Changing form

168 22 4
                                    

Forty five: My Vampire Lover 💐


Changing form




IPINILIG KO ANG AKING ULO at kumurap ng ilang beses para mawala ang panlalabo ng aking mga mata at manumbalik uli ito sa dati.


Ano bang nangyayari?


Tumingin ako sa palagid at nakita ko ang mga mukha ng magkakapatid na nagtataka at tila nabigla.


Paano sila tumilapon ng ganon kalakas? Tanging si Jungkook lang ang nakakagawa ng 'yon diba?


"Eli...ikaw ba, ikaw ba 'yan?" Nalito ako sa tanong iyon ni Jimin. Anong bang ibig niyang sabihin?


Tinignan ko siya at nakita kong umatras siya palayo. Tumingin ulit ako sa palagid...bakit sila mukhang mga takot?


"Eli, kami 'to." lumunok si J-hope pagkasabi niyon.


"Alam ko." sagot ko at muli silang tumingin sakin na tila na surpresa. "Anong nangyari? Bakit kayo umaakto ng ganyan?" nalilito kong sabi. Ano ba kasing nangyari?


"I'm not the only one seeing this right? Please tell me I'm not the only one seeing Eli with red eyes." sabi ni Namjoon habang nakatitig sa aking mga mata.


Red eyes?


Mabilis akong tumayo at pumunta sa may gilid ng kwarto kung saan naroon ang salamin. Halos manlaki ang aking mga mata sa pagkabigla nang makita ko ang reflection sa salamin.


My eyes were indeed glowing in different shades of red. Parang katulad ng kay Jungkook tuwing nasa vampire form siya.


Halos manginig ang aking mga tuhod. 


Humakbang ako paatras habang patuloy na nakatingin sa salamin. Takot at pagkabigla ang sumilay sa damdamin ko. Hindi...bakit ganito? Bumagsak ako sa sahig dahil sa sobrang pangangatog ng mga tuhod ko.


Pati ang aking buong katawan ay nanginginig...kaya ba madalas sumasakit ang ulo ko ay dahil dito? Was the experiment that Lucian and Amanda were saying is turning me into a vampire?


"Please, sabihin niyo saking hindi ito totoo?!" sigaw ko.


Silang lahat ay nag-aalalang lumapit sakin. Kanina lang ay mukha silang mga takot. Ako marahil ang dahilan kung bakit sila tumilapon kanina...sinaktan ko silang lahat.


"Anong nararamdaman mo?" tanong ni Jin. Lumuhod siya sa harapan ko para magpantay kaming dalawa, sinusuri niya ang aking mukha.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon