Foolishness

339 25 3
                                    

Eight : My Vampire Lover 💐


Foolishness




KUNG MERON man akong isang bagay na gustong gawin ngayon, iyon ang makalayo kay Jungkook.


I'm very well aware of what he's capable of doing. Parang habang dumadaan ang mga araw mas lalong lumalaki ang takot na nararamdaman ko para sa kaniya.


Parang nararamdaman ko na kung ano ang gagawin niya base sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon. He's eyeing me as if I was his prey. Napansin ko rin nag-uumpisa nang magliwanag ang marka sa aking pulsuhan.  



Shit! Masama 'to...


"Missed me?" nakangisi siya habang papalapit sa akin.


Patuloy ako sa pag-antras habang dahan-dahan siyang lumalapit hanggang sa maramdaman ko sa aking likuran ang pinto. Agad niya akong dinaluhan nang tangka ko itong bubuksan, ikinulong niya ako gamit ang kaniyang mga bisig upang mapigilan ako sa paggalaw.


"Bakit naman kita ma mi-miss?" sagot ko. Muli ay tuluyan akong nabigo sa pagtatangkang umarte na parang hindi ako natatakot sa kanya.


Sa totoo lang, sobra akong natatakot ngayon. Nag-aalala rin ako para sa iba, siguradong nagkakagulo na sila dahil sa nangyari kanina sa loob ng classroom. Paano kung may masamang mangyari sa kanila?


"Hmmm...feisty." Jungkook smirked. "I suggest that you worry about yourself rather than the others," tsaka sya tumawa habang lalong inilalapit ang sarili sa akin.


Alam kong pabaya ako, pero hindi ko alam na impulsive din pala ako. Nagawa kong sorpresahin pareho ang sarili ko at si Jungkook sa mga susunod kong aksyon...sinampal ko siya ng malakas.


Nakita kong tumagilid ang kaniyang mukha dahil sa impact ng sampal ko na agad ko ring pinagsisihan nang makita ko siyang ngumisi at dahan-dahang inilingon ang kaniyang mukha sa akin.


"You sure know how to please me without even trying..." ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking mukha, sobrang lapit niya. "You're the first one to even hurt me like that."


Inilagay niya ang isang kamay sa likod ng aking ulo. Mahigpit niya akong hinawakan roon at marahas na hinalikan. Tila kinokontrol niya ang paggalaw ng aking ulo gamit ang kaniyang kamay.


I was beginning to start hating myself because I was beginning to get used to his kisses.


Pilit kong nilalabanan ang aking sarili na huwag tumugon sa kaniyang halik, tuluyan ng mawawala ang lahat sa akin kung pati ang dignidad ko ay ibibigay ko sa kaniya ng kusa.


Pero wala akong planong gawin iyon.


Ramdam ko ang pag ngisi niya habang patuloy siya sa paghalik sakin, malamang ay narinig niya ang bawat nilalaman ng isipan ko.


"Why not kiss back Eliana? After all, my one-sided kissing is starting to get boring." humalakhak siya bago niya sinimulang salakayin muli ang labi ko.


"I won't force you to be my mate, gusto mong malaman kung bakit?" tanong niya pagkatapos niyang tumigil sa paghalik. "Dahil ikaw ang makiki-usap sakin na gawin ko 'yon. Darating ang araw na ikaw mismo ang magmamakaawa sakin para kunin ka at hilingin sa akin na maging kabiyak ko. Would you like that, Robyn Eliana?"

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon