Giving up

121 13 17
                                    

Sixty nine: My Vampire Lover 💐



Giving up




MASAKIT ANG aking ulo pag gising ko.


Napaungol ako sa sakit ng muli itong kumirot dahil sa aking biglang pagtayo. Mabibilis ang hakbang na nagtungo sa banyo at agad nagbabad sa ilalim ng shower gamit ang malamig na tubig.


Hindi na talaga ako iinom kahit kaylan!


Wala akong masyadong matandaan sa mga nangyari. Basta ang natatandaan ko lang ay 'nung kausap ko si Jiyong, tapos ay may sumundo sakin and then everything was all a blur.


Pagkabihis ko ay bumaba na ako, ang lahat ay nasa dining hall na. Mukhang kakatapos lang din nilang kumain.


"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Eli?" tanong ni J-hope.


Napadaing ako. "Huwag kang sumigaw." reklamo ko. Para kasing lalong sumasakit ang ulo ko, 'yong lakas ng boses niya ay ume-echo sa utak ko.


"Hindi naman ako sumisigaw, huh?" sabi nito. "Baka dahil yan sa hang-over?"


Tumango ako.


Akala ko noon ay sobrang OA lang ng mga taong nag kakahang-over, ngayon ay alam ko na ang pakiramdam, di pala biro. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang katahimikan.


Nakaramdam ako ng biglang pagpalo sa aking ulo. Paglingon ko ay nakita ko si Taehyung, hawak nito ang nilukot na dyaryo.


"Para saan naman 'yon?" daing ko.

"You had a drinking party with Jiyong without any of us. Bakit ka nagpakalasing? Halos di ka na makatayo at makalakad ng diretso kagabi." sermon nito sakin.


"Wala naman kaming ginawang masama. Nag-inuman lang talaga kami. Promise, hindi na ko uulit. This headache is horrible!"


Inagaw ni Jimin kay Taehyung ang hawak na dyaryo at pinalo iyon muli sa aking ulo.


"Aray! Para saan naman 'yon?" reklamo ko.


"Alam mo ba kung anong ginawa mo kahapon dahil sa kalasingan mo?" tanong nito sakin.


"Huh? Wala akong matandaan." simangot ko.


"Halika dito Eli, ginawan kita ng hot choco." ani Jin tsaka ako nito hinila papuntang dining table. "Hayaan nyo muna siyang makakain, mamaya niyo na siya pagalitan." Sabi nito sa mga kapatid. "Inumin mo 'tong gamot pagkatapos mong kumain, para 'yan sa sakit ng ulo." dagdag nya.


I smiled at him before sitting down and taking a sip of the hot choco. Buti pa siya concern sakin.


Habang umiinom ay naalala ko bigla si Jiyong. "Did I cause Jiyong any trouble?"


Kaso, mukhang mali ata ang pagtatanong na ginawa ko dahil sumimangot ang gwapo nilang mga mukha.


"Okay lang si Jiyong." Jin said. "Lasing din siya, but he wasn't as drunk as you were. The guy is pretty happy though." dagdag pa niya.


"Syempre, magiging masaya talaga 'yon. Si Eli ba naman ang kasama." ngisi ni Namjoon.


"Masyado nyo namang ginagawang big deal, malamang nag-inuman kami kaya nalasing ako, ano naman? It's not like I did something bad naman... diba?" I uneasy asked.


"Di masyado." Jungkook shrugged.


"Di masyado?" ulit ko. "Bakit hindi niyo kasi sabihin kung ano ngang ginawa ko?"


My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon