You owe me

164 14 14
                                    

Fifty two: My Vampire Lover 💐

You owe me




MUKHANG AYOS NAMAN SI Namjoon, he just looks really surprised. "Okay ka lang ba?" aniya. Mas iniisip pa niya ang kalagayan ko kahit siya naman itong nasaktan ko.


Everyone went to check on Namjoon and me.


"Siguro mas makakabuti kung lalayo na muna ako sa inyong lahat." nahihiyang sabi ko.


"I don't think that's a good idea." sabi ni Jin.


"Pero ayokong may masaktan pa sa inyo." lumingon ako kay Namjoon. "I'm really sorry. Sorry talaga, hindi ko sinasadya." Namjoon gestured for me to stop.


I felt so guilty.


Parang gusto kong umiyak. Am I going to to end up hurting them? Magiging katulad rin ba ako ng other form ni Jungkook? 


I swear to god, hindi ko 'yon sinasadya, hindi ko gusto ang nangyari. Hinding-hindi ko magagawa ang bagay na iyon sa kanila. Alam kong sinasabi lang ni Namjoon na ayos lang siya, but I'm sure he got hurt because of that.


"Aalis muna ako sandali." sabi ko tsaka dire-diretsong lumabas ng kwarto.


Mabilis akong tumakbo patungong garden para pakalmahin ang sarili. I thought I could relax since nothing bad happened for the past three days, pero mali ako. Now things are getting worse.


"You shouldn't be left alone, you know?" Lumingon ako at nakita ko si Jungkook na naglalakad palapit sakin.


"Huwag kang masyadong lumapit sakin." sabi ko. "Hindi mo na dapat ako sinundan pa dito." nag-aalala kasi ako na baka siya naman ang masaktan ko.


"Eli, I'm the one that can relate to you the most right now." aniya. "Alam ko ang pakiramdam nang may nasaktan kang tao na hindi mo naman sinasadya. I know that guilt."


Tila gusto ko lalong maiyak.


"Hindi ka ba natatakot sa maaari kong gawin sayo? The blood running through my veins is your uncle's, siya ang dahilan kung bakit nangyayari ito ngayon, siyang may gawa ng sumpang ito sa atin. Ang sakit isipin na ang dugong dumadaloy sa katawan ko ay dugo pa ng taong lubos kong kinamumuhihan." garalgal ang boses ko.


"To hell with that." kunot noo akong tumingin sa kaniya. "I already made it clear that I won't give up on you right? Tutulungan kita kahit ano pang mangyari, Eli."


Umiwas ako ng tingin at kusang sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa kaniyang sinabi.


I'm still not used to him speaking to me this way, whenever he'd say something sweet...parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib sa sobrang lakas ng tibok nito.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon