 'ko ay hindi na kita tinuring na kaibigan" seryosong sabi ni Razen dahilan para lahat kami' y tumingin sakanya "Sinaktan mo ang babaeng pinakamamahal ko, do'n palang ay hindi na kita mapapatawad" dahan dahang lumapit si Janiella sakanya "Saktan mo na lahat 'wag lang siya. Ikaw din ang dahilan ng lahat ng' to, ikaw at 'yang kalandian mo"






"No...no...no...Razen" niyakap niya ang tuhod ni Razen at nagkukumawala siya dahil nilalayo siya ni Britz "Kahit ano gagawin ko, please! Patawarin mo na ako" tumingin siya sa' kin dahil hindi na siya tinignan ni Razen "Convince him, Chantel. Alam kong makikinig siya sa'yo. I'm sorry...I'm really sorry"






"Janiella" ani Britz, kitang kita ko ang awa niya para sa asawa.






Tumingin ako kay Razen na nakatingin sa malayo. Alam kong hindi niya rin kayang kalimutan si Janiella bilang kaibigan. Ang tao at ang aral na binigay niya sa'yo ay kahit kailan hindi mo malilimutan. Naaawa rin ako kay Janiella, dati ang ganda niya ngayon nalosyang na. Siguro napakadami niyang pinagdaanan at lahat ng 'yon ay masasakit.






"Mahal...mo...parin ba..si...Razen?" paputol putol na tanong ko kay Janiella, lahat sila' y gulat akong tinignan.






"What?! Don't tell me ipapaubaya mo 'ko sakanya?!" sinamaan ko ng tingin si Razen dahil sa OA niyang reaksyon. Tumingin ulit ako kay Janiella and I asked her the same question.






"I realized after all the shits that happened to me is that all I need is someone who can fight for me, someone who will choose me, someone who accepts me and someone who's contented of having me. Mahal ko si Britz. Nakakatawa nga na sa kabila ng kagagahan ko ay masasabi ko palang pipiliin ko si Britz kesa kay Razen. Nakakatawa na kahit ipaubaya mo sa'kin si Razen ngayon ay hindi ko siya tatanggapin" bahagyang nakangiti si Janiella habang sinasabi ang mga salitang binitiwan niya pero masasabi mong seryoso siya "I'm sorry kasi sinira ko kayong dalawa. Sorry, Chantel. Kung hihilingin mong maglaho ako ay gagawin ko mapatawad mo lang ako"






"Akala ko dati ako 'yung magiging karma mo 'yon pala ay ang desisyon mo. Hindi ako natutuwa na nangyayari sa'yo 'yan, ang pinupunto ko dito ay natuto ka sa sariling pagkakamali mo at 'yun ang karma mo. Para sa'kin kasi masakit ang masaktan dahil sa sarili mong desisyon. Okay na sa'kin na natuto ka, and for that I am giving you my forgiveness" bahagyang nakangiting sabi ko, agaran niya akong niyakap.






Yuck, niyakap ako ng ahas. Charot!





"Razen" baling ni Janiella kay Razen na masama parin ang tingin sakanya.





"Akala mo gano'n kadali 'yon?" ani Razen, nagmamatigas padin.





"Patawarin mo na. Ang tagal na nun" sabi ko, saglit akong tinignan ni Razen "Patawarin mo na"




"Aishh! Oo na. Magpasalamat ka kay Chantel" napipilitan kunyaring sabi niya. Niyakap siya ng kaibigan.






"Hindi ko man nakuha ang tatay sa anak naman ako babawi. Sisiguraduhin kong magiging magbalae tayo" maya maya'y biro ni Janiella at tumingin kay Elias "Ngayon palang bakuran mo na ang anak nilang babae ha?" baling niya sa anak na agad namang namula.





Omygod!





"Tumigil ka nga. Pati anak mo dinadamay mo" suway ni Razen.





"We'll going to celebrate, right?" tanong ni Geo sa gitna ng katahimikan "Sa Wild Free, guys"





"Puro ka inom! Kainan naman" ani Edmar.





"Nako, kagabi kumakain ka. Naririnig ko kahit may pader" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Geo kay Edmar, nanlaki naman ang mata at butas ng ilong nitong isa "Puro ka kainan!" pasigaw niyang sabi.






"What the fvck did you say? Anong naririnig mo?" maingat na tanong ni Edmar.





Pansin ko 'pag gan'tong usapan ang tahimik namin tapos nakikinig talaga. Hindi ko na alam kung chismoso't chismosa ba kami o malilibog.





"Naririnig ko ang ingay ng kinakain mo. Siguro masarap?" mapaglarong tugon ni Geo.






"Gago! Edi sana kumain ka rin. Hindi 'yung nakikinig ka. May kakainin ka naman"





"Wala ako sa mood nun kumain e. Pero masarap ba?"





Jusko...






"You stupid motherfucker! That's invading of privacy!" dinuro na ni Edmar si Geo.






Tumawa si Geo at talagang napahawak pa sa tiyan.





"Kasalanan ko bang ang ingay nung kinakain mo? Rinig na rinig ko" bahagyang nakangising sabi ni Geo, halatang nang-aasar lang siya.





"Lintik ka, sinasabi mo bang nagsex kami?!"






"Hindi ako ang nagsabi niyan kundi ikaw" inosenteng sabi ni Geo, nasapo ko ang noo.





Kainan pa nga. Lintik na kinakain 'yan.

Still It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now