Frustrated

187 11 2
                                    

Thirty Seven: My Vampire Lover 💐

Frustrated




GINULO KO ANG AKING BUHOK dahil sa sobrang pagkabigo, for the nth time, I washed all of the soap off of my body.


Nang-matapos ay agad kong tinuyo ang sarili gamit ang towel. Sumilip muna ako sa loob ng kwarto para masigurong walang ibang taong nandoon. Mabilis akong lumabas at kumuha ng damit nang wala akong nakitang tao. Agad din akong bumalik sa loob ng banyo at doon nagbihis.


After changing into my regular clothes, I went back to my room and I sat on my bed for a while. Nakatitig lang ako sa pintuhan ng aking kwarto.


Iniisip ko kasi kung paano ko ba sasabihin kay Jungkook ang nangyari, pero kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay wala akong makuhang lakas at kapal ng mukha para sabihin sa kaniya ang ginawa namin.


I'm bound to get embarrassed and everything will so damn awkward for us.


Pinapanalangin ko na lang talaga sana'y matandaan niya kung anong ginawa namin. Mas mabuti nang ganoon kesa magpaliwanag ako sa kanya!


Hindi naman sa ayaw kong ikwento kung anong ginawa namin sa banyo. 


Ang akin lang ay mas mapapadali sana kung nababasa niya pa rin ang nilalaman ng isipan ko, but that's not happening. At dahil iyon kay Lucian! Ang mantandang iyon! Kasalanan niya ang lahat ng ito!


Tuwing naiisip at naaalala ko kung ano ang ginawa namin kanina ay parang mas lalo yata akong nahihilo, idagdag pa ang sakit ng katawan at pangingirot ng ibabang parte ng katawan ko ay hindi talaga ako maka-isip ng mabuti at hindi iyon nakakatulong!


Nag-iinit ang mukha ko tuwing naaalala ko ang ginawa namin ni Jungkook.


Now I feel like a pervert! 


Nagiging mahalay na pati utak ko! Jungkook's the clueless one here and I was aware of the whole damn thing. Ano na lang ang iisipin niya sakin after nito?! Parang ang manyak ng dating ko. Kainis!


Muntik na akong mahulog sa kama nang biglang may kumatok sa pinto. "Eli, is it okay to come in now?"


Gusto kong sumigaw at sabihing hindi pwedi, but I do owe Jungkook an explanation...kahit gaano pa iyon nakakahiya sa parte ko. Shit na namalagkit!


"S—sige, pasok ka." sagot ko.


Bumukas ang pinto at agad siyang pumasok.


"Huwag mo na lang isara..." habol ko.


Nakita ko siyang nagtataka dahil sa sinabi ko pero agad naman niyang sinunod ang utos ko at lumayo sa pinto. Ayokong isara niya iyon just in case na mag-iba na naman siya ng anyo ay mabilis akong makakatakbo palabas.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon