Heart Ache

295 21 19
                                    

Fifth teen : My Vampire Lover 💐

Heart Ache



Promises were really made to be broken huh?


TAEHYUNG promised that he won't let Jungkook hurt me anymore and Jungkook made me promise that I wouldn't cry again. Both promises were broken tonight, pero wala akong masisisi sa bagay na iyon.


Habang tumagal ang pananatili ko rito sa bahay nila, mas lalong nagiging komplikado and lahat. Nadagdagan ang takot ko na mawala ang isa sa kanila.


Hindi ko magawang makapag-salita habang yakap-yakap ako ni Taehyung. It was so damn hearth breaking. Hinintay kong siya ang unang kumalas sa aming dalawa. He has fully calmed down but I could still see some tears left in his eyelashes.


Pinunasan ko ang natitirang luha sa aking mga mata bago tumayo ng dahan-dahan, nanghihina pa rin ako dahil sa maraming dugong nawala sakin.


"You should sleep, Eli." Namjoon said as he helped me.


"No, you're all injured...kaylangan ko kayong gamutin." sabi ko.


"Eli, huwag matigas ang ulo, magpahinga ka na." I gave him a determined look.


Kung meron mang isang bagay akong natatangi, 'yon ang pagiging matigas kong ulo.


Sa bandang huli ay pumayag rin sila na gamutin ko ang kanilang mga sugat. I've been nothing but a burden to them and this is the only way I could get back.


Kinuha ko ang medicine kit sa drawer ko at inilabas roon ang mga bandages na kakaylanganin ko.


Hindi naman ganoon kalala ang mga sugat nila, hindi tulad ng kay Taehyung, halos mumunting sugat at galos lang ang mga iyon.


Napansin ko rin kahit paano ay naging maayos na ang kondisyon ni Taehyung.


"You know this isn't a big deal, it's just a little sprain." reklamo ni Suga habang patuloy kong binabalutan ng bandage ang kaniyang paa. "If there's someone who need to recover, it would be you. Two vampires just fed off of you." dagdag pa niya.


Napahawak ako sa aking sentido ng makaramdam ako ng pagkahilo pero tiniis at hindi ko na lang iyon pinansin.


"Just let me, ikaw na lang naman ang huli. Pangako pagkatapos nito ay magpapahinga ako." sabi ko habang tinatapos ang paglagay ng bandage sa paa niya.


Nagtagal kami ng konti dahil pinilit ko pa siyang mag pagamot sakin, ayaw kasi niya kanina. Bumigay lang siya ng makita niyang wala akong planong sumuko.


They watched silently as I finished up. Once I was done, Suga immediately helped me get up and he assisted me towards my bed.


Kahit paano ay pinapakita na ni Suga ung soft side niya sakin.


Silence fell afterwards, no one was talking, nor does anyone try to make a move.


Nakaupo lang ako sa aking kama habang naka sandal sa headboard at nag-iisip ng mga bagay-bagay.


Nag-aalala ako na baka bigla na namang bumalik dito si Lucian, siguradong malaking gulo na naman iyon kung sakali.


Paano namin ipapaliwanag kay Jungkook ang lahat ng nangyari? How will they treat me after this? And most of all, what about Taehyung? Magiging okey lang kaya siya? Just thinking of him makes my heart ache.


My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon