Label

131 14 6
                                    

Sixty five: My Vampire Lover 💐


Label



I FOUND MYSELF speechless when Jungkook's vampire form suddenly acted out of character, parang hindi sya 'to.


Nauna siyang tumayo tsaka niya ako hinila paupo. Tulalang nakatingin lang ako sa kaniya, napansin ko ring iniiwas nito ang mga mata sa akin.


Nasa vampire form pa rin niya ito kaya hindi ako makauma ng maayos, nalilito pa rin ako sa kaniyang ikinikilos pero kahit paano ay napanatag na ako.


Hindi ako makapaniwala na nagawa kong sabihin lahat ng 'yon sa kaniya. Ngayon ay malinaw na sa akin kung anong ginawa ko at kung anong gagawin ko kung sakaling bumalik na siya sa normal niyang anyo.


"Are you alright?" tanong nya sakin.


"Are you going to answer or not?" napipikon nitong sabi nang wala syang makuhang sagot sa akin.


Hindi ko alam kung makakabuti ba o hindi ang ipinapakita niyang ito, hanggang ngayon kasi ay nalilito pa rin ako sa ipinapakita niyang pag-aalala sa akin.


Gustohin ko mang magsalita ay tila pati sarili kong boses ay tinakasan ako kaya't tumitig na lang ako sa kaniya.


I'm wondering if Jungkook can already control both forms of is this just like what happened in the clinic? Baka pinapakita lang niyang concern siya ngayon tapos mamaya ay paglalaruan na naman niya ako.


Napaungol ito at tila naiinis na dahil ang sama na ng tingin niya sakin. "You're such a crybaby." pinunasan nito ang natitirang luha sa aking pisngi gamit ang kaniyang daliri. "But... I am a jerk in the first place." bumuntong hininga ito.


Naguguluhan pa rin akong nakatitig sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko.


"Since when have I gotten this soft?" singhal pa nito sa sarili.


Para bang gusto niya akong patahanin sa pag-iyak pero halatang nilalabanan nya ang sarili na huwag iyon gawin. He's irritated with himself for acting concerned in the first place.


"B–bakit mo ito ginagawa? Bakit ka umaakto na parang may pakialam ka sa nararamdaman ko?" finally ay nakuha kong makapag salita.


"Those words that you said earlier..." anito. "They affected me in some sort of way."


Tinitigan ko siya sa mata. Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. "Tama ang narinig mo, totoo ang lahat ng sinabi ko kanina." amin ko. "Call me stupid but I do love you."


"I know and you're so stupid for that." parang tumigil ang pag tibok ng puso ko nang makita ko siyang ngumiti, ang vampire form na si Jungkook ay ngumingiti? "I'm sorry." he sighed.


"Hindi mo kaylangang hu—" napatigil ako nang bigla niya akong halikan.


Nung una ay inakala kong nawalan na naman ito ng kontrol sa sarili, pero sa lahat ng ginawang panghahalik ng other form ni Jungkook sakin ay masasabi kong iba ang isang ito.


Para bang ganito rin ang halik nya sakin noon sa clinic. Nung nakita niya akong nasasaktan at umiiyak. It was just one gentle kiss. Ramdam ko ang pag-iingat niya. When he pulled away, our eyes met and I saw that he's back to his normal form.


He looked confused then his eyes widened in surprise.


Tahimik kami pareho at walang gustong magsalita nang mapansin ko ang pag-iiba ng expression ng mukha ni Jungkook. Marahil ay sa mga oras na ito ay alam na niya kung anong nangyari sa aming dalawa ng other form nya.


My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon