Skin contact

176 15 7
                                    

Forty Six: My Vampire Lover 💐

Skin contact




PAGKATAPOS nang huling sinabi ni Lucian ay nawala siya, ang itsura ko na ngayon ang nakikita ko sa harapan ng salamin. Bumalik na rin sa normal ang kulay ng mga mata ko. 


Napagdesisyonan kong kalimutan na lang muna ang engkwentro namin 'yon ni Lucian, lumabas na ako ng kwarto at binalikan na si Jungkook at Jimin sa baba.


Nadatnan ko silang nakaupo pa rin sa sala at nanonood ng TV. Umupo ako sa tabi ni Jimin at tahimik na nanood ng TV gaya nila.


"May gumugulo ba sa isip mo, Eli?" tanong bigla ni Jimin. Ipinilig ko ang aking ulo bilang sagot, masyado ba akong halata?


Ngumiti si Jimin tsaka siya pumalakpak. "Thirty minutes." aniya. Nagtatakang tumingin kami ni Jungkook sa kaniya. "Bibigyan ko kayo ng 30 minuto para makapag-usap na dalawa. Take note...'mag-usap!'"


"Pero—" magtatanong pa sana ako kung bakit pero nginitian lang niya ako tsaka niya tinaas ang isang kamay senyales para tumigil ako.


"Mas mabuti pang bilisan niyo na bago pa magbago ang isip ko." Mabilis kaming tumayo ni Jungkook na tinawanan ng mahina ni Jimin. "Bumalik kayo dito after 30 minutes or else tatawagan ko si Papa." tukso pa niya.


"Balcony?" tanong ni Jungkook at tumango ako. I mentally thanked Jimin for this.


Hindi ko alam kung ano bang pag-uusapan namin ngayong kaming dalawa na lang.


Mabilis naming narating ang balcony since limitado lang ang oras naming dalawa. Medjo madilim ang lugar, pero abot tanaw mula dito kung gaano ka ganda ang tanawin sa labas. There's a full moon and there were plenty of stars in the sky. Ang sarap din ng simoy nang hangin.


Walang imik kaming nakatayo na dalawa hanggang si Jungkook na mismo ang bumasag sa katahimikan. "Sorry if I couldn't say anything to calm you down earlier." aniya.


"Okay lang. You don't have to, I was the one that freaked out anyways." sabi ko. "Natakot kasi ako." humarap ako sa kaniya, malungkot akong ngumiti.


"Natatakot kasi ako kung sakaling tuluyan na akong maging isang bampira...anong mangyayari sakin? Satin? Siguradong marami ang magbabago, mas magiging magulo, diba?"


Sumandal si Jungkook sa banister tsaka siya huminga nang malalim. "Magiging katulad ka namin. Tingin mo, masama ba 'yon?" balik tanong niya.


"Para sakin...Oo." sagot ko. 


Inalala ko ang sinabi sakin kanina ni Lucian at marahil ay tama siya. Ang isiping dumadaloy sa katawan ko ang dugo niya ay hindi ko matanggap, nababahala ako. "Para kasing...hindi na ako ito, natatakot ako na baka sarili ko mismo ay hindi ko makilala."

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon