Don't be afraid

130 18 4
                                    

Sixty three: My Vampire Lover 💐



Don't be afraid



HAHAKBANG NA sana ako palapit dito nang pigilan ko ang aking sarili. "Jimin" tawag ko. "Itulak mo'ko palayo." sabi ko.


Siguradong kulay pula na ang mga mata ko ngayon. Nagdadalawang isip na tumingin sakin si Jimin while Jin just worriedly looked at me.


"Umalis ka na Jin." sabi ko. Sobrang sakit na rin ng ulo ko, nahihirapan na din akong kontrolin ang sarili ko.


"Don't hold yourself back Eli. You're a vampire now, do whatever you please." rinig kong sabi ng other form ko.


At sa isang iglap ay nasa harapan na ako ni Jin, malakas ko siyang itinulak pasandal sa may counter.


"Eli, huwag!" Hinila ako palayo ni Jimin.


"Let go!" sigaw ko at pilit na kumakawala sa kaniya.


Mahigpit ako nitong hinawakan at hinila ako papuntang living room kung saan naroon ang ibang magkakapatid.


"Tulungan nyo ko. Nawalan siya ng kontrol sa sarili niya pagkatapos masugatan at makita ang dugo ni Jin." natatarantang sabi ni Jimin.


Agad na pinuntahan nina Taehyung at J-hope si Jin sa kusina, sakto naman ang siyang pagdating  ni Suga. Habang ang iba naman ay pilit nila akong pinapakalma.


"Eli, it's just blood. Control yourself." sabi ni Namjoon.


My mind is in complete turmoil. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ito, nang dahil lang sa amoy ng dugo para na akong mababaliw. Napansin ko ang dugo ni Jin sa isa kong kamay. As if by instinct I licked the blood off.


"Get out of my way!" malakas ko silang itinulak. "I want his blood..."


Bago pa ako makalapit kay Jin, hinarangan na ako ni Jungkook. "Eli, you don't like hurting other people." sabi nito.


"Don't get in my way Jungkook." matapang kong sabi. Pero imbes na umalis ay mas lalo ako nitong hinarangan at mabilis na hinawakan sa aking magkabilang balikat.


"Baka kung anong magawa mo kay Jin. You'll hurt him. Alam kong hindi mo iyon gugustuhin na mangyari." sabi pa niya.


Malakas kong tinabig ang mga kamay niya sa balikat ko, akma pa lang akong tatakbo palapit kay Jin nang muli na naman itong humarang sa harapan ko. Muli niya akong hinawakan at isinandal sa may pader.


"Take Jin out of here." sabi nito sa mga kapatid.


Mabilis nilang iginaya pa akyat si Jin, ang iba naman ay nanatiling nakatayo sa may hagdan, nagbabantay.


"Eli listen to me, take a deep breath and think about what we talked about earlier." sabi nito. "You'll get through this, kaya mo yan Eli."


Suddenly everything went black at ng buksan ko ang aking mga mata ay si Jungkook agad ang aking nakita, namimilit ito sa sakit habang naka handusay sa sahig. Nagdudugo din ang labi nito.


Tinulungan siyang itayo nina Namjoon at Suga, he wiped the blood off his lips.


"Oh, hinde!" nanlalaki ang mga mata ko habang humahakbang paatras.


"Eli, it's okay. You're fine now." nakangiti parin ito sakin kahit na sinaktan ko siya.


I suddenly realized what I did earlier. I kissed him violently before pushing him off.


"I'm... I'm..." my vision suddenly got blurry again and I felt my feet were moving on their own.


"Eli! Where are you going?!" Pigil sakin ni Suga.


"Huwag niyo akong susundan kung ayaw niyong masaktan ko kayo!" banta ko sa kanila bago tuluyang umalis ng mansion.


Ilang sandali lang ay namalayan ko na lang na nasa gitna ako ng isang kagubatan. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at palinga-linga sa paligid, nagbabaka sakaling mahanap ko ang mansion, inabutan na ako ng dilim pero walang mansion akong nakita.


I suddenly began hearing voices in my head. Iba iba ang mga sinasabi doon, pero lahat ng boses ay galing lang sa iisang tao, kay Lucian.


Nakikita ko sa harapan ko si Lucian, hindi ito ganoon kalinaw pero sapat na para makita at makilala ko siya, tila ako nito inahanyayahang sumama sa kaniya.


Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at ilang beses kong ipinilig ang ulo para mawala ang imahe niyang 'yon.


"Aaaaahhh!" Sigaw ko nang unti-unting lumalabo ang lahat.


"You did a good job Eli."


"Huh? Ano?" I squinted my eyes to get my vision into focus.


"You attempted to hurt Jin, hurt Jungkook and now this." naka ngising sabi ni Lucian. "Good job."


Nanlaki ang mga mata ko nang marealized kung anong ibig niyang sabihin. I saw blood on my hands and clothes. Amanda and Lucian were looking at me with satisfied smirks.


No... hindi ito totoo...


"H–hindi ito maaari..." dahan-dahan akong tumingin sa paanan ko at ganon na lang ang takot ko nang makita ang katawan ng isang tao.


Nanginginig ako sa sobrang takot at walang tigil akong nagsusumigaw. Nakapatay ako ng isang inosenteng tao...


"This is not the worst that could happen Eli." sabi ni Amanda.


"This man has a wife and he's a father of three kids. Anong pakiramdam Eli?" sabi ni Lucian habang inaabot sa akin ang isang wallet.


Nanginginig ang kamay na binuksan ko ito, may litrato doon ng isang masayang pamilya. Kusang tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa larawan, my breathing became ragged. I just killed an innocent person.


Nagsimula ulit akong tumakbo at walang tigil ako sa pag-iyak. Anong ginawa ko?!


I kept running and running. Now I could hear the man begging for his life as I was mercilessly choking and beating him.


I ran faster and I was more than relieved to see the mansion in sight. Nakita ko sina Taehyung, Namjoon, Suga at Jungkook na naghihintay sa may veranda.


Nabigla sila nang makita ako at sabay-sabay na tumayo, pero natigilan sila nang makita ang istura ko, puno ng dugo ang buo kong katawan.


"Leave us for a while." rinig kong sabi ni Jungkook.


Nang kami na lang dalawa ay tsaka lamang ako muling umiyak, I cry even more. He tightened his hug on me and I buried my face in his chest.


"Shh... you didn't do it on purpose Eli. Tahan na." malumay nitong sabi.


Hindi ko magawang magsalita dahil sa walang tigil ako sa pag-iyak. Natatakot ako, I feel horrible, I feel guilty... it's like my whole system is filled with negativity.


Hinawakan ako nito sa mukha at iniangat iyon, he stared into my eyes. He ran his fingers across my my hair as he gently rested his forehead against me. His small gestures like these were able to calm me down.


"I'm here for you, don't be afraid anymore. Hindi kita iiwan, Eli."



*****

Sorry guys for keeping you waiting. Been busy lately. 🥺

Anywayssss, enjoy reading and please, don't forget to like and leave some comments down below!

Keep safe everyone! Borahae 💜

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon