Meeting Mr. Devlyn

271 16 5
                                    

Twenty One : My Vampire Lover 💐


Meeting Mr. Devlyn





"SIGURADO KA BANG ayaw mong sumama sa baba?" Tanong muli sa akin ni Taehyung bago lumabas ng aking kwarto. Ipinilig ko ang aking ulo bilang sagot, nakatingin lang ako sa dingding ng aking kwarto kung kaya't hindi ko alam kung anong reaction meron siya dahil sa isinagot ko.


Pangatlong beses na niyang punta ngayong araw na 'to dito. Naging daily routine na niya atang i-check ako since ilang linggo na akong hindi lumalabas sa kwarto.


Pakiramdam ko ay parang patay narin ako, it's as if I was already soulless. Wala na akong maramdaman.


Pagkatapos kong makita ang lahat ng ginawa ni Jungkook sa mga dati kong kaklase—takot na akong makalapit muli sa kaniya or kahit kanino man sa kanila. Kung pwedi lang na huwag ko na silang makita ay gagawin ko.


I learned that I shouldn't trust them.


Gaya nga ng sabi noon ni Taehyung sakin, 'no matter how human I act, you shouldn't trust me fully'. tumatak iyon isip ko.


Although, siguro ay okey lang na magbigay ako ng konting tiwala kay Taehyung since nakikita ko naman lahat ng effort niya at kung paano niya ako ipagtanggol noon kay Jungkook.


Palagi siyang nag-aalala para sakin, pero hindi ko naman din siya masisisi sa bagay na 'yon. Ilang linggo ko ng ikinukulong ang sarili ko dito sa kwarto, at sa loob ng ilang linggong iyon ay si Taehyung lang ang tanging nakaka-labas masok dito, madalas rin na hindi ko siya kinikibo kahit nandito siya, hindi ako nagsasalita.


Never din akong tumingin sa kaniya ng diretso kahit may sinasabi o nagkukwento siya sa mga nangyayari sa labas. Madalas kasi ay sa bintana lang ako nakatingin.


I appreciate his patience though, to think that he could withstand talking to me for the past week just to make sure that I'm okay.


Kinuha ko ang remote ng TV at binuksan ito. Sinabi sa akin ni Taehyung na pwedi ko itong gamitin para hindi ako mainip, dinala niya ito ilang linggo na ang nakalipas pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na buksan ito.


"The case of the murder of several students from a university remains a mystery. According to investigators the causes of death were—"


Agad kong pinatay ang TV at nagtago sa loob ng aking comforter.


Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa isipan ko ang lahat ng nangyari ng araw na iyon. I buried my face in my pillow as I tried to push away the horrific scene flashing in my mind once again.


Sa tuwina ay palagi kong pinagdarasal na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito, na sana ay magising na ako sa bangungot na ito. Pero hindi...alam kong hindi ito panaginip. I had to face the fact that this is reality. Ito ang totoo, ang totoo na hanggang ngayon ay hindi ko lubos matanggap.


I'm living with seven half-vampires, six have control of themselves and one is just extremely dangerous, their vampire uncle is after everyone and he's working with my stepmother.


My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon