Empty Sorry

43 2 0
                                    

Eighty Two: My Vampire Lover 💐

Eli's POV*


ISANG HINDI familiar na kisame ang unang bumungad sakin pag-gising ko.

Lahat ng nasa paligid ay hindi familiar...Ang kwarto, ang kama, ang pader at kahit ang tanawin sa labas ng bintana ay hindi familiar.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko maigalaw ang katawan ko, namamanhid ito. Pati ang patingin ko ay hindi pa ganoon kalinaw. Muli akong gumalaw, pero tulad kanina ay wala man lang nangyari. I'm just helpless.

"I was waiting for you to wake up."

Marahan kong ginalaw ang aking ulo para makita ang isang pigura ng tao na nakaupo sa dulo ng kwarto. Malabo man ang panigin ko ay alam ko kung kaninong boses iyon.

Tumayo ito mulas sa kinauupuhan at lumapit sakin. Unti unti ng bumabalik sa linaw ang paningin ko na pinapanalangin ko na hindi na lang sana nangyari...I wish it never did because I hated seeing how cold his stare is right now.

"Bakit?" Hanggang ngayon iyon pa rin ang gusto kong itanong sa kanitya. Bakit niya ginagawa ito?

Ngayon ay unti-unti ng nag sisink-in sa isipan ko ang lahat.

Naalala ko na rin kung ano ang nangyari kanina bago ako napunta sa lugar na ito. Lucian arrived and they were all about to fight but Taehyung suddenly pushed me and injected that damn potion!

"Bakit?" Ibinalik niya sa akin ang tanong.

Ginamit kong pantukod ang kamay ko para maka upo, gusto kong makita ng malinaw ang mga mata niya. Gusto kong malaman kung bakit nagawa niya ito.

"This is just one cruel trick, tama? Hindi ikaw si Taehyung, hindi maaaring ikaw siya." matatag kong sabi.

Pero hindi man lang natinag ang pagkakatitig nito sa akin. His eyes remained dull and emotionless. Inabot nito ang mukha ko at banayad na hinaplos gamit ang isang palad.

"If only it was a trick." aniya habang patuloy sa ginagawa sa aking pisngi pababa sa aking leeg at balikat. "But you need to face reality Eli."

Hinablot ko ang kamay niya at diretsong tumingin sa kaniya. "Taehyung..." desperado kong sabi. "Taehyung." Ulit ko sa pangalan niya, baka sakali sa ganitong paraan ay gumising siya sa ginagawa.

Pakiramdam ko ay unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Gusto kong sumigaw at umiyak pero todo ang pagpipigil ko.

Ang Taehyung na nakatayo ngayon sa harapan ko ay ibang iba sa Taehyung na nakilala ko. Wala na iyong Taehyung na sobrang maalaga, 'yung sweet niyang boses tuwing magsasalita, wala na din iyong Taehyung na tuwing titignan ka ay makikita mong puno iyon ng pagmamahal.

"Patawarin mo ako Eli kung humantong tayo sa ganito." malumanay niyang sabi.

Sumimangot ako. "Huwag kang humingi ng tawad kung hindi naman iyon sincere." Bulong ko. Last thing I need right now would be an empty sorry.

Ako na ang umiwas ng tingin at dinala iyon sa mga palad ko.

There was this deafening silence surrounding the room. Umusog ako paatras ng kama para maisandal ang aking likuran sa headboard.

Saktong pagsandal ko ay iyong pagbukas naman ng pinto ng kuwarto at agad kong nakitang papasok doon si Lucian. Now this is suddenly familiar. Ganitong ganito din 'yung ginawa nila noon ni Amanda sa akin, and it was an awful memory.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon