Chapter 28

11 2 0
                                    


  "Susunduin kita bukas," sabi ni Reese.


Everything has been going smooth and well between me and Reese. I am happy and contented that I couldn't ask for more. A month has passed and its now December! My favorite month of the year. Kasama ko si Reese ngayon at gagala kami kasi tapos na ang final exam namin for this quarter. 



  "Okay. Sa'n tayo ngayon?" 



  "Ikaw? Saan mo gustong pumunta?" tanong niya pabalik bago kinuha sa 'kin ang bag ko at siya na ang nagdala.  



Sandali akong nag-isip at huminto muna sa paglalakad. "Sa Tambayan nalang." 




We just walked to have more quality time together and also enjoy nature. Maaliwalas ang panahon kahit mag-aala singko na. Marami na ding mga sasakyan na dumadaan sa highway kasi uwian na. 



  "May susuotin ka na ba para sa Christmas party bukas?" tanong ko. 




Bukas sa umaga na ang Christmas party namin. Half day lang kami bukas kasi magdiriwang din nang sariling party ang mga guro sa hapon. Pero ang higit na nagpa-excite sa akin ay ang katotohanang birthday ko na bukas. Natapat pa talaga sa party. 



  "Kailangan bang paghandaan 'yon?" nakasimangot na sagot ni Reese. 



Hinampas ko naman siya. "Malamang! H'wag mong sabihin na magsusuot ka lang nang kung anong makita mo sa tukador!" 




  "E 'di hindi ko sasagutin. Tsaka gwapo na naman ako kaya hindi na kailangang maghanda," he smirked. 




Pinalo ko ulit siya na sinangga niya lang at tumawa. "Ang hangin mo talaga!" 




Maya maya ay nakarating na naman kami sa Tambayan. Wala masyadong tao kaya nakahanap agad kami ng magandang pwesto na harap ang makamandag na tanawin. Ang asul at mapayapang dagat ang bumungad sa akin nang makaupo na kami sa pabilog na mahogany na silya at mesa. 




  "Ako na mag-oorder," pagpaalam ni Reese bago ako iniwang mag-isa doon para lumapit sa may counter nila. 




I was busy admiring the serene view in front when a tall figure suddenly blocked my vision. Napabaling ang tingin ko sa lalaking nakangiti sa harap ko. 




  "Excuse me Miss. May nakaupo ba dito?" tanong ng estranghero. 




My eyes unconsciously examined his appearance. This guy has a jet black disheveled hair, thick brows, long lashes, sharp eyes, long nose, perfectly shaped lips, and well-defined jaw. Napabalik ang tingin ko sa mga mata niya nang marinig ang pagngisi niya. Amusement danced in the depths of his eyes. 




I cleared my throat as I felt warm sensation escalating in my cheeks out of embarrassment that this undeniably handsome stranger caught me checking him out. Well, he's attractive but my heart is already owned by someone more handsome inside and out. 




  "Uh.. may nakaupo na d'yan." Iminuwestra ko ang silya sa tapat ko na may bag ni Reese na nakalagay. 




Bago pa siya makapagsalita ay nakabalik na si Reese. Napakunot ng noo ni Reese nang makita ang lalaki na hindi pa din umaalis kahit tinanggihan ko na. 



  "Oh? Reese!" Napakunot ang noo ko nang biglang tumawa ang lalaki at tinapik si Reese sa balikat. Magkakilala sila? 




  "Drake," seryosong wika ni Reese, salungat sa pinakita noong 'Drake'. 




Strings of RegretWhere stories live. Discover now