Promises

344 23 18
                                    

Ten : My Vampire Lover 💐


Promises




WALANG nag-sasalita sa aming dalawa pagkatapos ng simpling pag-uusap namin kanina.

I haven't completely calmed down yet but I'm getting there. For some reason ay nakatulong ang presensiya ni Jungkook para kumalma ako kahit paano. Pakiramdam ko ay may isang taong muling nag-aalala para sakin tulad noong nabubuhay pa ang mga magulang ko.


Nakaupo lang siya sa tabi ko, sinigurado rin niyang may distansiya sa pagitan naming dalawa. Napatingin ako sa kanya at gumuguhit lang siya ng maliliit na bilog sa tubig. Cute!


Pansin kong namayat siya at maputla rin ang kaniyang kulay.


Napakagat labi ako dahil parang ako 'yong mas nasasaktan sa kalagayan niya ngayon. Alam kong may parte sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit siya nagkasakit ng ganito.


"Thank you for staying here with me." bulong ko.


Alam kong wala lang iyon sa kaniya pero para sakin ay malaking bagay ang ginawa niyang pagsama sakin at manatili siya sa tabi ko. Sobrang na appreciate ko siya this time.


Halos isang linggo rin niya akong iniwasan nang saganon ay hindi na magka-gulo pa, pero eto siya, sinasamahan at binabantayan ako kahit na siya dapat ang hinahalagaan at binabantayan dahil sa kundisyon niya.


"Wala 'yon, mas makakabuting may kasama ka, baka kasi kung anong masamang gawin mo sa sarili mo kung mag-isa ka dito." sagot niya na tila nang-aasar.


"Ano?" naka-ngiting sabi ko.


Humarap siya sakin at ngumiti ng simple.


"Mukha kasing balak mong lunurin ang sarili mo kanina kung hindi pa kita pinuntahan. I was afraid that you might do it." mahinang sagot niya.


"Actually naisip ko talaga 'yon kanina. Pero naisip ko rin na hindi naman ako ganon ka tanga para tapusin na lang basta ang buhay ko." natatawa kong sabi.


Silence followed afterwards.


"Why were you crying?" tanong niya.


Lumingon ako sa kanya at nakitang nakatingin din pala siya sa akin. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. 

"Hmm. Is it okay to tell you?" balik kong tanong.


"Is it okay to ask you?" tanong din niya.


Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "I guess it won't hurt to tell you" amin ko.


"Nagkita kami kanina ng stepmother ko nang umalis ako ng bahay." umpisa ko.


"Umalis ka ng bahay?" nakataas kilay niyang tanong. So hindi niya nakita 'yung note na iniwan ko?


I slowly nodded.


"Why would you leave without anyone accompanying you? At hindi mo rin sinabi sakin." dagdag pa niya..


"Nag-iwan ako ng sulat." sagot ko. "Pero kung mag-papaalam ba ako sayo ay papayagan mo ako?" nakatingin parin ako sa kaniya.


He sighed. "No, you have no one to accompany you." he answered. "At kahit nandito ako, hindi rin kita masasamahan dahil hindi ako pweding makipag interact sa mga normal na tao." may point naman siya.


My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon