Distraction

167 15 1
                                    

Fifty eight: My Vampire Lover 💐



Distraction



RAMDAM KO kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko na para bang gusto nitong kumawala sa aking dibdib.

Bakit ginagawa ito ni Jungkook? Nakatayo siya sa likuran ko at naka sandig ang kaniyang baba sa aking balikat habang yakap-yakap ako sa aking bewang. He said he's sorry.

Para bang tumigil ang paghinog ng mundo kasabay nito ang pagtigil din ng utak ko na makapag-isip sa kung ano bang dapat gawin. Ano bang dapat kong i-react sa ganitong sitwasyon?

Nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap niya sakin, agad kong hinawakan ang kamay nito. I don't want him to let go. Ayoko pa, basta ayoko...

"Gustuhin ko mang magalit ay hindi ko kaya. Alam mong kahit anong gawin mo ay hindi ko kayang magalit sa'yo, JK."

I felt him relaxing after I said that. Namalayan ko na lang na naka-ngiti na pala ako. Alam kong mali ito at sinabihan na kami ng lahat tungkol sa closed contact namin sa isa't isa, but I can't help but feel comfortable with Jungkook.

Lumipas ang ilang sandali at walang nagsasalita samin dalawa, wala ring nagtangkang humiwalay sa aming dalawa. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ito ginagawa. Sa isang sorry lang niya, lahat ng galit at sakit ay nawala. I think that's my disadvantage, hindi ko kayang magalit kay Jungkook. Kahit ano pa atang gawin at sabihin niya ay patatawarin ko pa rin siya.

"Baka gising na ang mga kapatid mo at makita tayo." sabi ko na pinagsisisihan ko namang agad. I just wanted to stay like this longer. Gusto ko pang maramdaman ang mainit niyang yakap.

Agad na humiwalay sakin si Jungkook pero ramdam ko ang pagdadalawang isip nito. "Puwedi bang tumingin ka sakin?" his voice was soft. "Kahit saglit lang." dagdag niya.

Napalunok ako habang dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. "It's okay, we'll be fine." paniniguro ko sa kaniya.

"I still need to tell you something." mukha siyang may mabigat na iniisip. Sumandal ako sa may counter habang naghihintay sa kaniyang sasabihin.

"About yesterday... I said things that I shouldn't have." anito tsaka siya umiwas ng tingin. "I just want you to know that whatever I said... I didn't mean them and I'll never say those things."

Iniangat ko ang paningin sa kaniya. Mukhang may gusto pa itong idagdag, pero hindi malaman kung itutuloy ba o hindi.

"So, alam mo na din ang lahat?"

He pressed his lips into a thin line as he once again avoided eyes contact. "Yes..."

Ibig sabihin ay alam niyang may gusto ako sa kaniya? Kaya siguro hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ko.

"Puwedi mo namang kalimutan na lang 'yon kung hindi ka komportable." sabi ko.

"It doesn't." agap nito na ikinabigla ko.

Our eyes met and I could feel my heart racing again. Jungkook placed one hand on the counter and he leaned down. He was slowly closing his eyes and I did the same. I don't want to doubt him anymore.

Ramdam kong malapit na ang mukha nito sakin. Kinakabahan ako na ewan, I've never been this close to him before, at least to his normal form.

"What's for breakfast?"

Mabilis pa sa alas kuwatro ang naging kilos namin ni Jungkook nang biglang pumasok sa kusina si Namjoon.

"Uhh... pancakes." sabi ko, habang pasimpleng humahakbang palayo si Jungkook.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon