Gigi II

204 15 5
                                    

Twenty Five : My Vampire Lover 💐

Gigi II



DALAWANG TAON.


Dalawang taon na ang lumipas nang mangyari ito, hindi ganoon katagal pero bakit sobrang iba sila kumpara ngayon?


Ang mga mata nila, sobrang lamig at tila walang mga emotions. Wala kang mababakas na pagmamahal o pagpapahalaga sa mga ito.


Natatandaan ko nung unang salta ko rito, they treated me coldly, pero sa una lamang iyon. Nagbago rin sila ng makasama at makilala ko na sila ng lubusan. Pero ito? Itong nakikita ko ngayon, sobrang iba.


Kahit gaano man sila ka cold sakin noong unang pagkikita namin. Hindi naman nila ako binastos ng ganito.


Nakaramdam ako ng pagkailang at takot ng mapansin kong lahat sila ay nakatingin sakin.


"Feeling uncomfortable?" Sabi ni Namjoon na nakangiti ng nakakaloko.


"B–bakit ako nandito?" Kinakabahang tanong ko. Posibli kayang si Gigi at ako ay iisa? Pinadala rin ba siya dito para ipambayad utang?


Rinig kong lahat sila ay tumawa ng nakakaloko maliban kay Jungkook.


"You went here at your own will. Why are you even asking us that question?" Tumingin ako sa gawi ni Jimin, di ako makapaniwala sa klase ng isinagot niya sa tanong ko.


Ano daw? My own will?


Bakit naman pupunta rito ang isang tao kung alam niyang magiging delekado ang buhay niya? Unless kung...


"Seems like she's forgetful." nakangising sabi ni Jin. "This is your new job. All you have to do is live with us. Sounds easy right?" aniya habang lumalapit sakin.


"Pero syempre, you can't just live here without doing anything for us." dagdag pa niya. Napaigtad ako ng bigla siyang sumulpot sa likod ko habang ang kaniyang labi ay nakadikit sa aking kaliwang tenga.


"A–anong ibig mong sabihin?" tanong ko ng makalayo ako ng kaunti sa kaniya. Hindi ako sanay na makita silang ganito. Hindi ito tama. Hindi ito totoo!


"You earn money by pleasing your customers. Don't act clueless unless you want to test my patient." pabalang na sabi ni Suga.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon