Thrilled II

158 10 0
                                    

Thirty One: My Vampire Lover 💐

Thrilled II




HINDI KO ALAM ang gagawin ko, ayokong tanggihan siya dahil baka mapahiya naman siya, pero ayoko din namang pumayag dahil baka mahalata niyang hindi ako katulad nila. Na isa lang akong normal na tao.


Anong gagawin ko?


I hesitantly reached out my hand, pero bago pa maglapat ang aming palad ay hinila na ni Jungkook si Donghae palayo.


"I think it would be better if you dance with your brothers over there. Let's go." Kinindatan pa ako ni Jungkook bago sila tuluyang makaalis si Donghae.


Ilang sandali akong natulala sa ginawang iyon ni Jungkook. Ewan ko ba, lahat na lang ata ng gagawin niya ay hindi pweding hindi ako mapatulala at mag-init ang pakiramdam.


Ganito ba talaga kapag in-love?


Kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag ng tuluyan na silang mawala. 


Now I'm alone again. Nanatili lang akong nakatayo sa aking pwesto ng biglang lumapit sakin si Mr. Damon, nag-usap lang kami sandali at umalis din siya kalaunan.


Napagdesisyunan kong umakyat na lang muna sandali para kuhanin ang regalo ko para kay Mr.Damon na dapat ay kanina ko pa ibinigay, nawala kasi kanina sa isip kong dalhin iyon nang bumaba ako.


I was taken aback when I saw Suga standing outside my room. 


Anong ginagawa niya dito? Ang alam ko kasi ay nakita ko lang siya kanina na may kausap sa ibaba.


"Anong ginagawa mo dito?" nalilito kong tanong pagkalapit ko.


"Father is looking for you, I saw you heading here so I waited." sagot niya. "Come on, come with me." Hahawakan na sana niya ang aking kamay ng umatras ako at tinitigan siya ng mabuti.


"Kausap ko lang kanina ang Ama mo bago ako umakyat dito." sabi ko habang nanlalaki bigla ang aking mga mata. "Ikaw...hindi ikaw si Suga!" sabi ko at nagpatuloy sa pag-atras.


"Smart girl." he smirked and he suddenly changed forms.


Tama nga ang hinala namin, gagawa at gagawa ng paraan si Lucian para manggulo sa party. Lucian is bound to gatecrash this party in his own cowardly way.


Tatakbo na sana ako ng biglang may humablot sakin at tinakpan ang aking bibig gamit ang kamay nito. "It has been a while, dear stepdaughter." Dapat alam kong kasama siya ni Lucian.


Nagpupumiglas ako sa kaniyang hawak, pero tinatawan lang niya ako. "Siguro nga ay matalino ka pero isa ka paring mahinang klase ng nilalang." nakangising sabi ni Lucian. "Take her and let's leave." utos niya.


Bago pa ako makawala sa hawak sakin ng stepmother ko ay nakaramdam na ako ng isang malakas na suntok sa aking sikmura. Muntik pa akong mapasubsob sa sahig dahil sa sobrang sakit at panghihina kung hindi lang ako nito nahawakan sa braso.


Agad ring sumulpot ang isang malaking lalaki sa aking harapan at walang hirap ako nitong binuhat gamit lang ng isa niyang braso.


"You're coming with us for a while." bulong sa akin ng stepmother ko bago siya lumapit kay Lucian. I was half-conscious because of the pain I'm feeling.


"This is too easy." rinig ko ang tawa ni Lucian bago nagdilim ang aking paningin at nawalan ng malay.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon