Telepathy

141 11 1
                                    

Forty seven: My Vampire Lover 💐

Telepathy




HANGGANG NGAYON ay di pa rin ako makapaniwala.


Nakatingin lang ako sa magka-hawak naming kamay. Walang ano mang senyales na nagpapakitang mag-iiba ng anyo si Jungkook at ganoon din ako. Wala akong ibang maramdaman, basta ang alam ko lang ay masaya ako.


"So...ganito pala ang pakiramdam na mahawakan ang kamay ng isang babae." sabi ni Jungkook, tinaas pa niya ang kamay naming dalawa at pinaka titigan itong mabuti. 


He's looking at them as if he's amazed.


"Sandali...ang ibig mo bang sabihin ay ako pa lang ang babaeng nahawakan mo sa kamay?" di makapaniwala kong tanong.


"Mother is an exception." he chuckles. "I'm not allowed to interact with others right? Hindi rin ako ganon ka close sa mga pinsan ko or kahit sinong kamag-anak ko at kahit pa ka close ko sila, bakit ko naman hahawakan ang mga kamay nila?" balik niyang tanong.


Namula ako bigla. Bakit ba napaka straight forward ng taong 'to? Hindi ko na nga alam pano itago ang kilig ko para lang hindi niya mapansin. 'Tas ganyan pa siya tumitig...


"Uhm...kung hindi ako nagkakamali, 'yong vampire form mo ay dalawang beses na akong nahawakan sa kamay." kibit balikat ko. "But anyways, don't you feel uneasy?" pag-iiba ko ng usapan.


Pinagsiklop niya ang aming mga daliri. "Actually I don't. It's actually...comforting." sabi niya at muling tumingin sa kalagitan.


Tumingin ako sa kaniya. If I not mistaken, I could see a small smile at the corner of his lips. Automatiko rin akong ngumiti dahil sa magandang tanawin na aking nakikita. Yumuko ako para itago ang saya saking mga labi.


Being able to do simple things like this...it's enough to make my heart flutter. Ganito pala ang pakiramdam ng kinikilig. Who knows how long I've been wanting to do this?


Jungkook's hand is warm and soft. 


Ang sarap hawakan ng mga ito. Parang ayoko na siyang bitawan pa. Kung maaari lang hilingin ay hihilingin kong 'wag na sana itong matapos pa. Lahat ng nangyayaring ito samin ngayon, para sakin ay sobrang perpekto. Ito ang matagal ko nang hinihintay na mangyari.


We were both just enjoying the silence at the moment. 


Okay lang sakin kahit walang nagsasalita saming dalawa, ang makasama at mahawakan ko lang ng ganito si Jungkook ay sapat na. Wala na ata akong mahihiling pa...


"Hmn...tingin mo ba ay maaari na nating gawin ito ng madalas?" hindi ko mapigilang itanong.


He turned his head towards me in confusion. 


My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon