Drunken Mistake

200 15 12
                                    

Fifty one: My Vampire Lover 💐

Drunken mistake




GUSTONG-GUSTO kong tumakbo at magtago na lang kung saan hindi nila ako makikita dahil sa kahihiyang nagawa ko.


Bakit ko ba kasi nagawa 'yon?


Tandang-tanda ko ang lahat, bawat detalya ng pinag-gagawa ko, lahat as in LAHAT.


Ang weird lang kasi aware ko sa lahat ng nangyari samin kagabi. 'Yung tipong nalasing ka lang pero temporary lang 'yong pagkalimot, 'yong pag-gising mo may hang-over ka, pero naalala mo lahat ng kabalastugang ginawa mo? Basta 'yon!


Hindi rin nagbago ang anyo ko.


Kung ito ang tinutukoy ni Lucian na side effects, then nothing is making any sense to me right now.


"Hey Eli, okay ka lang? Bakit namumula ka?" Napaigtad ako sa biglang pag sumulpot ni Jin sa likuran ko.


Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga plato at silverware sa lamesa. Kanina pa ba siya dito? Hindi ko man lang siya namalayan kung hinda pa siya nagsalita.


"Talaga? O–okay lang naman ako." I gave an awkward laugh as I helped him. Todo iwas pa ako na huwag magtama ang mga mata namin.


I'm pretty sure na magtatanong si J-hope at ang iba pa tungkol sa nangyari samin ni Jungkook, kaya mas mabuting mag-isip na ako nang isasagot. I might as well prepare myself for the worst.


Sana lang ay huwag na nilang halungkatin pa kung anong narinig nila samin ni Jungkook kanina. I have suffered too much embarrassment already...palagi na lang kasi nila kaming nahuhuli tuwing ginagawa namin 'yon ni Jungkook.


Mas bilang pa ata nila kaysa sa akin kung ilang beses nang may nangyari samin ni Jungkook .


At syempre, lahat ng 'yon ay ako ang may kasalanan, dahil sa sobrang kadaldalan at ka ingayan ko kaya ang ending rinig na rinig nila kami.


The others arrived at the dinning hall not long after to have breakfast. 


Nakaupo ako sa tabi ni Jimin kaya mas lalong ang awkward ng pakiramdam since siya ang nakarinig sa lahat ng pinag-usupan namin ni Jungkook kanina.


I also tried my best to avoid having eye contact with Jungkook for a while. Mas nahihiya ako sa kaniya. Ilang beses ko siyang nahuling sumusulyap sakin, malamang ay nahihiya siya dahil sa pinag-gagawa ng mga other forms namin kagabi.


Oh my gosh, nagawa ko ba talaga 'yun?! Pero...bakit?! And how would I even be able to say such...such provocative things?! Argh!!


Pagkatapos kumain ay nag-presinta akong maghuhugas ng mga pinagkainan para kahit paano ay hindi ko maalala ang kahihiyang ginawa ko.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon