Chapter 1

107 8 1
                                    

   "Ma, Pa alis na ako!" sigaw ko habang tumatakbo papalabas sa aming gate.

First day of school namin ngayon kaya kailangan kung makarating ng maaga kasi hahanapin ko pa ang classroom ko kaso hindi ako nagising ng alarm kanina. 'Yan napapala mo sa kakawattpad Abrianna! Tsk' Pagalit na sigaw ko sa aking isipan. Kasalan ko ba kung nakakabitin kapag hindi tapusin ang isang istorya?


Maya-maya nakarating na ako. Dinig na dinig ang malalakas na boses nang mga estudyante na parang ngayon pa lang ulit nagkita pero ngayon lang naman talaga sila ulit nagkita. Nahagip ng aking paningin ang aking kaibigan na si Cassi sa dagat nang mga nagkukumpulang estudyante. Ayon at ang laki ng ngisi nang makita ako.

  "Bri, agaw pansin ang eye bugs mo ah." nanunuksong sabi niya. Ang sarap rin bigwasan ng babaeng 'to paminsan-minsan.

  "Good morning to you too Cassandra. 'Wag na natin pag usapan ang eye bugs ko kung ayaw mong batukan kita riyan." naiinis na sambit ko sa kanya. Ang aga aga iniinis na ako.

  "Oh siya, may good news ako dali. Puntahan muna natin si Sab." sambit niya sabay dala sa akin sa isang gilid kung saan naroroon ang isa ko pang bestfriend na si Sabrina.

  "Hi Sab! Musta summer vacation?" tanong ko sa kay Sabrina na mukhang bagot na bagot na.

  "Nothing new. Sa bahay lang din naman ang longga." tamad na ani niya.

I first met Sabrina because we were classmates in 7th grade tas sunod si Cassandra back in 8th grade. I have common friends naman but these two are my closest and most trusted friends. Kung si Cassi iyong tipong napaka outgoing at friendly ganon naman ka salungat ang ugali ni Sabrina, she's the cold and brutally honest type. At ako ang nagbabalanse sa aming tatlo. I can either be friendly or cold, it depends on what kind of person I am with.

  "Guess what? Magkaklase na naman tayo! Yaaay!" masayang ani ni Cassi sa amin ni Sab na parehong walang pake hahaha.

  "Hays, ano ba yan.. Sawa na 'ko sa pagmumukha mo Cassi" reklamo ko sa kanya. Sasagot pa sana siya nang nagsalita ang maglelead nang flag ceremony na mag fall in line na daw at manahimik. Buti naman, nakakarindi din ee.

Maya-maya nagsimula nang magsilakaran ang mga estudyante sa iba't-ibang baitang hudyat na magsisimula na ang klase. Nagkaroon lang nang maiksing introduction para sa mga transferees at napakahabang discussion tungkol sa vision, mission at iba pa ng school. Hindi ko mapigilang pumikit-pikit 'pag hindi nakatingin ang guro. Konti nalang babagsak na 'ko eh. Shit, 'di nako magwawattpad ngayong gabi, pramis. Ayan may goal na ako and I should include sleeping early. Aside sa lumalaki na ang eye bugs ko, icoconfiscate na nila mama ang phone ko! hindi yun maaari! I would rather sleep early kaysa maconfiscate ang phone ko for a week, I'd die! 'Yan ka halaga ang phone naming mga wattpader at kdrama lover. Mas mahalaga pa sa jowa. Aanhin namin ang jowa kung walang cellphone diba?
I woke up from my reverie when I heard the bell rung. Ayan ang pinakahihintay nang lahat, ang pambansang subject ng bayan.... RECESS!

Nagsilabasan ang aking mga kaklase at nagsimulang magkumpulan sa canteen ngunit heto kaming magkakaibigan, nakaupo sa quadrangle at nililibot ang paningin kung saan saan, naghahanap ng gwapong nilalang upang maging crush, kahit si Sabrina nakisali narin. Atleast kung may mahanap may inspiration na at hindi tatamaring pumasok sa school. chos. ang landi ko lang.

Habang tumatambay, nahagip ng aking paningin ang isang lalaking matagal ko nang kilala.

  "Hindi parin kaayo nagkakausap?" tanong ni Sabrina ng mapansin kung sino ang tinititigan ko.

Strings of RegretWhere stories live. Discover now