The Siblings

505 30 4
                                    

Two : My Possessive Vampire 💐


The Siblings




I WONDER why he looks so surprised upon seeing me. "Hi, ikaw si Ju—" tinaas nito ang isang kamay, senyales na tumigil ako.


"I am Jungkook, but please, wag mong babangitin ang pangalan ko." sabi niya na tila nagbabanta ang tinig.


Hindi ko na lang iyon pinansin at naglahad ako ng kamay para sana makipag hand shake since hindi kami ganoon ka formal na nagkakilala kanina.


Pero hindi siya gumalaw, tinignan lang niya ako gamit ang blangkong mukha.


"You're not allowed here." Cold niyang sabi. "This place is for me only. Maari ka nang umalis." blangko pa rin ang mukha niya.


"Bakit? Hindi ba pumupunta rito ang mga kapatid mo?" tanong ko.


Hindi naman kasi siya ganito ka cold kanina, pero imbes na matakot ay bakit mas nalulungkot ako para sa kaniya? Nakikita ko kasi sa mga mata niya ang lungkot...


He shook his head in response. "I tend to isolate myself from them. Wala naman akong problema kahit na sino sa kanila, mabubuti silang mga kapatid... pero ito ang nararapat kong gawin dahil ako ang pinakabata sa amin."


Bakit ganoon? Don't the youngest always get pampered? Diba dapat siya ang mas bigyan ng attention at pagmamahal dahil siya ang bunso?


"Not in my family." tumingin ako sa kaniya na nagtataka. Ako lang ba o sadyang nababasa niya ang laman ng isip ko? "Please, kaylangan mo nang umalis." dagdag niya.


"Why are you isolating yourself? Parte ka nang pamilya nila diba? Ganito ka ba kalungkot noon pa man?" Kunot noo kong tanong.


"Hindi ko alam. I've been like this ever since. I'm just not allowd to make any kind of contact form or any kind of relationship with others." Tututol pa sana ako sa sinabi niya nang bigla ulit siyang naging cold. "I'm already violating the rules as I'm talking to you, leave. Knowing each other's name is more than enough."


Pagkasabi niya noon ay pumasok na siya sa kaniyang kwarto. I sighed in disbelief.


Hindi ko talaga maintindihan. Wala namang sense iyong sinasabi niya. Ni hindi nga niya alam sa sarili niya kung bakit kaylangan niyang lumayo sa mga tao lalung-lalo na sa mismong mga kapatid niya.


Naglakad na lang ulit ako pabalik sa aking kwarto na gulong-gulo parin ang isip. Pagpasok sa kwarto ay  nadatnan ko si Taehyung na nakaupo sa dulo ng aking kama.


"Hindi ba sinabihan ka na namin na wag mong kakausapin si Jungkook?" Seryosong sabi niya.


Paano niya nalaman?


"Naglakad-lakad kasi ako kanina sa hallway para libangin ang sarili, naiinip kasi ako. Tsaka, hindi ko alam na nakarating na pala ako malapit sa kuwarto niya, kinausap ko lang naman siya para sana formal na magpakilala since hindi kami ganoon nagkausap kanina." paliwanag ko. "And he told me some confusing things." I slowly added.


Taehyung chucked bago ito tumayo. "Weird or not it is still our rule." lumapit siya sa sakin at tinitigan ako sa mata. "It shouldn't be broken so stay away from Jungkook. Sana naman ay naiintindihan mo." after that, he left.


Hindi ko maintindihan. Lahat ng sinasabi nila sakin ay wala akong maintindihan.


Mula sa dahilan ng aking stepmother na tumira rito kasama ang mga taong hindi ko kakilala, hanggang sa mga dahilan nila na kaylangan kong iwasan ang nakababata nilang kapatid ay wala akong maintindihan.


My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon